CHAPTER 33

337 7 0
                                    

"Saan ba kayo galing?" Bungad ko sa aking Lola na ala singko y media nang nakauwi. Parang bagets lang nong nag lakwatsa.

"N-namili ang Tita mo ng mga pagkain para sa atin," parang balisa niyang wika. Nangunot naman ang noo ko.

Ilang araw ng ganito si Lola...simula nong dumating kami dito? Hindi ko alam, parang may iba lang talaga sa kaniya.

"May problema ba, 'La?" I asked in frustration.

"A-anong...a-aba'y wala. M-malamig lang sa labas kaya ganito, naninibago ang katawan ko" sagot niya. Naningkit naman lalo ang mata ko.

"L-lumabas ka na at kumain ka na sa baba. Kumain na 'ko. Nagluluto na ang mga Tita mo ng hapunan!"

Napanguso ako at nagdadabog na lumabas ng kwarto nila. Anong paki ko sa pagkain? Hindi ako gutom!

"Ay kabayong bundat!!!" Halos himatayin ako ng maumpog ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Nakayuko kasi akong naglakad sa hallway.

"Ang gwapo ko namang kabayo, and what? Bundat? Is that you?"

I rolled my eyes in 90 degree at inambaan siya ng suntok.

"Woah! Chill!" He said with his cross arms in front of my face.

Iba talaga sapak nito, 'no? Sobrang bipolar! Paiba-iba ang mood. Parang kanina lang mukha siyang tigreng inagawan ng pagkain...tapos ngayon...

"Ano?!" Sigaw ko nang ilahad nito ang palad sa aking harapan.

"My three hundred," he said with his pouty lips.

Umangat ang sulok ng labi ko. Ayan! Kuha ko na! Masungit nung nagpapautang...ngayong naniningil, daig pa ang anghel! Tao nga naman.

Inirapan ko siya at saka naglakad tungo sa aking kwarto. Akin, as in akin na lang simula ngayon. Hindi na makakapasok don 'yung mga walang hiya kong kaibigan! E ano kung mag-isa lang ako ron for our whole stay? I won't mind. Hindi ako takot sa multo gaya nila.

I let the door open habang kinakalkal ko ang aking bag.

"You slept here alone?" Nahinto ako nang mapansing nakapasok na siya sa aking silid.

"Ba't pumasok ka?! Dun ka nga sa labas!" Parang 'di ibibigay e! Tsss

Tumuwid siya ng tayo at hindi pinansin ang litanya ko. Bagkus ay umupo pa siya sa gilid ng kama ng nakatalikod sa akin.

"As if...you didn't invade my room last last day." He murmured.

"Aish, abnoy!" bulong ko at tinuloy ang paghahanap sa wallet ko.

"How long have you been friends with that promdi boy?" He asked out of nowhere.

Natagalan pa ako sa pagsagot dahil 'di ko nakuha nong una. Pera naisip ko na baka si Gian ang tinutukoy niya. At saka, anong pake niya?

"Pinagpaplanuhan pa lang kaming gawin ng mga parents namin, friends na kami!" Pabalang kong sagot.

"What the hell?!" He shouted back.

"Gago. Alam mo ba ang makatotohanan sa hindi?! Tsk"

"Of course, I didn't believe your answer, piggy. Fuck, that's ridiculous."

"Teka nga...ba't abot ang tanong mo kay Gian? Paalis pa lang sa probinsya nag tanong ka na. Type mo ba 'yon?!"

"Damn, girl! Of course not!" Protesta niya at sinamaan pa 'ko ng tingin.

"Edi nice," bulalas ko at saktong nahanap ko naman ang wallet kong sa palagay ko'y mauubos na ang laman.

"We're going home tomorrow," parang hari niyang sabi nang hinarap ko siya. Nakatayo na siya sa harap ko at nasa bulsa ng pantalon ang mga kamay.

Ang angas-angas niya tumindig...kaya naman nagkakandarapa ang mga dilag dito. Ang hindi ko lang mahinuha, anong nagugustuhan nila sa mga tulad nilang babaero? Alam mo nang lolokohin ka lang...bakit mo pa ginusto? Knowing their nature, they don't take relationships seriously.

"M-matanong nga kita..." Ngumiwi ako at tinitigan siyang tumaas ang isang kilay.

"Virgin ka pa ba?" Bulalas ko.

Nanlaki ang mga mata niya at inubo bigla saka ako tilikuran.

"Wa---what the hell?!" Sigaw niya sa akin.

"Never mind! Oh, ayan na nga! Layas!" Inabot ko sa kaniya 'yung pera at saka siya tinulak palabas ng kwarto at padabog ding sinaraduhan ng pinto nang hindi siya tinitignan.

Base on his reaction...hindi na. Tsss
Ano pa bang aasahan ko? Nakita ko na nga 'yang makipag halikan sa harap ko!

Uminit ang pisngi ko at asar na humilata sa kama. Nag iinit ang ulo ko ngayong araw. Damn!

Hayaan na! Bukas ay uuwi na rin naman kami. Malalayo narin sa paningin ko ang mga bwisit na pagmumukha nila! Mabuti na lang at napaaga ang uwi namin.

Hindi ko na-enjoy ang trip to Baguio na 'to. Walang kwenta!

Naggulong-gulong ako sa kama at pigil na sumigaw.

Ang sumunod na gabi ay wala namang espesyal na naganap. Kumain lang kami sa hapag ng sabay-sabay at natulog na rin pagkatapos. Kaya naman kinaumagahan ay himalang ang ganda-ganda ng gising ko.

"Ala una na alis natin, huwaaaa, mamimiss ko ang Baguio!" Si Airra. Nag iimpake na sila para sa paguwi mamaya. Nandito ang mga gamit nila kaya dito sila mga nag iingay.

"Bangon na, mahal na prinsesa! Mag impake ka na," ani Devine na tinapik pa ang hita ko.

Nag-inat ako bago dumiretso sa banyo para maligo. Maayos naman na ang mga gamit ko. Since nang natulog kami rito, sininop ko na ang mga gamit at gagamitin ko. Ayoko rin ng makalat dahil hindi ako napapakali pag ganon.

Nang kakain na ng breakfast ay hindi matagpuan ng paningin ko ang unggoy...as if naman hinahanap ko? Well, nakapagtataka lang na wala siya sa hapag at hindi rin hinahanap o nababanggit ng mga kasama ko. Natural din na hindi na ako nag aksaya ng boses na itanong sa kanila ang presensya niya. As if I care?




"Nasaan na ba kase 'yung bwisit na 'yon?!" Nagpapabalik-balik ako sa salas nang magsigayakan na sina Lola para umuwi.

"Si Chan ba ang hinahanap mo, couz?" Ani Devine suot ang ngising nakakaloko sa mukha.

Inirapan ko siya." 'Di, no!" I denied.

E kasi naman...saan ako sasakay pauwi 'di ba? Kaya ko siya hinahanap kase hindi ko alam kung saan ako sasakay pauwi!

"Kay Deoffy ka na lang sumakay. Naku, 'wag mo nang hintayin si Chandel at paniguradong masaya 'yun ngayon!" Sabi ni Anne sabay salampak sa wooden chair.

Nangunot ang noo ko. Saang lupalop naman nagsusuot ang isang iyon at nagsasaya siya?

"Hellooooow? Sinundan kaya siya ni Sunny! Narinig namin na kausap niya kagabi sa phone, then sinabing muuna na raw siyang umuwi...at kumakaripas pa ng takbo! Ibinilin nga si Yura kay Arki!" Dugtong pa niya na parang nabasa ang reaksyon ko.

"At 'wag ka, girl! 'Di ako maniniwalang dumiretso na ng uwi 'yon. Syempre, kararating lang ni Sunny uuwi agad sila? Baka nga magkasama pa 'yon natulog sa hotel e!" Sulpot ni Airra.


Okay. I heard it right, 'di ba? Magkasama sila ni Sunny ngayon. Ay male. Kagabi pa pala. At ano naman ang ginawa nila magdamag?

E bakit ko ba iniisip iyon?!

Wala na. Nasira lang naman ang mood ko! Ang maganda kong gising. Ang buong araw ko! Parang nanikip ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Kulang siguro ako sa tubig.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon