CHAPTER 17

379 9 0
                                    

"Anong nangyare?" Nilingon ko si Airra at nakitang kinukutingting na nila ni Anne ang aming photo album.

Bumuntong hininga ako at pumuntang banyo para mag hugas ng paa. Naiinis parin ako sa sarili ko. Ano bang nangyayare sa'kin? Sobra na ba ako sa katabaan at kumakalabog na ang dibdib ko sa maliit na distansya lang na tinakbo ko?

"Ang cute mo rito, Tony! Bungi ka pa rito!" pinagkaguluhan nilang dalawa ang baby picture ko na malaki ang ngiti habang may tabang pakwan.

Sinaway ko si Airra nang tutukan niya ito ng camera. Pero huli na, nag flash na ang ilaw ng camera.

"Ito ba ang Mama mo?" Itinuro ni Anne ang picture ni Mama noong dalaga pa siya. Tumango ako at umupo narin sa tabi nila.

"Ang ganda niya, hindi mo namana." Ngumiwi ako.

"Ilang taon ka ba nang mamatay siya?" Sumabad si Airra. Naitikom ko ang bibig ko.

Wala silang alam. Ang alam lang nila ay maaga akong naulila. Maagang namatay ang ina at ama ko. Hindi nila alam na nag pakamatay ang Mama ko at hindi ko naman kilala ang ama ko.

"N-nalimutan ko na," nagbaba ako ng tingin at saka isinara ang photo album. Nag uungot pa sila pero itinabi ko na iyon sa ilalim ng open drawer ko.

"Matulog na kayo. Hindi kayo dito matutulog, hindi ba? Mas maluwang ang kama ni Devine sa kanila. Alis! Matutulog na 'ko," pinaghahawi ko sila sa aking higaan.

"Ang killjoy mo talaga, Tony! Ang aga pa, oh? 9 pm," ibinalandra niya ang suot na wrist watch sa harap ko.

"Oo at sa mga oras na 'to, tulog na dapat ako! Kaya lumayas na kayo rito." Tinulak ko sila sa balikat.

"You're so mean!" Pag-iinarte ni Airra. Dinunggol siya ni Anne.

"Linya ba ni Sunny 'yan?" Natatawang tanong ni Anne maria.

"Yes! Number one fan niya ako! Wuhooo."

Napairap ako at saka padarag na humiga sa aking higaan. Nagtabon agad ako ng unan sa tenga.

Idol? Hindi ko pa nakakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin. Kung alam ba nila ang ugali non ay iidolohin pa kaya nila? Ugh!

Kinaumagahan ay nagising ako sa mabangong amoy sa kusina namin.
Naririnig ko na ang kalatok ng mga kaldero at sandok. Pati ang mga huni ng ibon sa paligid.

Napangiti ako ng malapad. This is really my home! Ang probinsya! 'Yung mga amoy ng lutong bahay ni Lola, 'yung maiingay na hayop sa umaga at ang malamig na simoy ng hangin.

Gulo-gulo ang buhaghag kong buhok.
Hindi na ako nag abalang mag-
ayos at mag hilamos.

"Good morning, Nanaaaay!" Lumabas agad ako ng kwarto. Bagay na mabilis kong pinagsisihan.

Napaurong ako nang makita ang pagmumukha ng mga bwisita namin sa aming sala. Sa tapat mismo ng kwarto ko!

"Maganda ka pa sa umaga, Tonia kung mag hihimos ka muna bago ka lumabas ng silid." may bitbit na tray ang Lola ko at may lamang mga tasa ng kape.

Narinig ko ang hagikgikan ng mga kaibigan ko. Lalong-lalo na ang pinaka malakas sa lahat na hagikgik ng unggoy nilang kasama. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganiyan. 'Yung nababaliw sa kakatawa dahil napapahiya ako.

Hindi ako nakaramdam ng inis, bagay na nakakapanibago. Parang gumaan pa 'yung kalooban ko. Maayos na siya. Hindi na siguro siya broke-

"Baka matunaw!" Kantyaw ni Devine na dumaan sa harapan ko. May bitbit ding tray at may lamang mga cupcakes na produkto nila.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon