Nagkita kami ni Edward sa harapan ng apartment namin. Hindi na namalayan ng mga kaibigan ko ang suot ko basta sumigaw nalang ako na mauuna na 'ko nang nasa labas na 'ko ng pinto habang abala ang mga bakla sa pag-aayos sa kanila. Baka kase pagpalitin pa 'ko ng damit ng mga 'yon kung nakita ako.
"You look great!" Salubong ni Edward sa'kin. May taxi sa aming harapan na mukhang sasakyan namin papuntang school.
"Sabi ko sa'yo 'wag ka na sumundo e," sermon ko sa kaniya at sumakay na sa tabi niya.
Hindi ko naman kasi inaasahan na susundo siya. Bigla na lang akong tinawagan ng land lady ng apartment namin at sinabing nasa baba raw itong si Edward Burgins. Naalala kong nabanggit ko pala sa kaniya one time ang address ko.
"Of course, I won't let you arrived there alone...with these kind of outfits?" Tinuro niya ang mga suot namin. Mukha tuloy kaming kambal dahil magkamukha kami ng suot.
Nginiwian ko na lang siya at hinintay na makarating kami sa school. Bibit syempre ang pang exchange gift ko. Hindi sana ako sasali pa sa ganon, pero bawal daw um-attend kung 'di sasali sa exchange gifts. Ira-rumble ang bunutan sa mga regalo kaya naman ang binili ko ay pwede sa babae at pwede sa lalake. Worth of php 1,000! 'Yon ang nakakabanas don! Relo 'yon na silver. Sayang tuloy ang pera.
"Are you ready, miss Tony?" Ani Edward nang makababa kami at makapagbayad siya sa taxi.
"Oo naman. Pagkain lang naman ipupunta ko rito..." Sabi ko sa kaniya.
"Dance with me later, that's your birthday gift," sambit niya.
"Ang daya nito. Bukas pa naman ang birthday mo,"
"Mamayang midnight!" Nakakalokong aniya.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko nalang kaya tumawa siya.
"Anyway, you looked sexy on your outfit. Tamang-tama ang long sleeve sa malamig na panahon," aniya at ngumiti.
"Sexy? Talaga? First time ko masabihan niyan."
He chuckled. "You're not that fat...but your cheeks, they are," sabi niya.
"Siraulo!" Sigaw ko sa kaniya at natatanaw ko na ang bonggang entrance sa covered court sa gawi namin. Doon kasi gaganapin ang party.
"Daming pakulo ng mga tao ngayon," bulong-bulong ko pa.
Pinagtitinginan na kami...alam ko. Simula palang alam ko nang tatawag ng pansin ang mga suot namin.
"We're cool...and unique!" Ani Edward at 'di rin pinansin ang mga matang nakatoon sa'min.
Nang nasa entrance na kami ay halos umurong ako nang sabay-sabay na kumisap ang flash ng camera.
Badtrip! Dami talaga nilang alam! Umarkila pa talaga ng photographer para sa party na 'to. May red carpet pa sa gitna at sumasayaw na ang mga neon lights sa loob. Madilim at tumutugtog narin ang malaking stereo.
"I think you don't have any good shots there," sabi ni Edward nang makahanap kami ng upuan. Sa dulo at pinakasulok lang.
Wala naman akong pake. Hindi naman ako pumunta dito para mag pictorial. Psh.
"Akina 'yang regalo mo, ilalagay ko ron sa table," sabi ko sa kaniya nang matanaw ang gabundok na mga regalong nakasalansan sa long table sa ilalim ng higanteng christmas tree.
Ibinigay naman niya 'yon kaya lumapit ako sa long table at in-assist naman agad ako ng officers ng school para lagyan ng number ang mga regalo kong dala. Pinapirma niya rin ako sa log book.
"Ililista ko na rin 'yung kasama ko?" Sabi ko sa officer na mukhang nangungutya ang tingin sa suot ko.
"Oh, sure," aniya at 'di parin ako tinantanan ng titig.
BINABASA MO ANG
I'M HIS KARMA (Completed)
Novela JuvenilTony is a cold, tough and grumpy girl who dress and acts not a lady like. Her mother died after giving birth of her and Tony didn't know who her father is. She grew up with the guide of her single parent grandma and two single parent aunties. To thi...