Lumipas ang mga araw at second semester na namin. Parang isang boring na routine lang ang nangyayare sa buhay ko araw-araw. Kulang sa kulay pero payapa.
Isang araw nang madaan ako sa benches para umiglip ay may narinig akong mga estudyanteng nagbubulungan. Wala naman talaga akong pakialam sa pinag-uusapan nila pero nang marinig ang pangalan ng pinsan ko ay mabilis akong natutok.
"Hindi ko akalain na papatulan ni Prince Arki 'yon!" sambit ng babaeng maputi.
"Ano na nga ulit pangalan non? She's not sikat kase I can't remember her name eh!" sabi ng isa sa maarte na pananalita.
"Devine Grace De Guzman, sis! Her name is so cheap as she is! I bet nilandi lang non si Prince Arki!"
Nagpantig ang tenga ko at lumapit agad sa lamesa nila.
"Hoy mga maaarteng dilis, ano 'yang pinag-uusapan niyo?!" sambit ko sa kanila at mabilisan naman ako nitong tinignan ng sabay-sabay mula sa aking ulo pababa.
"Who the hell are you, dork? Who gave you the permission to int---"
"Ang sabi ko---anong pinag-uusapan niyo? Huwag mo 'kong ma-ingles ingles at hindi ako marunong mag-ingles pero magpadugo ng ilong, kayang-kaya ko!" putol ko sa babae at mabilis naman ang mga itong napaurong sa kanilang mga upuan.
Mga duwag naman pala! Syempre gawa-gawa ko lang 'yon. Hindi ako marunong manakit physically lalo na kapag babae. Pakiramdam ko'y walang laban sa akin. Ang laki ko ay hindi tulad ng sa mga average girls. Bibihira akong makahanap ng babaeng hihigit sa taas ko. Magandang binigyan na rin ako ng panginoon ng ganitong height at nagagamit ko sa paninindak.
"Y-you can talk to us properly naman." sabi ng isang babae napatakip ng kaniyang ilong kaya napangisi ako.
"Anong meron kay Devine?" hindi na nagpaligoy-ligoy kong tanong at humalukipkip sa harapan nila.
"Ah, that bitch, she---" I cutted her sentence for the word she just used.
"Call her bitch again at bakante ang clinic, naghihintay ng pasyente." Matapang kong usal.
"W-what the!!!" she screamed at tinignan ang dalawang kaibigan na masama na rin ang tingin sa'kin pero bakas ang takot na baka hablutin ko sila agad.
Masyadong ingat na ingat sa mga ganda. Tss
"Spill it." mariin kong sambit.
"I-it's just Prince Arki is in a relationship with this---girl, named Devine. Prince Arki is so famous, rich and super handsome kaya what he saw on that girl? They're not really bagay---"
Nagulat sila nang tinalikuran ko sila bigla. I just want to confirm what I heard at I'm disappointed to know na hindi pa rin pala tumigil si Devine sa pakikipagrelasyon. Hindi niya pinakinggan ang mga litanya ko! Isang buwan pa lang ang lumipas, nababalitaan kong may boypren na naman siya! Bago pa ha?
Binantaan ko na siya. Anong akala niya? Porke sikat at gwapo 'raw' ang bago niya e hindi ko na dadaragin? Baka sakaling magising na siya pag ginawa ko 'yon!
"Oy, nakita mo ba si Devine?" Harang ko sa grupo ng mga ka-klase niyang nadaanan ko sa hallway.
Napahinto sila at nagtinginan muna.
"Ha? Si Devine? Ay oo! Iyung girlfriend ni prince Arki!" Ang sumagot ay iyong pinakamalapit sa akin.Aba, alam na ng lahat at ako lang ang hindi? Ibang klase rin ang balitang may pakpak.
Humalukipkip ako sa harapan nila, "Tinatanong ko kung asan siya-nasaan?" Hindi ko na naiwasang mailabas ang inis ko.
Nitong mga nakaraang araw ay puro ganiyang balita na talaga ang naririnig ko. Naririnig ko na pero wala naman akong pakialam. Mainit na mainit na issue ang pagpatol ng isang campus prince sa isang commoner. Hindi ko 'yon pinansin dahil wala naman akong pake. Pero nang marinig mula sa kanila ang tinutukoy pala na commoner at nabanggit ang buong pangalan ng pinsan ko, talaga namang tumaas lahat ng dugo ko.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Teen FictionTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...