CHAPTER 40

354 5 0
                                    

Kaming dalawa lang ni Edward ang nakaupo sa table na 'to na pinakasulok at malayo sa dance floor. Huminahon naman na 'ko pero 'di parin gumaganda ang nasirang gabi ko.

Kumpleto na ang lahat at sinimulan na ang program ng mga production number ng mga fame sa school. May sumayaw at kumanta. May nagbasa pa nga ng spoken poetry about sa pasko.

"Tikman mo 'to," anang katabi ko at inilahad ang alak sa tapat ko.

"'Di ako umiinom," buraot na sabi ko.

"It's wine," aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sabing 'wag akong maingles-ingles e!

"Tikman mo, 'di 'yan nakakalazing," pilit niyang tagalog.

Bumuntong hininga ako at sumimsim ng kaunti sa inabot niyang inumin. Masarap siya at parang juice lang.

"Let's proceed to the best part of the night! You may now grab your partners' hand and drag on the dance floor! DJ? Music please?!" Anang emcee at kumalabog na nga ang stereo sa lakas ng mga music.

Noong una ay puro rock song at nakakaindak na tugtog lang. Nagtatayuan na ang ibang magkakaibigan at naghihilahan sa gitna. Nanatili lang naman kami ni Edward sa aming mga upuan at pinanuod lang ang aming mga schoolmates.

Nakita ko na sila Devine kanina. Magaganda ang ayos sa kanila ngayong gabi. Sa harap sila nakaupo ka-table ang mga prinsipe ng eskwelahan kasama ang mga date nito.

Naku-curious tuloy ako kung binu-bully rin ba sila ni Sunny o sadyang ako lang? Dahil idol nga nila si Sunny, edi hindi nga sila binu-bully? O baka patalikod? Mukhang plastik pa naman 'yung babaeng iyon!

"Hindi ka naman zeryosow sa 9:00 pm right?" Bulong sa akin ng aking katabi.

Napatingin tuloy ako sa wrist watch niya. Pasado alas nuwebe na nga. Hindi ko namalayan ang oras.

"Sige, tawad na 'yung isang oras pa," sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka ba sasabay sa pinsan mo?" Tanong niya at malapit na malapit ang mukha sa akin dahil hindi kami magkakarinigan.

"Hindi. Baka ihatid ng boypren niya 'yon," untag ko.

"Seems this batch are enjoying the night! Who wants to dance with their special someone? It's your chance! Grab the opportunity! Slow song, DJ, please?!" Pang-uudyok ng emcee sa harap. At bigla ngang napalitan ang music ng slow song. Nagtitilian na ang lahat dahil ka-kornihan ng paligid.

"So, I think this is now my chance to dance with my date?" ani Edward sabay lahad ng kamay sa harap ko.

Hindi nga siya nagbibiro. Isasayaw niya 'ko? Ito ang kauna-unahang beses na sasayaw ako. Totoo. Kahit anong uri ng sayaw ay hindi ko pa nagawa dahil hindi ko hilig.

"'Wag na lang kaya? Baka tapakan lang kita don,"

"Oh, nooo. Ilang oras na lang birthday ko na. Come on, Tony?" Pangu-ngunsensya pa niya.

Bumuntong hininga ako. "Sige...pero iihi lang ako. Pagbalik ko, promise."

Tinignan niya ko nang mariin. "You won't escape me, right?"

"Oo naman!" Sabi ko kahit na sa totoo lang ay binabalak ko sana 'yon.

"Promise me, Tony. If you break your promise, you'll gonna treat me lunch for the whole school year!"

"Oo na!" Sabi ko at nangiti naman siya.

"Good girl," aniya kaya napairap ako. Humagikgik naman siya at umalis naman ako para pumuntang CR. Sa exit ako dumaan at hinanap ang pinaka malapit na comfort room. Umihi lang ako at naghugas ng kamay.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon