Ang bahay na ito ay may sampong guest rooms at dalawamg master bedrooms, ayon sa care taker nitong bahay na si Mang Senon. Siya ang nag hatid sa amin sa mga guest room at nag guide narin sa loob ng bahay kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa kami kumakain. Ang mga hinayupak na Winston princes ay nag prisintang magluto, ni hindi manlang pala marunong magluto!
"I left them in the kitchen na mu-mroblema sa kakainin," tumawa si Chandel. Sinagot ang tanong ni Devine sa nawaglit daw niyang boyfriend.
Nasa salas nila kami ngayon, kaming mga kabataan dahil nasa guest room na sina Tita at Lola. Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit pilit nilang pinag pahinga muna sina Tita.
"Hindi kayo marunong magluto?! Tapos ano? Nag marunong-rungungan kayo," umismid ako sa kaniya at napahalukipkip.
"Nahihiya kase si lover boy sa kaniyang mother in law, gustong panindigan ang pagiging father figure," si Deoffy nag apir pa sila ni Chandel David.
Mga abnormal!
"Ano?!" Natatawang tumayo si Devine. Kinikilig ang bruha. "Tutulungan ko na nga lang." Aniya at nag martsa na papuntang kusina.
Naiwan kami sa sala. Ako, si Anne at Airra na nasa tabi ko. Si Airra ay babad sa cellphone, as usual. Si Anne naman ay tahimik lang na nakamasid. 'Yung unggoy at si Deoffy naman ay nasa tapat namin. Nakatutok na sa flat screen namimili ng magandang palabas.
"Ayan, maganda 'yan. Diyan na lang!" Sigaw ko nang madaan ang Pororo.
Isang cartoon show ng penguin na malaki ang mata at mahaba ang nguso. Favorite ko 'yon nong bata pa ako. Pati 'yung Stitch at Spongebob.
"Tss, are you gay, dude? Huwag diyan. 'Wag kang makinig kay taba, she ought to watch Babe, 'yung baboy? Alam mo 'yon? Para kamukha niya 'yung bida. She's not a fucking penguin!" hinablot ni Chan ang remote kay Deoffy at nilipat kabod ang channel.
Umusok ang ilong ko. Tumayo ako at dinamba agad ang unggoy. Gulat na gulat siya nang ipitin ko ang leeg niya gamit ang aking braso.
"Anong tawag mo sa akin?!" Sigaw ko at hinigpitan pa ang pagsakal sa kaniya.
Humagalpak ng tawa si Deoffy habang pinapanuod ang reaksyon ng kaibigan na nahihirapan.
"Wh-what...y-you! Bitiwan mo ako, ano--ano ba! Masakit na ha!" Tinabanan niya ang pala-pulsuan ko. Pilit kinakalas ang braso ko sa kaniyang leeg.
"Ulitin mo 'yung itinawag mo sa'kin! Taba ha?! Babe ha?! Papatayin na lang kita!" Lalo kong hinigpitan ang ipit sa kaniyang leeg. Pumiglas siya.
At sa sobrang likot namin ay nalaglag kami sa sahig.
Bumalentwad ako at tumama ang likod ko sa tiles nilang malamig! Nanuot ang sakit sa aking balakang. Pero napawi rin at napalitan ng matinding kaba nang makita si Chandel sa aking ibabaw. Nakasubsob sa gilid ng aking leeg.
Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Nanuot ang kiliti sa aking parte.
Pakiramdam ko'y sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Mabilis ko siyang itinulak. Nalaglag siya sa aking gilid at hinihingal na tumihaya.
Mabilis akong tumayo at saka napahawak sa dibdib. Parang lalabas na iyong puso ko. Hindi ito normal. Damn!
"D-did you just tried to kill me?! I-i almost die!" Sigaw niya sa akin. Nasa sahig parin siya, naglilikot ang mga mata at hindi makatingin sa akin.
Ako rin naman! I almost die, ngayon lang! Bwiset!
"Uuuuuy, may slow motion!!!" Umalingawngaw ang tili ni Airra.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...