"A-ang landi mo rin, ano? Kalalaki mong tao. Ilang babae na ang sinabihan mo niyan?" Humalakhak ako ng mapakla. Pilit kinakalma ang sarili. Palagi na lang akong nag-haharumento pag nandiyan siya.
"Ang baduy mo mag joke...hindi ako tinatablan niyan!" Pilit akong ngumisi.Nagbago ang reaksyon niya. Biglang naging blangko at ang hirap basahin.
"Y-yeah," he said at uminom sa pine apple juice niya. Laglag ang balikat kong kumagat muli sa fried chicken.
Iba rin 'tong mantrip. Makalaglag panga. Pero mas okay 'to. Mabuting hindi niya dinere-diretso ang biro niya dahil baka hindi lang ganito ka awkward ang nangyayare ngayon.
Pero bakit ganon? Parang...parang may kinurot sa loob ko. Very unfamiliar feeling. Nakakapanibago. Unti-unti ring huminahon ang nagwawala kong puso.
Tahimik kaming kumain. Nakatatlong manok lang ako at tinigilan ko narin. Hindi ko naubos gaya ng ipinag mamayabang ko kanina, nawalan bigla ako ng gana.
Nang makita niyang tapos na ako ay saka lang siya tumawag ng crew. Pinabalot niya ang mga pagkaing hindi nagalaw at isinama ko narin 'yung kinuhanan kong friend chicken para itake out.
Naghintay lang kami sa table habang sumisimsim naman ako sa aking juice. Pasimple akong sumusulyap sa kaniya dahil abala siya sa kaniyang cellphone. Napanguso ako.
Dumating ang crew at ibinigay sa amin ang tinake out na pagkain. Sabay kaming lumabas ng fastfood chain. Sumabog agad ang buhok ko nang maramdaman ang hanging amihan. Nakalimutan ko magdala ng rubber pampusod.
Pinatunog niya ang sasakyan saka kami pumasok sa loob. Siya ang may bitbit ng tinake out na pagkain. Inilagay niya 'yon sa back seat at inayos ng pagkatagal-tagal.
"Did you bring your phone?" Aniya nang imaniobra ang sasakyan.
"Hindi," sagot ko. Paano kong dadalhin kung hindi pa man ako nakakainom ng tubig pang umaga ay hinatak na niya 'ko dito?
"Hinahanap ka ng mga kaibigan mo, I told them you're with me." Nangunot ang noo ko.
"Hindi ba ako nakita ng mga iyon kanina? Mga abnormal na 'yon," bulong-bulong ko.
Nasa kalsada kami at nakakabanas na kasagsagan pa ng traffic. Hanggang dito pala sa Baguio ay uso ang traffic. Binuksan ni Chandel ang stereo at nagpatugtog pang tanggal ng bagot. Hindi pa niya ako nililingon simula kanina. Kinakausap nga niya 'ko...pero hindi tulad kanina na kulang na lang malusaw ako sa mga titig niya.
May girlfriend siya, mali nga namang lumandi siya. Na-offend siguro siya sa pintas ko kanina. Tinamaan. Kaya ayon, tinext niya siguro si Sunny Monteverde dahil guilty siya sa pagbiro niya sakin kanina.
Nagsasalubong ang kilay ko at naghahanap ako ng pwedeng pagbalingan. Sa kalsada ay may nadaanan kaming mga tiangge. May kung ano-anong tinda at pang pasalubong. Napatitig ako sa isang sando na nakahanger sa silong ng isang tindahan. Pumasok agad sa isip ko ang imahe ni Gian. Mahilig siyang magsuot ng sando. At nag bilin nga pala ang lokong bigyan ko siya ng gawang Baguio.
Sobrang bagal ng usad ng mga sasakyan dahil sa traffic. Konti na lang ay iisipin kong nasa Edsa ako.
"U-hmm...pwede bang huminto muna tayo?" Sambit ko at isang beses ko lang siyang sinulyapan saka bumaling sa labas ng bintana.
"Why? Do you need anything?"
Napaismid ako. "May bibilin lang...saglit lang," iniwasan kong tarayan siya. Pero 'di ko natago ang pagiging sarkastiko.
"Dito lang sa mga tiangge." Mura kase dito. Mahirap lang ako.
Tumango siya at kinagat ang pang ibabang labi. Nag iwas agad ako ng tingin. Humanap siya ng tiyempo at lugar na pwedeng pag paradahan. Nang makakita ay iniliko niya don ang sasakyan. Sana ay hindi na traffic mamaya. Shit lang.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Fiksi RemajaTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...