Hindi ako mahilig mag entertain. Pero dahil na bo-bored narin ako ay nakipaglaro na ako kay Yura. Tama siya. Magaling nga siya sa larong ganito, bagay na nakakagulat.
"Ubos na ang iyo," may accent na aniya at saka humagikgik.
"Matagal na kase simula nong huling laro ko niyan," paliwanag ko at saka umupo ng maayos. Itinabi niya ang mga texts at pogs.
Pagod narin siya dahil kanina pa niya inuubos ang energy kakatili at kislot tuwing nababawasan niya ang texts at pogs ko. Mamamangha na ako kung 'di man lang siya napagod.
Napausog ako nang humiga ito at pilit pinagkasya ang sarili sa natitirang space.
"Kuya, I'll take a nap. Wake me up when we're at Baguio na," pumipikit na aniya sa kapatid.
Napalingon ako sa harapan at nakita kong tumingin si Chan sa kapatid at nailing. Bumaling ako kay Airra na nakasandal na ang ulo sa bintan. Knock out.
What now?! Kami na lang ang gising. Hindi naman ako inaantok.
"Damn, kaya ayokong isama siya," bulalas ni Chandel sa kawalan. Napatitig ako sa kaniya sa rear view mirror.
Tumingin din siya kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Napatikhim siya.
"Why were you acting this way?"
'Wag kang tanga, Tony! Kayo lang ang gising kaya ikaw ang kausap. Act normal!
I cleared my throat. "A-act na ano?" Nangunot ang noo ko. Mukha ba akong actress? Psh.
Umiling siya, ang mga mata ay nasa kalsada. "Naiilang ka." Diretsa niyang sinabi.
Tumaas ang kilay ko. "Sinong naiilang?! Bakit ako maiilang?!"
"As if... Dahil ba 'yon sa tumbler? Inubusan kita, dahil don?" Isang beses niya akong sinulyapan.
"Ganon ba ako kababaw? Hindi ako naiilang. Hindi lang talaga tayo close."
"Atleast, sinusungitan mo ako dati kahit papano,"
"Pero hindi tayo close." Balik ko.
"Ba't hindi ka makatagal na nakatingin sa akin?" Tanong niya na nakapag pakaba sa akin.
"Ba-bakit, kailangan ba titigan kita? Bwisit!"
"Na, I just thought—" pinutol ko na siya.
"Basta hindi ako naiilang. Kung iwas ako, normal ko 'yon. Hindi naman kita kaibigan para pagtuonan ng pansin."
Para akong tinanggalan ng kaluluwa matapos lumabas 'yon sa bibig ko.
"Then, I'll never stop teasing you till you are not back on your senses." Parang ipo-ipo ang mga salitang 'yon. Hinihigop ang kaluluwa ko.
Seryoso siya. Diretso na ang tingin sa kalsada. Naiinis ako. Parang ang dali-dali lang sa kaniyang mag bigkas ng mga ganong salita! Gusto ko siyang sampalin saka tadyakan! Pero wala akong nagawa kung hindi ang magburaot.
Natameme ako. Tahimik ako buong byahe. Nag pass over kami sa isang fastfood chain para mag cr at bumili narin ng makakain. Nagising sina Airra nang huminto kami sa Jollibee. Nag cr lang kami at sa kotse na lang kumain. Kailangan naming makarating ng maaga dahil mahirap daw bumyahe ng gabi. Matirik ang daan dahil bulu-bundukin.
Hindi parin mapanatag ang loob ko.
Kaya naman wala talaga akong ibang ginawa buong byahe kung hindi ang manahimik, kahit na halos mapanis na ang laway ko. Nangawit din ang leeg ko kakasigida sa bintana. Mabuti na lang at may earphone ako. Halos sambahin ko na nga ang earphone at music.Mabuti na lang at hindi makulit sina Airra at ang bulinggit na bata. Si Airra ay lulong na sa cellphone matapos kumain. Sobrang ingay at likot naman ng batang David. Kahit naka earphone ako ay naririnig ko ang tili niya sa tuwing dadaan kami sa zigzag way at makakakita siya ng mga hayop. Parang first time mailabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi ako ang ginugulo niya. As if...
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...