CHAPTER 36

333 6 0
                                    

"Bakit?" 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Napakamot siya sa ulo at tumingin pa sa paligid. "Uhm...pwedeng magkita tayo mamayang uwian?"

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"I just wanna treat you something. Mamaya sa pastry shop?" Halatang nag-aalinlangang aniya.

Ngumiwi ako. "Hindi ako mahilig sa matamis...o sweets,"

"Ah..." Halatang nag-isip pa siya. "Sorry...uhm, resaturant? Dinner?"

Ano bang gusto ng lalaking ito at biglang manlilibre? Pero libre rin 'yon. Alam niyo bang masarap kumain lalo na kung libre?

"Sige..." Sagot ko na ikinangiti niya. Magaan naman ang loob ko sa kaniya. Isa pa, palagi na lang ako mag-isa nitong mga nakaraang araw, sabik din ako sa libre, 'no!

"Pero sa hepa lane ko gusto," pahabol ko.

"Oh God! You're eating street's food?"

"Baket? Bawal na ba?"

"No...coz I love that too!" Confident na sabi niya na ikinabigla ko.

"Weh? Ikaw na mukhang yayamanin?"

"What?" Natatawang aniya.

"Wala...o sige, mauna na 'ko," paalam ko at binuklat-buklat ang nahiram kong libro.

"Alright, see you later," matamis ang ngiting aniya at tinalikuran ko na.

May mga taong hindi ko kayang sungitan...mukha naman siyang mabait, at nakakatuwa rin na kumakain pala siya ng pagkaing mahirap. Ililibre lang naman ako...tutal palagi naman akong mag-isa sa school nitong linggo.

Close na close na ang mga kaibigan ko sa mga prinsipe ng school...at naririnig ko rin ang balitang nagbago na talaga ang dalawang prinsipe ng school...dahil may tumagal nang girlfriend. Kaya naman maraming naiinggit kay Devine at Sunny ngayon. Ang best line pa nila, "Anong mayroon kay Devine...kung kay Sunny kase maiintindihan ko pa."

Minsan gusto ko na ngang manampal pag nagchichismisan sila tungkol kay Devine. Pero ang ginagawa ko na lang ay sinasamaan sila ng tingin hanggang sa isipin nilang baliw ako at gusto ko na silang tadtarin ng buhay. Kaya naman ang mga maaarteng nilalalang ay kaniya-kaniya na nang takbo.

At kagaya nang usapan. Nagkita nga kami ni Edward nong uwian. Pero hindi ko inaasahan na sa tapat mismo ng room namin siya naghihintay.

"Sorry...my dismissal was early so I go here," aniya nang makita ako.

"Okay lang naman," sambit ko at naglakad na. "Anong grade mo na nga pala? Ba't alam mo room ko?"

Ang tagal niya bago nakasagot. "I'm Grade 11, STEM. I asked someone knows you." Kagaya ng date, pinagtitinginan at bulungan na naman siya ng mga langaw. Umirap ako at ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Talaga? Magkasing-edad lang pala tayo." Sagot ko kahit na naguluhan sa sagot niyang may pinagtanungan siya.

"Really? I'm 18,"

"Ay? Mag e-18 palang pala 'ko, mas matanda ka ng one year,"

Parang Kuya ko na pala ang isang 'to. Magaan ang loob ko sa kaniya...gusto kong magkaroon ng kapatid na lalaki. Puro babae na kasi kami sa bahay...kaso wala ngang chance na magka-siblings ako. Hindi ko alam kung may kapatid man lang ba ako sa side ng Tatay ko. Tatay ko nga hindi ko kilala e...kapatid ko pa kaya?

Paglabas lang nang school at konting lakad sa kalsada ay marami nang nagtitinda ng street foods. Libre niya kaya naman lulubusin ko na!

"Alam mo bang mapapasubo ka dahil malakas akong kumain pag paborito ko ang nakahain?" Sabi ko at itinuro kay Manang na nagtitinda ang mga gusto ko.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon