CHAPTER 30

380 10 0
                                    

Hindi ko namalayan ang oras katititig sa kisame. Nagulat na lang ako nang pumasok na sa kwarto ang maiingay kong kaibigan. Nag panggap naman akong tulog dahil nakatalikod ako sa kanila.

"Airra, ikaw naman dito sa sahig. Nilalamig ako e," si Devine.

"Nilalamig rin kaya ako!" Si Airra.

"Ito naman kasing si Tony! Ang unfair nito. Dapat halinhinan e!" Si Devine ulit. Napaarko tuloy ang kilay ko sa nadinig.

"Ayaw niyo naman kase sa ibang guest room e. Kaya mag tiis kayo!" Si Anne. Mabuti pa itong bulinggit na book worm na 'to may utak. Okay lang sa kaniya na sa sahig siya himiga. 'Di tulad nitong mga tropa niyang ang dami pang arte.

"O kaya, i-trip natin si Tony, iwan natin siya dito. Dun tayo sa kabilang guest room. Kasya tayo don!" Humagikgik si Anne. Halos tumalon naman ako sa kama sa nadinig. Taksil!

"Hahaha, tara tara! Deal ako diyan!"

"Gaaaame! Tulog mantika 'yang isang 'yan!"

Wala na akong nagawa nang lisanin nila ang aming silid. The hell with them! Bahala sila. I won't mind kung mag-isa akong matutulog dito. Peace of mind eka nga! May peace of mind ako pag ako lang mag-isa. Multuhin sana 'yung mga bwiset na 'yon!

Alas tres na ng umaga at buhay na buhay parin ang mga mata ko. Kanina pa ako nakatitig sa kisame at ngayon ko lang naramdamang nanunuyot na ang lalamunan ko sa uhaw.

Siguro naman ay tulog na silang lahat. Madaling araw na, helloow?

Pasimple akong lumabas ng kwarto. At tama nga ako. Tahimik na ang paligid at dim na ang lights sa hallway. Nag dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Nadaanan ko ang salas na madilim. Nakakagulat na bukas naman ang ilaw sa kusina.

Napahinto rin ako nang makarinig ng mumuting kaluskos. Shit! 'Di naman ito multo, 'no? Hindi ako ang mumultuhin, dapat sina Devine.

Napaikom ang kamao ko at marahang nagdire-diretso na. At don, nakita ko ang pamilyar na bulto ng katawan. Nakatalikod at nakaupo sa high chair ng lamesa. Kumalabog ang dibdib ko.

Uurong at tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto pero huli na ang lahat. Nalingon at nakita na niya ko. Ang malalalim niyang mata ang tumama sa akin. Bahagyang napaawang bibig niya. Bakit kahit gabi ay umaarangkada parin ang kagwa----excuse me, Antonia? Anong sabi mo?
E manyak 'yan! Hinipuan ka lang naman kanina! Natural na kumalabog 'yang dibdib mo at manginig ka sa takot!

'Yon ang gusto kong isipin. Pero may parte sa aking naguguluhan sa sarili ko. Hirap akong lumunok at matapang na dinaanan lang siya. Lumapit ako sa ref na nasa tapat niya at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nag salin ako sa basong nasa bandang gilid ko at uminom. Naka dalawang baso ako sa sobrang uhaw.

Blangko kong isinauli ang pitsel sa ref at tatalikod na sanang lilisanin ang kusina. Pero hindi natuloy dahil may humarang na sa harapan ko. Dibdib niya ang bumungad sa mukha ko. Walangyang built ng katawan ng gagong ito! Parang model ng brief, badtrip!

"Le...let's talk," aniya. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay naamoy ko na ang caramel sa bibig niya. Bumaling ako sa lamesa at nakitang may tasa ng kape don.

"Ano 'yon?" Matapang kong sabi. Gusto kong palakpakan at i-congratulate ang sarili ko dahil nagawa kong makapag salita! Kahit deep inside nanlalambot na ang tuhod ko.

Ito ang bagay na napag isipan ko na ng mabuti kanina. Just act like nothing happened. Imposible kasing hindi ko maiwasan ang prensensya niya gayong anliit ng mundong ginagalawan namin. Mahirap! Sobra. Gusto ko nang manapak ngayon pero hindi ko 'yon ginawa. Ayokong palalain pa 'to. Lalayuan ko na lang siya. Buong-buo ang desisyon kong iyon.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon