CHAPTER 46

376 5 0
                                    

Hinanap ko si Edward. Kahit na nawala sa isip ko ang naging reaksyon ng mga tao kanina. Nagbubulung-bulungan pa rin ang lahat nang nadadaanan ko. Chillax mga chismoso't chismosa. Wala akong pake sa inyo, okay?

"Kabit? Nakisabit sa may relasyon nang may relasyon!"

"It's so funny na ipinagpalit ni Chan si Sunny sa tulad niya."

"May landi rin palang taglay!"

Napigtas na ang pagtitimpi ko. Okay, may pake na 'ko! Kainis! Ang sarap nilang sunugin isa-isa!

"Manahimik kayo kung wala kayong magandang sasabihin!" Sigaw ko sa isang table na narinig kong pinag-uusapan ako.

"Wala naman talagang maganda sa sinabi namin. You're not pretty, 'di ba?" Sabi nung kulot.

Halos sabunutan ko siya pero hinablot lang ang kamay ko ni Edward at hinatak ako paalis don.

"Mga letcheng ipokrita na 'yon! Wala namang mga alam!" Bulyaw ko.

Hinatak ako ni Edward palabas ng venue. Hanggang sa nakarating kami sa field.

"I thought you left me," malungkot akong hinarap ni Burgins.

"Tutuparin ko 'yung promise ko." Sabi ko sa kaniya at kinalma na ang sarili.

"But the party was already done. Hindi na tayo pwedeng bumalik don, they're bad mouthing you." Sabi niya at ngumuso.

"'Yun nga e. Kainis!" Sigaw ko at pume-maywang.

"Uhm...maybe we can dance here...under the moonlight?" He smiled at me.

"Pwedeng iba na lang? Ang korni talaga kase," drama ko.

"Come on? I won't ask you what happened earlier. I just wan't to dance with you," malungkot niyang hinatak ang kamay ko at pilit na ipinatong sa balikat niya.

Mukha kaming tanga dahil bukod sa nasa gitna kami ng field ay wala namang music. Dapat ko na rin bang ipagpasalamat na nakakuha ako ng kaibigang hindi matanong?

"Bakit gusto mong sumayaw?" Sabi ko sa kaniya habang sinasabayan ang pag sway niya kahit na naaapakan ko paminsan-minsan ang sapatos niya.

"I just remembered my mom. I always dance with her pag birthday ko." Sabi niya at mapaklang ngumiti.

Para naman akong lumambot don. Ako rin. Hindi ko alam kung miss ba ang tawag sa paghahanap ng matatawag na magulang. Wala akong ala-alang aalalahanin mula sa parents ko.

"Thank you for granting my wish." Untag niya nang matapos ang ilang minutong pagsayaw. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako the whole time.

Sinong hindi magigimbal? Sobrang daming nangyare ngayong gabi at hindi ko kailan man akalain na dadating ang ganong eksena sa buhay ko. Hindi ko kailanman pinangarap.

"Happy birthday nga pala." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Binawi ko 'yung gifts natin there. Pwedeng tayo na lang mag-exchange?" Sabi niya at yumuko para kunin ang regalo namin.

Masyado akong pre-occupied sa mga nangyari at hindi ko na naalala ang bagay na 'yon. Ang mahal pa man din non kaya mabuti na lang talaga at nabawi nitong si Burgins.

Tumango ako sa kaniya at kinuha ang regalo nito.

"Regalo ko na rin iyan sa birthday mo ha?" Sabi ko sa kaniya habang pinupunit ang wrapper ng regalo.

Humalakhak siya. "I know...thanks."

Isang mamahaling sketch pad ang regalo niya at pencils. Napasimangot tuloy ako.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon