Halos gumapang ako makuha ko lang ang mga sapatos kong tumilapon sa kung saan. Epal talaga nung lalaking 'yon! Oras na gumaling ako---gagantihan ko siya! Ang init-init ng dugo ko sa bwiset na 'yon! Argh!Yakap pa rin ang aking backpack, isinuot ko ang unang pares ng aking sapatos na huling ibinalibag ko. Sa labas ng department tumurit iyung isa.
Maliit ang aking hakbang. Bukod sa wala ako sa wisyong magkikilos, iisa lang ang suot kong sapatos.
Lalabas pa lang ako sa entrance ay napatalon na agad ako nang sumulpot si Chan sa likod ng wall! Akala ko umalis na 'tong bwiset na ito! Nakangise siya sa'kin at nakapamulsa parin.
"Tabe! Sisipain kita jan," banta ko.
"Ang hilig mo sa banta." Pumapalatak na aniya.
"Totohanin ko? Halika!" Hinablot ko siya sa kwelyo. Umiwas siya. Nalaglag ang bag ko sa sahig. Natapakan ko 'yon kaya nadapa ako sa harapan niya.
Ramdam ko ang sakit ng dibdib ko. Lumagapak ako sa sahig!
Tumatayong nag angat ako sa kaniya ng tingin. Nanlilisik ang mga mata. Papatayin ko siya!
"Ow, I didn't meant to..." Yumuyukong ambang tutulungan ako.
Ang sama sama na nga ng pakiramdam ko ta's ganito pa mangyayare? Hindi ba pwedeng magkaroon ako ng tahimik na araw? Kahit ngayon lang!
Hindi ko tinanggap ang nakasahod niyang kamay. Tumayo akong mag-isa. Nagpagpag ng sariling mag-isa at pinulot ang mga gamit ng mag-isa!
Walang pasabi at walang ganti ko siyang nilampasan. Lumabas ako ng department at hinanap ang isa ko pang sapatos na namataan ko sa 'di kalayuan. Nilapitan ko 'yon at isunuot. Nag init ang mga mata ko. Hindi. Kanina pa pala maiinit ang lahat sa akin.
"Unggoy!" Bulong ko sa hangin.
Pinilit kong maglakad sa kainitan ng field. 'Di pa man ako nakakapangalahati, umangat na ako sa lupa.
"A-a-ano ba?!" Gulat ako nang makitang buhat-buhat na ako ni Chan. Kumalabog ang dibdib ko sa takot na mahulog.
Lumabas ang kung ano-anong mura sa bunganga ko. Ito ang unang beses na may muling bubuhat sa akin!
"'Wag kang malikot. Ang bigat mo kaya." Iniwasan niya ang bawat sapak na binato ko sa kaniya.
"Ibaba mo ako!" Pumiglas ako at napasigaw rin nang muntik na niya akong mabitawan.
"Sabi nang 'wag kasing malikot. Tss, you're still sick. Dadalhin kita sa Clinic," Kunot ang noong aniya.
"Ang bigat mo, fuck. Nakapag work out ako ng wala sa oras. Paniguradong kumpleto na ang abs ko pag dating don." Bumalatay na naman ang ngisi sa mukha niya.
Naasiwa ako!
"Papatayin kita! Mark my words!" Sigaw ko sa mukha niya at kumapit na rin sa kaniyang damit sa takot na mahulog.
"Sa batok ang kapit, piggy. Malulukot 'yang polo ko. Don't be shy dahil lang gwapo ang nagbubuhat sa'yo. You're really lucky!"
Kinagat ko ang labi ko. Nanginginig ako sa sobrang asiwa sa pagmumukha niyang isang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Hindi ko inalis ang kapit sa kaniyang damit. Bahala siya!
Wala sa sariling napatitig ako sa kaniyang mukha. Makinis at maputi ang kaniyang mukha, alagang-alaga. Matangos ang ilong nito at ang labi ay mamula-mula at bahagya pang kumikibot-kibot. Malamlam naman ang kaniyang mga matang may mahabang eyelashes na nakatungo sa aming dinaraan.
Napaismid tuloy ako. Langya. Masyadong perfect ang appearance nito, wala akong maipanglait.
Nakarating kami sa dulo ng field. Magpapasalamat na ba akong walang gaanong estudyante?
![](https://img.wattpad.com/cover/119705380-288-k193399.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...