Nasa hapag kainan kami nang pumatak ang alas dos y medya.
Dahil wala nga si Tita ay ako na rin ang nag asikaso sa mga anak niya."Ate, gusto ko ng hotdog," kinuha ko naman ang itinuro ni Neriza at inilagay sa pinggan niya.
"Ate, nauuhaw ako." Bumaling naman ako kay Trixie at sinalinan ang baso niya ng tubig.
"Ate, can you give me the ketchup?" Anaman ng maarteng si Airra. Nang aasar.
Nag hagalpakan ang mga kaibigan ko at napairap na lang ako sa ere. Hindi ako makatingin sa harapan ko. Dahil alam ko...may nagmamatyag.
"Pwede ka na mag asawa, Tony!" Kantyaw ni Anne.
"May mother figure karin pala!" Gatong din ni Airra.
Sumubo ako ng bacon at nahagip ko naman ang ngumingising si Devine.
Pinag taasan ko siya ng kilay."Sino na nag text sa'yo?" Ngumu-nguyang aniya.
"Gian," sagot ko na lang at sumimsim sa aking baso.
"Talaga? Mukang close na kayo non, ah?"
Hindi ko siya sinagot. Hindi naman kasi totoo. Kaibigan namin si Gian pero hindi ko siya close. At bakit nga ba may number ni Gian si Devine? Tssss.
Malakas parin ang ulan nong hapon na iyon. Nag aalala na nga ako kina Lola. Hanggang ngayon ay wala parin sila.
Matapos kumain ay pinagduldulan nilang wala akong natulong sa pagluluto...kaya naman ako daw ang maghugas ng pinggan.
"Sige na, Tony. Maghugas ka na, " ani Anne na humagikgik at tinapik-tapik pa ang balikat ko.
"Patutulugin ko ang mga bata," anaman ni Devine at iginiya na ang mga bata paakyat.
Hanggang sa umalis na sila. Naiwan ako sa hapag na nag aayos ng pinagkainan...at pati 'yung unggoy.
"Ako na dito, pumunta ka na don." Singhal ko.
"Wala rin naman akong ginawa kanina. I'll help," aniya at pinagpatong parin ang mga pinggan.
"Talaga? Ikaw na lang kaya ang maghugas?" Sarkastiko kong sambit.
"Tss, I said, I'll help. Hindi ko sinabing ako lahat ang gagawa," masungit niyang sambit.
Ano na naman kaya ang saltik nito? Nag kabalikan na sila ng babae niya, ano pang tinotopak nito?
"Layas nga diyan!" Tinabig ko siya kahit na maluwag naman ang daan.
Bitbit ko ang ilang pinggan at ipinatong sa sink. Hindi ko namalayan na nakasunod na pala siya sa akin. Bitbit na ang buong hugasin. Ngayon ko lang napansin na nakaligo na siya ng lagay na 'yon. Naaamoy ko ang pamilyar niyang amoy dahil nasa tabi ko na siya. Lalaking-lalaki.
E bakit ko ba pinupuna 'yon? Damn!
Inabot ko ang dish washing liquid at sponge. Tumatama ang braso ko sa braso niya sa sobrang lapit niya sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko.
Fuck shit! Paano ba 'ko makakagalaw dito? Baka mabasag ko ang lahat ng hugasin!
"Ako na diyan," inagaw niya ang sponge sa kamay ko.
May kuryente akong naramdaman. Tangina! Anong kakornihan ang sinabi ko?! Seriously, kuryente?! Ano ka, Tony? Poste ng meralco?!
"A-anong alam mo sa gawaing bahay?!" Halos mapapikit ako nang marinig ang nanginginig kong boses.
"Why? Am I not allowed to wash the dishes 'coz I'm rich?" Seryoso niyang nilagyan ng tubig ang isang batya at doon nilagay ang dish washing liquid.
Nakikipag paligsaan ata ang isang ito sa kasungitan?
"Stop starring," biglang aniya.
Napapahiya akong humablot ng pinggan at sinimulang banlawan.
"Kapal!" Bulong ko.
Ibaba ko na sana ang unang pinggan na nabanlawan pero inabot na niya 'yon at sinimulang kuskusin. Hindi ko parin maiwasang titigan ang bawat pagkuskos niya sa pinggan. Parang libo-libo ang germs at todo ang kuskos niya.
"Paki bilisan naman! Gusto ko nang matulog!" Ungot ko nang hindi na natagalan ang kaartihan niya.
"'Wag mong pakialaman ang ginagawa ko. Just do your part, stop talking to me," aniya.
Napasinghal ako. Wow! Just huwaaaw!
"May regla ka ba, ha?! Ba't ako ang pinag bubuntunan mo ng inis?! Kung may problema ka sa mundo----pakamatay ka! Letche!"
"Pinapantayan ko lang ang lamig mo," bulong niya sa kawalan.
"Anong sabi mo?!"
"Nothing, I just said you're not that pretty para mag sungit, at least I have the right" he blabbered.
Whaaaat?! Sino raw ang masungit?! Sino raw ang hindi kagandahan?!
Sinahod ko ang tumutulong tubig sa gripo at sinabuyan siya. Nanigas siya at napapikit nang matilansikan ang mukha at damit niya.
"Ano?! Ha?!" Hamon ko at ambang sasabuyan muli siya.
Pero hindi ko inaasahan na gagantihan niya ako. Nasabuyan na niya ako bago pa ako makaulit. Hindi tubig, kundi tubig na may bula! 'Yung panghugas ng pinagkainan.
I heard him chuckled. "You're cute...kapag may takip ang mukha mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. Nakadilat parin ako kahit na may bula ang mukha ko. Pinapatay ko na siya sa aking tingin.
"I'm so scared of your glares, piggy," may halong pang aasar at sarkastiko niyang sambit. Kinagat niya ang pang ibabang labi at tumititig sa mukha ko.
Napahilamos ako sa mukha ko at ipinahid din sa mukha niya 'yon. Mabilis siyang umuwas at sinangga ng kaniyang braso ang mga atake ko.
Sa inis ay iyung braso niya ang hinablot ko at kinagat iyon ng madiin. Napasigaw siya sa sakit at pilit na itinulak ang noo ko. Hindi niya ako maalis-alis. Padiin naman nang padiin ang kagat ko.
Nang biglang sa dibdib niya ako itinulak!
Laglag ang panga kong napabitaw sa namumula niyang braso at may bakat ng mga ngipin ko.
"I...I-IKAW!!! A-A-ANONG SINALAT MO?!"
Dinuro ko siya at nakita ko ang namimilog niyang mga mata. Pulang pula ang mukha niya pati leeg.
"I...I d-didn't m-meant to----"
"MANYAAAAK!" Impit na tili ko at dinamba siya ng sampal at kurot.
MY GOD! ANONG NANGYARE?! TELL ME!! NA...NASALAT NIYA 'YUNG DIBDIB KO?! NARAMDAMAN KO 'YUNG KAMAY NIYA DON! FUCKING SHIT!! PUTANGINA!!
Tinabanan niya ang dalawang kamay ko kaya natigil ako sa pag bugbog sa kaniya. Hindi ko kinayang kumawala sa mahigpit niyang taban.
"L-look, I'm sorry. I...I didn't mean to t-touch it!" Depensa niya.
Taas baa ang dibdib ko sa paghabol ng hininga. Tumaas lahat ng dugo ko sa mukha. Nag iinit ang mukha ko.
"PUTANGINA MO!!!" 'Yun na ang pinaka malutong at pinaka malakas na sigaw ko sa buong buhay ko.
Mabilis ko siyang tinalikuran at padabog na umakyat sa taas at pabalibag rin na sinara ang pinto ng aming kwarto. Nadatnan ko si Airra at Anne na may sari-sariling ginagawa. Gaya ng nakasanayan, babad sa libro si Anne at sa cellphone naman si Airra.
Wala silang kamalay-malay sa nangyare sa baba. Ano pa bang aasahan ko? Nasa pamamahay ako ng mayayaman. Natural na sound proof ang bawat dingding dito. Badtrip, one million shit!
Dumiretso ako ng banyo at doon nag kulong. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang kinakapos ako ng hininga. Fuck shit talaga! Fuck shit 'yung unggoy na iyon! Napaka manyak! Arrrrrgh!!!!
Tutal naman ay nasa banyo na ako, wala sa sarili akong tumapat sa shower. Iniisip na mahuhugasan din non ang utak ko at ang ala-alang nangyare kanina.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...