CHAPTER 50

516 7 0
                                    

"Lola, alam mo bang si Devine may crush na! Crush niya 'yung anak ni Aling Trina!" Kwento ko kay Lola pagkagaling kong school.

"Bakit ikaw? Walang ka bang krash, apo?"

"E 'di ba, 'La namatay si Mama dahil sa pag-ibig? Ayokong mamatay, La." Untag ko at natahimik naman siya.

"Iibig ka rin balang araw,"

"Hindi po, ano! Ayoko!"

"Bata ka pa. Maiintindihan mo ang lahat pag lumaki ka na." Nginitian niya ako at hinalikan sa aking buhok.

Hinding-hindi 'yan mangyayare, 'La. Hindi ako mamamatay dahil lang sa pag-ibig. Tatandaan ko 'yan hanggang sa dumating na ang sinasabi mong paglaki ko.




Doon nagsimula lahat iyon. Ang dati kong paniniwala ay naglahong lahat...at dahil 'yon sa kaniya.

Siguro nga hindi oras ng samahan ang batayan para masabi mong gusto mo na ang isang tao...basta mararamdaman mo na lang iyon sa hindi inaasahang oras.

Ilang buwan pa lang simula ng makilala ko siya. Hindi ako nininiwala sa pag-ibig at isinumpa ko pang hindi ako iibig.

Pero...

Anong laban ko kung si pag-ibig na ang nag udyok?

Isa lang akong hamak na nilalang. Paglalaruan ng pag-ibig, pasasayahin at paiiyakin. Ngayon alam ko na kung bakit pinipili ng mga taong umibig kahit na alam nilang masasaktan lang sila...

We must choose wisely...and make sure that the man/woman we will choose is worth the pain they'll bring.

"Okay nang masaktan basta naging masaya ka kahit minsan." Iyan ang linya ni Lola na minsan ay binitawan niya sa akin.

Ngayon...naiintindihan ko na talaga.




"Huwaw naman! Ba't luminis ang bahay?" Sigaw ni Devine nang mabuksan niya ang pintuan.

Siya lang mag-isa at wala ang mga kasama niya.

"Nasaan si Chan?" Tanong niya at lumapit sa akin. Nakaupo kase ako sa monoblock chair at nagbabasa ng libro.

Binaba ko ang binabasang libro at inginuso ang kaniyang hinahanap. Bulagta na namamaluktot ang unggoy sa sofa. Sa sobrang pagod ay nakatulog.

"Anong ginawa mo diyan?" Makahulugang tanong ng pinsan ko.

"Pinagawa ko ng gawaing bahay." Sagot ko.

Umikot naman siya sa sala at gumawi pa ng kusina.

"Naknamputcha! Mukhang hindi lang linis ang ginawa ng isang 'yan. May extra renovation din tayo, ano? Ganda rin e!" Sarkastikong aniya at inilahad ang isang box na pizza sa harap ko.

"Kung akala mo masusuhulan mo ako niyan...tatanggapin ko pero 'di pa tayo tapos!" Sabi ko sa kaniya at hinablot ang pizza. Natawa naman siya.

"Para rin naman sa'yo 'yon, 'no! Dahil don, may napatunayan siya sa'yo." Tumaas-taas pa ang kilay niya.

"Gisingin mo na 'yang isang iyan at pakainin mo nito!" Utos ko sa kaniya.
Mabuti na lang at naka tshirt na si Chandel...dahil kung hindi, baka napagnasaan na siya!

"Bakit ako? Ikaw!" Ngumisi si Devine at tinakbuhan ako papasok sa kaniyang kwarto.

Napairap naman ako at hindi alam kung paano gigisingin ang isang 'to. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Mukhang anghel pag tulog. Parang hindi nagpaiyak ng mga babae, ah?

"Oy," tinapik ko siya sa braso at mabilis naman siyang dumilat. Mapupungay ang mata niya at pulang-pula ang mga labi.

"Mukhang masarap..." Itinaas ko ang pizza sa harapan niya. Double meaning!

"Mukhang masarap 'tong pizza. Mag miryenda ka muna para naman 'di mo sabihing luging-lugi ka." Tumayo siya at parang batang ngiting-ngiting na hinatak agad ako patabi sa kaniya.

Nagkadikit ang hita at braso namin sa sobrang lapit. Kinandong niya ang kahon ng pizza at binuksan 'yon.

Kumuha siya ng isang slice at ibinigay sa'kin. Kinuha ko naman agad dahil natatakam ako sa dami ng cheese non.

Kumagat ako don at gulat nang biglang tabanan niya ang kamay ko at kumagat din sa part na kinagatan ko.

"Mmmmm. Delicious!" Aniya at ngumiti ng malaki na halos wala ng mata sa sobrang singkit.

Natunganga naman ako. Hindi pa rin naman nawawala ang pagkabog ng dibdib ko. Siya 'yan. At alam kong ito na talaga ang simula ng pagbabagong sinasabi nila.

"Umuwi ka na after mong kumain, andiyan na si Devine, alas syete na." Sabi ko sa kaniya nang mapangalahati namin ang buong kahong pizza.

Tumayo ako at kumuha ng maiinom sa ref namin. Pagbalik ko sa sala ay titig na titig na siya sa akin. Nailang naman agad ako dahil seryoso siya. Pero may multo ng ngiti sa mga mata.

"May gagawin ka ba bukas?" He asked habang nanginginig ang kamay kong nagsasalin ng juice sa isang baso.

"W-wala naman," sagot ko.

"Good. I'm gonna fetch you tomorrow."

Napalunok ako at iniabot sa kaniya ang isang basong juice.

"Saan pupunta?" Tanong ko kaya lalo siyang napangiti. Hindi ako kumontra. Hindi ko siya minura. It means...

Alam niya na 'yon kaya ganiyan siya makangiti.

"We're going in your province. Pormal akong manliligaw sa mga Tita at sa Lola mo bago sa'yo." Matapang niyang sinabi.

Nalaglag naman ang panga ko.

"U-uuwi rin kami next week don---"

"Yeah, I heard it. Susunod na lang sina Arki. Sa inyo kami mag s-spend ng holidays." Utas niya na lalong kinagulat ko

"Ser---"

"I'm fucking serious, I told you." Putol na naman niya sa sasabihin ko.

"Teka ng---"

"I love you." Putol niya ulit.

"Hindi ako nak---"

"I love you so much!"

"Chandel---"

"I love you so bad, Tony!"

Magsasalita pa sana ako pero iba na ang ginawa niya para pigilan na naman ang pagkontra ko.



He kissed me...


Dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. Halos dalawang segundo lang iyon pero naestatwa na ako at naramdaman ang libo-libong bultahe ng kuryente sa buong katawan ko.

This is so fucking...first kiss ko 'yon!

"Sorry, I can't stop myself...I really wan't to kiss you so bad. I've dying to do that." Tarantang paliwanag niya.

"CHANDEL DAVID!!!" tumayo na siya at humahangos na nagtatakbo palabas ng apartment namin bago ko pa siya sapakin.

"SEE YOU TOMORROW. I LOVE YOU!!!" Sigaw pa niya bago tuluyang naglaho sa paningin ko.


Nanlalambot naman ang tuhod ko kaya hindi ko na siya nahabol. Napataban na lang ako sa labi ko at hindi na napigilan pa ang ngiti sa labi kong kanina pa gustong-gustong kumawala. Damn! Traydor ka, self!

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon