Lumakas ang ulan kaya nag sang ayunan silang isara ang pinto dahil lalong lumamig ang simoy ng hangin.
Yakap-yakap ko ang tuhod ko habang nakatingin sa flat screen. Isang horror movie ang palabas na hindi naman ako naki-creppyhan. Masyado kaseng OA 'yung make up ng mga multo sa Japan. Ewan ko. Pero pag horror movie ng Japan, sa halip na matakot ako ay madalas pa akong natatawa sa itsura ng mga multo. Mas nakakatakot ang multo ng mga Thai at Filipino kaya mas nag-eenjoy ako. Minsan nga ay hindi na ako makatulog sa sobrang enjoy!
Men, feel the sarcasm!
"Hindi ko naman pwedeng pakialaman 'yung binili ni Mama dahil pang hapunan daw iyon," ani Devine sa aking gilid kaya napalingon ako sa kaniya.
Kausap niya ang nanghihimutok na si Airra sa gutom. Pare-parehas kaming hindi pa nanananghalian.
"Marami namang laman 'yung ref nila, Arki!" Sabad ni Anne.
"May frozen's meat don, cook, girls." Isang baritong boses ang nag palamig lalo sa panahon. Lumanding ang nagbabadyang irap ko sa kaniya.
Nakapadikwatro siya ng upo taban parin ang kaniyang cellphone. Nag angat siya ng tingin sa gawi ko kaya umirap ako.
"Tara, lutuin natin," hinatak ni Devine si Anne.
"I can help," ani Deoffy at tumayo na rin.
"Naku, iwan niyo na sa Tony at 'yan ang walang maitutulong!" Sigaw ni Airra kaya bago ko pa siya sapakin ay nagtatakbo na siya sa kusina.
Okay? Kami na lang ngayon ang nandito sa salas at magkaharap pa.
Abala parin siya sa phone niya at tumitig naman ako sa TV.Siguro ay nagkabalikan na sila, good for them! Ha. Akala naman niya magtatagal sila? E ano kung maganda at perfect 'yung si Sunny Monteverde? May masamang ugali rin namang tinatago, bully! Hindi ko makakalimutan 'yung ginawa niya sa akin sa library.
Naputol ang pagmumuryot ko sa TV nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko 'yon at binuksan. May isang message ako mula ko kay Tita Fe.
Tita Fe
Friday, 1:02 pm
Mamaya pa kami makakauwi at magpapatila muna ng ulan. Bakit hindi sumasagot ang pinsan mo sa tawag ko?
Mabilis akong nagtipa at sinabing nasa kusina si Devine at nagluluto. Ibinalik ko ang tingin sa flat screen at naumay na sa palabas. Hindi ko na kase nasundan.
Inabot ko ang remote sa maliit na wooden table sa harap namin at saka inilipat ng channel. Nahinto ako sa cartoon network na ang palabas ay Adventure time. Walang TV sa apartment namin kaya hindi ako nakakapanuod, pag may TV naman ay gusto kong puro cartoons lang ang pinanunuod.
Tumunog muli ang cellphone ko at isang tawag na iyon dahil sa haba at ingay ng ring tone. Nag angat ako ng tingin habang dinudukot ang cellphone sa aking bulsa. Nasa akin na ang tingin ni Chandel tapos ay tumitingin sa cellphone ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinagot ang tawag sa pag-aakalang mula iyon sa mga Tita ko.
"Hellow," Pero katahimikan lang nakuha ko sa kabilang linya.
Tinanggal ko ang cellphone sa aking tainga at sinilip ang screen. Isang unknown number at hindi naka register ang tumawag. Sa mga ganitong pagkakataon ay pinapatay ko na dapat ang tawag pero nagbabakasakali rin akong baka galing kina Tita ang tawag.
"Hellow!" Ulit ko. At doon palang ako nakarinig ng tunog sa kabilang linya. Halakhak ng isang lalaki.
Nangunot ang noo ko. "Sino ka ba?!"
"Relax, Tonia. Gian 'to!" Aniya na nakapag pataas ng kilay ko.
"Saan mo naman nakuha ang number ko?" Tumayo ako at iiwan sana ang sala.
Nahagip ko ang nanunuring tingin ni Chandel David. Mabilis akong lumayo sa kaniya at naglakad papa kusina.
"Pinlug ng pinsan mo! Hiring daw ng boyfriend, eka pa nga." Humagalpak siya ng tawa at lalo namang nangunot ang noo ko.
"Seryoso?!"
"Oo nga. Tanungin mo siya, sabi na at tinitrip ka e. Pero salamat narin at may number mo na 'ko! Pasalubong ha?"
"Hindi ako mahilig makipag text," sagot ko habang tinititigan ang mukha ni Devine na naghihiwa ng hotdog sa dining.
"Expected ko na 'yon, 'no. Basta pasalubong!" Aniya.
"Okay. Ipapadala ko na lang kina Lola dahil baka hindi na kami dumiretso diyan,"
Hindi ko alam kung kailan nila balak umuwi. Ang alam ko ay sa Tuesday na ang balik klase namin, baka hindi na ako makauwi ng probinsya.
"Ise-save ko ang number mo, ha?" Tumawa muna siya as usual at saka pinatay ang tawag.
Mabilis naman akong lumapit kay Devine at ginawaran siya ng mahinang batok.
"Pinamigay mo ba number ko?!"
Nanlaki ang mata niya at saka humagalpak ng tawa.
"Naka receive ka na ng text? 15 person lang 'yon, 'no! Saka kilala mo naman lahat. Ganti ko na lang 'yon sa pang titrip mo samin kanina... nadaganan kaya ako ni Airra!"
"Ano iyung butiki?! Halos atakihin ako sa puso kanina! Alam mong may phobia ako don tas sumali ka pa sa trip nila!" Bulalas ko.
"Oh, chill! Sorry na. Nauna ka naman e. Saka kung ayaw mo ng katext, pwede namang 'wag mo na lang replyan 'yung magti-text sa'yo!" Ngumuso siya.
Umirap ako. "Ewan ko sa'yo!"
Padabog akong nag martsa palabas ng kusina. Ang lakas lang ng mga sapak! Below the belt na nga iyung butiki kanina tas pati ba naman number ko?! Tss
Sa halip na bumalik ng salas ay umakyat na lang ako sa taas.
Nadaanan ko ulit si Chandel na malalim ang mga matang sinusundan ako ng tingin. Nag iwas agad ako ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakita. Pero sa totoo lang ay halos mangatog na ang tuhod ko.
What the hell?!
Sa hallway palang ng mga kwarto ay umaalingawngaw na ang boses at tiliin ng mga bata. At hayon nga sila, sa hallway naglalaro ng piko. Chalk ang ginamit panulat sa sahig. Lumapit ako sa kanila pinanuod silang maglaro.
Si Dian na pinaka matanda, 13 years old at kasali rin sa laro nila. Enganyong-enganyo sila sa paglalaro. Mga batang wala manlang pino-problema. Dapat ay i-enjoy lang nila ang pagiging bata, dahil habang lumalaki sila, lumalaki rin ang po-problemahin nila.
Napabalikwas ako nang may maramdamang mainit sa aking likod. Sobrang lapit ng kunot noong si Chandel David sa akin!
Nararamdaman ko na ang dibdib niya sa likod ko! Tumatama rin ang hininga niya sa batok ko na nakapag pataas sa lahat ng balahibo ko.
"A-ano bang ginagawa mo diyan?!" Napaurong ako.
Kumibot-kibot ang labi niya at saka ngumuso. "You like textmate? What requirements do I need to pass to have you?" Anito at saka ako biglang tinalikuran.
Laglag ang panga kong sinundan lang siya ng tingin habang sinagasaan naman niya ang pinaglalaruan ng mga bata sa hallway. Pabalibag niya ring sinara ang pinto ng kaniyang kwarto.
WHAT THE FUCK IS WITH YOU, MONKEY?! HINDI KO MAINTINDIHAN 'YUNG TOPAK NIYA!
Just...hindi talaga!
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Roman pour AdolescentsTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...