CHAPTER 10

407 7 0
                                    

Naglaho na parang bula ang eksenang iyon at namataan ko ang aking sarili sa tuktok ng isang punong kahoy na umiiyak. Parang pinag-isa kami. Nanikip ang dibdib ko. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Mahal ako ni Mama dahil pinili niyang iluwal muna ako bago siya mamatay? Mahal niya ba talaga ako?

Dahil kung mahal niya talaga ako, hindi niya 'ko iiwan. Hindi niya hahayaang mag-isa akong lumaban. Hindi niya ako hahayang lumaki na walang kinikilalang ina maski ama.

Ayaw sa'kin ng Mama at Papa. Ganon na ba ako kamalas? 'Yung hindi pa man ako nailalabas sa mundong ito, itinatatakwil na ako? Ako kase hindi ko kayang gawin 'yon. Kahit na ayaw nila sa akin! Hindi ko kaylan man magagawang itanggi o itakwil na ako ay dugo at laman nila. Na sila ang Mama at Papa ko.

Kaya naman masyado ang galit ko sa pag-ibig. Sana hindi na lang niya pinagtatagpo ang mga taong hindi para sa isa't isa, para hindi na nila nararanasan pa ang heartache.

Mas gugustuhin kong sa pag-ibig ako magalit kaysa sa mga magulang ko. Biktima lang sila nito.

Kung ang pag-ibig na iyan ay pinaibig lang ang mga magulang ko ng sapat, the kind of love that was strong enough to face consequences, hindi sana kami magkakahiwalay.

Hindi 'yung, kung kailan may nabuo nang bata saka sila maghihiwalay.

Ano ba talaga ang pag-ibig na 'yon? Pag mamahal ba talaga na tulad ng sa isang pamilya? Ba't may umaalis at nang iiwan parin?

Bakit hindi na lang iparamdam sa tao ang pag ibig kapag natagpuan na nila ang tunay nilang makakasama habang buhay. Hindi iyung idinaan na sa kung sa kani-kanino kaya maraming pagkakamali ang nabuo.

Okay lang kung hindi ako nabuo. Okay lang kung wala ako ngayon dito. Hindi tulad ng, buhay nga ako, wala naman sila dito. Wala naman akong buong pamilya.

Hanggang ngayon hindi ko parin ma-point out ang silbi ng pag-ibig. Dahil ang unfair-unfair niya!

Nagising na ako nang humihikbi. Tumutulo ang luha na parang isang gripo. Minsan ayaw talaga akong tantanan ng kwentong iyon!

Pinunasan ko ang aking luha at saka umupo ng maayos. Winawala ang napaginipan. Tapos na iyon, dapat makalimot na ako. Andyan parin naman ang Lola at mga Tita ko. Namimiss ko na siguro sila kaya napaginipan kong muli ito.

Medyo nangawit ang likod ko.

Laking gulat ko na lang dahil may nakaupo pala sa aking harapan. Yumuyugyog ang lamesa sa likot at pagtatawanan nila kaya rin siguro ako nagising. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba iyong ipagpasalamat.

Nagbaba ako ng tingin at saka tinanggal ang earphone sa tainga.

"Tulugan pala ang library?" Naghagikgikan ang dalawang babae niyang kasama. Nag-iingay na sila dahil mukhang uwian na. Namataan ko ang isang malaking wallclock sa dulo ng pasilyo. Napapikit ako ng mariin. Uwian na nga!

Shit! Nakatulog na naman ako. Ditch na naman! Ayst.

"Hey, miss. Kung ayaw mong isumbong ka namin sa librarian umuwi ka na. Shoo" maarte pang sabi nong isang babae. Lima sila sa mahabang mesa na ito kaharap ako.

Mukhang kami na lang ang tao dito.
Sinilip ko ang cellphone kong naka airplane mode. Fuck! Mukhang hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.

"Baliw ata," bulong nung isa pa.

"Baka naman kase deaf," saka sabay-sabay ulit silang nagtawanan. Lakas ng mga trip.

Nagtipa naman ako sa aking cellphone matapos matanggal ang airplane mode nito. Kagigil na wala man lang palang text ang mga kaibigan ko!

Pasado ala-sais na, hindi man lang ako hanapin!

May narinig akong pagtikhim. Nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"I know you can hear us, you're just playing numb." Sambit ng gelpren ni Chan sa akin. May naglalarong ngisi sa labi habang pinaglalaruan ng kamay ang isang marker sa ibabaw ng mesa.

Numb daw? Bakit? Nanakit ba sila? Walanghiyang babaeng ito. Close?

Hindi ko siya pinansin. Pinulot ko na lang ang librong kanina pa pala nakatumba sa lamesa at saka tumayo. Wala akong oras para sa kanila. Mga bano.

Narinig ko pa ang hagikgikan nila bago ko sila iwan sa pwestong iyon.

Lumabas ako ng library at didiretso na sana sa main gate ng school. Pinag titinginan pa ako ng ilang estudyanteng madadaanan ko sa hallway saka nagtatawanan. Nahinto tuloy ako nang 'di na nakatiis.

Tumingin ako cellphone ko at saka hinanap ang reply ng isa man lang sa mga kaibigan ko. Pero ang repleksyon ko sa cellphone ang unang bumungad sa akin. Deadbat! Fuck! Bukod sa dead bat. What the fuck is on my face?!

Puro sulat ang mukha ko! Ginawa lang namang papel ang mukha ko!

Half run ang ginawa kong tumungo sa banyo. Mabuti na lang at walang tao don. Baka sila ang mapagbuntunan ko ng galit.

Humarap ako sa salamin at ang malinaw na replika ko ang aking nakita. May dalawang malaking bilog sa pareho kong mata at puro tuldok ng marker ang buong noo at pisngi ko. May mahaba pang bigote sa taas ng labi ko! Mukha akong ewan! Kahit na sino ang makakita sa akin, natural na hahagalpak ng tawa!

Naknamputa! Permanent pa ata!

Kinuskos ko ng walang preno ang buong mukha ko. Namumula na ito sa panggigigil.

Sa loob ko naman ay minumura at isinusumpa ko na ang mga babaeng tambay kanina don sa library! Panigirado at walang mintis na sila ang gumawa nito! Nag pa-flash sa utak ko ang itsura ng haliparot na babae ni Chan na malake ang ngisi sa akin.

Numb?! Ito pala ang ibig niyang sabihin?! Nakakainis! Wala naman akong ginagawa sa kanila! Patay sa 'kin 'yung mga iyon!

Laking hinga ko ng maluwag nang mabura ang mga tinta sa aking mukha.
Ang bunga ay pulang-pula naman ang buong mukha ko. Daig ko pa ang lumaklak ng hot souce. Tinry kong magpulbos pero ang labas, mukha akong nag blush on! Rossy cheeks na damay pati ang noo at baba. Badtrip. Fuck! Inabot ata ako ng isang oras dito sa banyo.

Nagmartsa ako palabas ng comfort room at saka lumabas ng building. Iilan nalang ang nakikita kong estudyante. 'Yung iba, nag o-overtime na lang sa pagbuo ng mga booth at tent sa field.

Kinakain na ng dilim ang liwanag, ang kulay kahel na langit kanina ay nagsimula ng mangitim. Napahinto ako sa gitna ng field at saka tiningala ang langit. Gustong-gusto ko ang dim na liwanag ng paligid. Parang nakakaantok.

Napakamot ako sa batok dahil kagigising ko nga lang pala, ta's pagtulog agad ang nasa isip ko.

"Aba! Pamasyal-masyal na lang ah?" Dinig ko ang maingay na bunganga ni Airra. "Kanina ka pa namin hinahanap, wala kang balak umuwe?"

Nagtama ang paningin namin ng mga kaibigan ko. Sinuyod ko agad sila ng tingin. Nasa tapat ko lang pala sila at nakatambay sa isang booth kasama ang mga prinsipe ng campus. And guess what? Nagtama rin ang paningin namin ng nakahalukipkip na si Chan sa isang gilid. Nakatitig sa akin.

Nanginig ang kalamnan ko nang mamataan doon rin sa tabi niya ang kaniyang gelpren.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon