"Okay na?" Si Chan. Naiparada na niya ang kaniyang sasakyan at kami na lang ang hinihintay. Nasa gilid niya ang kaniyang gerlpren na naka ukyabit ang mga kamay sa kaniyang braso."Ano, Tony? Tanggalin mo na kase 'yan." Pilit na hinatak ni Airra ang aking palda.
"Hindi nga sabi e! Ang babaduy niyo!"
"Wow naman sa'yo! Ganda mo!" Nginiwian niya ako, literal sa sarkastiko kaya inismiran ko siya.
"'Yang hita mo, Devine! Mag panty ka na lang kaya?!" Sigaw ko naman sa pinsan kong nakahalukipkip sa isang gilid at abot ang titig sa amin.
"Eto na naman po tayo!" Sumusukong si Anne ang lumapit sa akin. "Nandito na tayo oh? Mag papaka KJ ka pa ba?" Nginusuan ko lang siya. "Para kang bata," Dugtong niya at saka pumalatak at umiling.
Kj na kung kj! Hindi ko lang talaga matanggap 'tong mga trip nila sa buhay.
At may unggoy na sumabad. "Maybe, she doesn't wan't to expose her fat legs, let her." Ngumisi pa si Chan sa akin.
Nag-igting ang bagang ko. Mukhang mabibinat ata ako sa mga pinaggagawa ng mga taong ito!
"Sige na kase, Tony! Gabi na oh. Pagagalitan na ako sa amin. Nagsabi lang kami ni Airra sa parents namin na dadaan lang saglit sa inyo at may sakit ka." Galing talagang lumusot nitong si Anne. Psh
Wala sa sariling hinubad ko ang aking palda. Ganito naman palagi. Kapag hindi ko gusto ang ginagawa ko, palagi akong wala sa sarili.
Tumalikod ako sa kanila at inayos ang suot na uniform. Hinubad ko ang suot na jacket saka itinupi hanggang siko ang aking long sleeve na puti. Ganon din ang ginawa nila kanina. Mukha tuloy kaming mga secret agents dahil pare-pareho kaming apat ng outfit.
Ibinaba ko ang aking cycling at tinanggal sa pagkakatupi. Mahaba siya, actually.
"Iyon naman pala! Daming arte, ang haba-haba naman pala."
Lumingon ako sa kanila habang inilalagay ang aking palda sa loob ng bag.
"Let's go." Sambit ng gerlpren ni Chan. Nahabol ko pa ng tingin ang pag taas niya ng isang kilay sa akin.
Ang arte! Kainis!
"Leave your bags here," huminto kami sa dulo ng parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Chan.
Nilagay nga namin ang aming mga gamit doon. Ako ang huling nag patong ng bag. Pabalibag ko ring isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan. Dinunggol tuloy ako ni Anne sa braso.
Hindi ko siya pinansin. Sumunod lang ako sa kanila sa paglalakad. Nasa entrance na kami ng Bar nang may humarang sa aming mga mamang malalaki ang katawan.
"Iyan na siguro 'yung tinatawag na bouncer." Bulong ni Anne sa akin saka tumango-tango.
Nag uusap si Chan at iyung mga mama, hindi ko na pinakinggan dahil wala akong pake.
Umalis rin sa aming harapan iyong mga lalake at nag salute pa sa unggoy naming kasama bago tumalikod. Hinayaan kaming pumasok. Edi wow, 'di ba?
Nagtatatalon na ang mga kasama ko lalo na si Anne at Airra dahil pare-pareho kaming ngayon lang mapapasok sa magulong lugar na 'to.
Unang hakbang pa lang sa entrance ay naaninag ko na ang mga sumasayaw na neon lights sa wall. Kumakalabog na rin ang tutog na nagmumula sa malaking speaker.
Napahinto ako nang mahinto rin ang dalawang love birds na nasa aking harapan. Nagbubulungan na sila dahil hindi mag karinigan sa sobrang lakas ng music.
Hindi ko naman namalayang tumititig na pala ako sa kanila. Hinalikan pa ni Sunny Montiverde si Chan sa pisngi. Napangise ang uto saka kinurot ang tungki ng ilong ng kaniyang gerlpren.
![](https://img.wattpad.com/cover/119705380-288-k193399.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...