"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Parang sinuggest mo na rin na patayin kita habang natutulog ka---sa teritoryo ko!" Tumaas ang noo ko. Kapal nitong unggoy na 'to!
Mamamatay muna ako bago sila makitulog dito. Ang yayaman nila, para silang mga pulubi kung umasta!
Napaatras ang mukha ko nang sundutin niya ang noo ko. "Asa! Binibiro lang kita. Para namang gusto kong matulog dito. Mukhang sa'yo nga lang, kulang na 'yang bed mo." Smirk plastered on his ugly face!
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Ano pa bang ginagawa niyo rito? Magaalas-dyis na, utang na labas!" Sinulyapan ko ang mga babae kong kaibigan na ngumangalot ng chips.
"Oy kayo, 'di pa ba tumatawag mga parents niyo? Gabi na, kung 'di niyo ho napapansin." patuloy na litanya ko.
"Oo, sinisinat ka na, simulan mo na rin uminom ng gamot---your highness!" Ani Anne sa harap ko.
Ngumiwi na lang ako sa kaniya at saka isinenyas ang pintuan sa kanila. Oo na, ang sama na ng ugali ko! Gabi na kase, baka gusto na nila umuwi, 'di ba? Saka mga lalake pa 'tong mga tulok na 'to. Hindi magandang tignan na inaabot sila nang paglubog ng araw sa apartment ng mga babae!
Wala akong lagnat! Oo wala. Malakas kaya ako.
"Uubusin lang namin 'tong chips. Promise!" Sunggab ni Airra sa akin.
"Oo nga naman, piggy. Pakainin mo kaya muna kame? Kaninang ikaw 'yung nakikikain, ang lakas mo. Ta's ngayong kami, pinalalayas mo? Bad piggy! Very bad." sabad ng unggoy. Nang-iinis pa!
Pero wala ako sa mood makipag away sa kaniya. Ewan ba. Easy pa ako nang lagay na 'to, ha.
"Wala kaming pagkain!" Untag ko.
"Umorder na sina Deoffy, letsong manok!" Anang tila naglalaway na si Airra.
Napalunok ako. Abot ang libre ng mga ito! Pero pakiramdam ko busog ako, kahit na wala naman akong kinain. Psh
Umirap ako sa ere. "Matutulog na 'ko. Pakitapalan 'yang mga bibig niyo kung ayaw niyong sipain ko na kayo palabas ng bahay. At saka magsi-uwi na kayo, ha?"
"Aye aye!" Aniya ni Anne.
Umurong ako ng bahagya, mahigpit ang kapit sa kumot na nakabalot sa akin.
"Kumain ka, Tony. Uminom ka rin ng gamot!" Ani Devine bago pa ako makatalikod.
"Wala nga eka akong lagnat!"
"Wala pa dahil sinat pa lang. Tignan natin mamaya! 'Wag matigas 'yang bungo mo."
"Walang malambot na bungo for your information!" Inismiran ko siya at saka pumihit at padabog na sinara ang pinto ng sariling kwarto.
Gume-gewang pa akong lumapit sa aking higaan. May kaunti sa parte ko ang nagdududa at nahihiwagaan kung bakit nandito at nakikisama pa 'yang mga prinsipeng kokak sa amin. Pwede namang sa mayayaman, maaarte at makoloreteng mga babae sila maki-jamming. 'Yung mga tipo nila! May binabalak kaya 'yang mga iyan? Hmm. Hindi ko masyadong pinapansin ang kilos ng bawat isa sa kanila kaya naman nag kaideya ako.
Ano nga bang dahilan ng mga iyan at kailangang makisama sa 'kanila' (mga kaibigan ko), kung dahil lang 'yon sa relasyon ni Arki at Devine, wala rin silang magandang rason para isama ang buong grupo nila na makipagjamming
jammingan sa amin. May binabalak 'yang mga 'yan! Kung ano man 'yon, 'di sila magtatagumpay. Swear! Kahit na hindi ko ugali ang magmasid sa nangyayare sa paligid, gagawin ko. Patay sakin 'yang mga 'yan!Pakiramdam ko ay hinihigop lang ng higaan ang aking katawan pababa. Para akong mahuhulog na ewan. Idinilat ko ang mga mata ko at ang liwanag galing sa bumbilya ng aking kwarto ang unang tumama sa paningin ko. Napapikit ako.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Ficção AdolescenteTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...