Nagising akong mahapdi ang mga mata. Umiyak ako ng sobra kagabi. Iniwan ko siya don at nagkulong lang ako sa kwarto.
Natahimik ang mga kaibigan ko at niya, nang humahangos akong pumasok sa kwarto.Hinding-hindi ko bubuksan ang pinto hanggat hindi sila umaalis.
Kaya naman nakatulugan ko nalang ang pag-iyak. Hindi ko akalaing umiyak ako sa simpleng bagay na ganon. Nadurog ako. Ano pa kaya ang sakit na naramdam ni Mama? Lalo akong naiiyak pag naiisip 'yon.
Nakailang katok si Devine sa kwarto ko bago ko siya pagbuksan. Sumalubong ang buraot niyang mukha sa akin. Pagsasarhan ko sana ulit ng pinto pero ihinarang niya agad ang kamay niya at itinulak ang pinto para bumukas ng malaki.
"Ano?! Binusted mo tapos mag mumukmok ka naman diyan?! 'Wag ka kasing masyadong matigas, Tony! Alam ko..." Hinihingal siya at naka pamaywang pa sa harap ko. Daig pa ang inang nagagalit sa anak.
Ganiyang ba 'ko noon sa kaniya? Ganito pala ang pakiramdam...nakakabigat lalo.
"Alam kong gusto mo rin siya! Totoo 'yung tao, Tony. Pansin ko iyon sa inyo. Kahit na hindi niyo aminin sa sarili niyo...una palang alam kong may nararamdaman na kayo sa isa't-isa. Kilalang kilala kita, Tony!" Sigaw niya.
"Kung kilalang-kilala mo talaga ako. Siguro alam mo na ang dahilan kung bakit ayoko." Sabi ko sa kaniya.
Hinilot niya ang kaniyang sintido.
"Jusko! Hanggang ngayon ba naman! Magkaiba kayo ni Tita!" Untag niya."Bigyan mo ng chance! Kawawa naman 'yung tao! Magdamag sa labas ng kwarto mo 'yon kagabe. Kauuwi lang!" Bulalas niya na ikinagulat ko.
Hindi siya umuwi?!
"Ayoko. At hindi na mababago 'yon." Sagot ko sa kaniya at iniwan siya ron at pumasok ng banyo.
Gusto ko na namang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Naligo ako at nag-ayos ng damit panglibot. Gusto kong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin...namimiss ko na ang probinsya.
Nakatanggap ako ng message mula kay Burgins...birthday nga pala niya ngayon at may usapan kame. Wala akong load mabuti na lang at tumawag siya. Sinabi kong magkita na lang kami sa hepa lane dahil kaya ko namang maglakad at mapapalayo pa siya kung susunduin pa niya 'ko.
Napatingin si Devine sa akin nang makita akong lumabas ng kwarto.
Malamig ang awra niya."Saan ang punta mo?" Untag niya.
Wala nang pasok. Baka next week ay umuwi na kami sa probinsya para sa pasko at bagong taon. Hindi na ako makapaghintay.
"Diyan lang sa tabi-tabi. Babalik din ako ng maaga," sabi ko at tumaas naman ang kilay niya.
"Diyan nga lang sa tabi-tabi. Birthday ni Burgins, ililibre ako." Sabi ko nang 'di makatiis sa nagdududa niyang tingin. Maasim siyang napatango.
Asar tuloy ako nang pumunta sa pupuntahan namin ni Burgins. Wala pa siya ron nang makarating ako.
Tumambay muna ako sa katabing stall na puro appliances ang tinda. May palabas na teleserye sa flat screen na ubod ng drama. Tutok na tutok naman ang mga sales lady.
"Tumitigil talagang magmahal pag nasaktan ng sobra, ano?" Sabi ng matanda sa kanila na mukhang kostumer at nakiki-isyoso rin sa palabas.
Tumitigil pag nasaktan ng sobra? Nanatili ang linyang 'yon sa isip ko hanggang sa makarating si Burgins.
Preskong-presko sa suot niyang puting shirt.Ngumiti siya sa akin at hinatak na ako sa isang cart. Ito ang kailangan ko. Pagkain! Sana matanggal nito ang bigat ng dibdib ko.
Marami akong nakain at napasubo na namang talaga si Burgins. Nang mag ala una ay hinatid niya ako pauwi. Naglakad lang kami at malaki ang ngisi sa mukha niya mula pa kanina.
"It's really nice to celebrate my birthday with a special friend. Uh-nah, my bestfriend, I mean." Sabi niya. Napansin kong suot na niya ang regalo kong wrist watch.
"Whatever, Burgins," sabi ko na lang.
"I'll visit my mom's grave. Dito na lang?" Sabi niya nang matapat kami sa apartment ko.
"Oo. Good bye, birthday boy! Salamat sa pakain, sa susunod ulit." Pilit na biro ko.
"No problem," aniya at pinapasok na ako sa loob.
Tamad na tamad akong pumasok sa apartment namin. Heto na naman ako. Lalo ata akong nasu-suffocate pag nakakulong lang dito. Gustong-gusto ko nang umuwi sa probinsya. Ang kaso ay naubos nga ang allowance namin. Next week pa makakapag padala ng pera sina Tita at Lola.
Pagkapasok sa apartment ay isang hindi inaasahang panauhin ang nadatnan ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Sunny na prenteng nakaupo sa sofa namin sa salas.
Sumulpot si Devine mula sa kusina at galit na inginuso si Sunny kahit na nakita ko naman na.
"I just wanna talk to you." Maarteng sabi niya.
"Wala tayong dapat pag usapan. Bukas ang pinto, pwede ka nang lumabas." Untag ko.
"Chan is not serious about you. He's just bored and wan't some thrill---"
"Wala akong pakialam. Umalis ka na!" Galit na sigaw ko sa kaniya.
"I'm saying the truth. Kung hindi ka makikinig, sasaktan ka lang niya tulad ng ginawa niya sa mga babae niya. Kaming magaganda pinaiyak niya...ikaw pa kaya?" Hinahamak niya akong hinead to foot.
"Umuwi ka na ngang bruhilda ka! 'Wag kung ano-ano ang ipasak mo sa isip niyang pinsan ko! Uuwi ka o kakaladkarin pa kita?!" Sumulpot si Devine at hinatak si Sunny patayo sa sofa.
"Don't touch me! Kaya kong maglakad. As if I love staying here in your dirty home. Parang bahay ng mga daga!" Maarteng sigaw niya kaya lalong nagliyab sa galit ang pinsan ko.
"Akala ko mabait ka! Lumayas-layas ka na rito at baka gusto mong palunukin kita ng dagang sinasabi mo!"
"Ewwww!" Maarteng umalis si Sunny at pabalibag namang isinara ni Devine ang pinto.
"Akala ko naman magsu-sorry na at magpapaubaya! Maninira lang pala! Kainis!" Sigaw ni Devine.
"Hayaan mo na." sabi ko kahit na literal na tumarak sa akin ang sinabi ng babaeng 'yon.
Chandel just wan't some thrill. At dahil nakikita niyang ayoko sa kaniya kaya ako ang tinarget niya. Ano nga namang laban ko? Ang mga perfectionist na tulad nila napaiyak niya, ako pa kayang ganito lang?
"Wag mong sabihing naniwala ko don?!"
"Kahit hindi niya sabihin 'yon. May isip ako at may sariling paniniwala."
"So, hindi ka naniniwala sa nararamdaman ni Chan, ganon?!" Sigaw niya.
Hindi. Hindi ako naniniwala kase hindi kapani-paniwala.
"Bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Kung totoo o hindi ang feelings niya sa'yo." Suhestiyon pa niya.
"Wala namang magbabago kung totoo o hindi." Sagot ko.
"Anong wala?! Gusto ka niya at gusto mo siya! May mababago don! Kung alam mo lang sana talagang sumugal!...Dahil ako...kay Arki? Wala akong kasiguraduhan pero sumugal ako. Kase alam kong worth it ang pagsugal ko!" Sigaw niya habang umiiyak. Ang iyakin kong pinsan.
"Pero hindi ako tulad mo Devine. Takot ako...Takot akong magkamali dahil may sugat parin sa puso kong kailaman hindi na ata maghihilom." Sagot ko at iniwan siya ron.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...