Inihatid kami ng boypren ni Devine pauwi. Naunang bumaba si Airra at Anne dahil mas malapit ang kanilang bahay at nadadaanan din naman papuntang apartment namin.
"Kita na lang tayo bukas." Ani Anne, kumaway naman si Airra sa amin.
Umusog ako papalapit sa bintan nang makababa ang dalawa. Nasa passenger seat akong mag isa at nasa front seat naman ang love birds. Psh
Umandar muli ang kotse. Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang mahinang bulungan ng dalawa.
Akala mo namang wala akong naririnig? Tss
"Mabuti na lang talaga at wala kang babae. Nakuu!"
"Why would I? I already told you. I'm really serious about our relationship."
"Galit ka ba? Sorry na," nag pacute na namang muli si Devine sa boypren. Lumalabi sa kaartihan.
"Na," bumalatay ang ngisi sa kaniyang boypren. "Gusto rin naman kitang makasama. Boring nga dun e."
Napa ehem ako ng wala sa oras. Sinisira ang kasuklam-suklam nilang moment.
Kinilig si Devine, definitely! Mabuti na lang at natahimik na rin silang dalawa dahil mukhang hindi ko kayang magtagal sa ganitong uri ng byahe!
Pagkarating sa bahay ay uminom agad ako ng tubig sa maliit naming ref. Dumirteso naman sa kusina si Devine matapos magbaba ng gamit.
"Anong uulamin natin?" Aniya habang nagkakalutkot sa maliit naming cabinet sa taas ng dirty kitchen.
Linagok ko muna ang natitirang laman ng baso. Uhaw na uhaw ako.
"Busog ako." Sagot ko at saka ipinatong sa sink ang pinag inuman.
"Busog ka? Kailangan mong kumain, Tony! Wala ka pa ngang kinakain. Aba, nag papapayat ka ba?" Tinaas taas niya ang kaniyang kilay. May nakakadiring pinahihiwatig.
"Lubayan mo ako. Nabusog ako sa fishball kanina," kahit na natapon niyo! Hindi ko na dinugtong 'yon.
Tinalikuran ko na siya at saka pumasok sa sariling kwarto at nag tungong banyo para maligo.
Matapos maligo ay bumulagta na agad ako sa aking higaan at saka mahimbing nang natulog. Hindi na nag aksaya ng panahong isipin pa ang mga nangyare ngayong araw.
Kinaumagahan ay nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan.
"Gising na ko! Damn you," sigaw ko kay Devine dahil sa naantalang tulog.
"Ah, okay. Bangon na ha?"
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay umidlip pa ako ng ilang minuto. Pero sa takot na malate ay kusa rin akong nagising at mabilis na tumungong banyo at naligo.
Nagsusuklay na ako ng buhok nang mapansin ang braso kong nangingitim. Maliit na parte lang naman. Pag pinipindot o nagagalaw ko ay natural na masakit. Malayo sa bituka.
"Ano? 'Di ka na nilagnat?" Sambit ng aking pinsan na naglalapag na ng pinggan sa aming hapag. Umiling ako saka umupo na.
"Edi maganda! Ikaw na ang magluluto mamaya,"
"Okay." Sagot ko na lang saka naglagay na ng pagkain sa sariling pinggan.
Lumipas ang morning session ng matiwasay. Masyadong mabilis ang oras. Nasa mga bench kami nang mag lunch time. Katatapos lang naming kumain sa canteen at himalang buong umaga kong hindi nakita ang Winston princes.
Humahagalpak na sa tawa ang mga kaibigan ko dahil sa kwento ni Airra na wala namang kabuluhan.
"Nakita ko si Baycon kanina sa field. Aba'y nag pi-P.E! Halatang badtrip sa pagsasayaw nila ng Aerobics. Kinawayan ko nga saka tumambay muna don. Ta's kinuhanan ko rin ng candid photos saka video. 'Lam niyo 'yon? Nakaw na kuha," humagalpak si Airra ng tawa. "Nung nag break sila, nagulat ako kase tumakbo sa akin. Nag slow motion ang lahat! Nagulat ako kase hinablot niya iyung phone ko! Kunot ang noo. Waaaah," Tumayo pa ang luka lukang si Airra saka sumampa sa ibabaw na simentong lamesa sa gitna namin. Tutok naman ang dalawa kong kaibigan. Wala akong ibang nagawa kundi ang mailing sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...