CHAPTER 7

449 7 0
                                    

Hindi ko halos nagalaw ang pagkaing binili ni Devine. Naka dalawang subo lang ata ako. Tumungga ako sa bote ng energy drink nang malunok ang gamot para sa lagnat. Hinubad ko na rin ang suot na jacket dahil pinagpapawisan na ako.

"Mmm, kamusta naman kasama si Chan?" Literal na naibuga ko sa kaniya 'yung iniinom ko.

Nalukot ang mukha niya at mabilis na inilabas ang kaniyang towel at nagpunas. Habang ako naman ay kinakabog ang sariling dibdib dahil sa pagkakasamid.

Lumabas ata 'yung energy drink sa ilong ko!

"Ba't nasamid ka? Aruuuuy, baka naman!" Ngumingising aniya kahit nanlalagkit na sa paningin ko ang kaniyang pagmumukha.

Ngumiwi ako. "Nasusuka kase ako marinig pa lang ang pangalan niya. Yak!"

Out of the blue, bigla-bigla na lang siya magtatanong ng ganon? 'Ba. Para na siyang nag tanong ng 'gusto mo ng tae ng aso?' habang kumakain ako. Yak 'di ba?!

"Sabi mo eh." Aniya pero ngumingisi parin sa kung saan.

Ba't ba ang hilig ng mga tao ngayong ngumisi? Parang may mga kotong lang eh! Kala mo naman nakakatuwang i-link sa unggoy? Duh.

"Papasok na ako ngayon." Sambit ko sa kaniya at ambang tatayo.

Pero ihinarang niya agad ang kaniyang kamay sa mukha ko.

"Ang kulit mo rin e, 'no? Makinig ka naman sa 'kin kahit paminsan-minsan."

"Huwaw! Just, huwaw! Coming from you ha? Nung ikaw ang sinasabihan ko niyan---nakinig ka ba? Sapakin kita jan e."

"Magka-iba 'yon. Ngayon lang, Tony. Bukas pwede ka naman nang pumasok."

Humalukipkip siya sa harap ko at may binulong na hindi ko gaanong nadinig.

"Para namang gusto mo talagang pumasok? Nyenye, iyang tamad mo na iyan?"

"Ano kamo?" Kumunot ang noo ko. Nababaliw na ata ang mga tao ngayon.

"Ah wala. Hehe. Tapos ka na? Aalis na rin ako e." Nag simula na siyang mag ligpit ng kinainan ko.

"San punta?"

"K-kakain ng lunch." Ngumuso siya sa akin.

"Andami niyan ah? Ba't 'di mo pa ako sinabayan? Tss,"

"E, kay Arki nga kase, couz," Inilagay pa niya ang takas niyang buhok sa kaniyang tainga. Nagpapa-cute.

"You know? Ganon 'pag boyfriend at girlfriend."

"Boypren at gerlpren your face! Baket? Hindi ka ba makakakain ng 'di kasabay 'yon?" Kadiri.

Lalong humaba ang nguso niya. "Ganon nga kase iyon! Basta mag pahinga ka dito, okay? Hindi ako gagawa ng kabulastugan at hindi ako ikaw---joke!"

Nag peace sign siya sa akin at bago ko pa maihagis sa kaniya 'tong unan ng clinic ay kumaripas na siya ng takbo habang humahagikgik.

Kainis mga tao ngayon! Ayst.

Inabot ko ang bag ko sa katabi kong table at saka hinalughog ang aking toothbrush. Hindi kase ako sanay ng may nalalasan pa sa bibig.

May maliit na cr dito. Napuntahan ko na 'yon kanina bago kumain. Pumunta akong muli roon at saka nag hilamos at nag toothbrush. Nagbawas na rin ako ng tubig sa katawan.

Pagkalabas ng banyo ay nadatnan ko sa labas ang tatlong estudyante pati 'yung nurse kanina. Mukhang nagkakagulo sila.

"E nurse, natamaan ho kase ng soccer ball don sa field. 'Di ata makahinga. Sa tiyan natamaan." Pag hihisterikal nong babaeng kulot ang buhok.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon