CHAPTER 3

624 9 0
                                    

"Teka nga! Maka kaladkad ka, ah?!" Binawi ko ang braso ko kay Devine.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtaas baba ng kaniyang balikat. Nakatalikod siya sa'kin. Umiiyak! Nasa gitna na kami ng field, mabuti na lang at panandaliang kumulimlim kaya hindi masakit sa balat ang mumunting sinag ng araw.

"Tama na drama. Layuan mo iyon ha? Kababae mong tao sumasama ka sa puro lalake!" Sermon ko. Here we go again! Kailan kaya nila ako maiintindihan?

"Mahal ko nga kase!" Parang bata niya akong nilingon. Bumubuhos ang luha at sunod-sunod ang hikbi.

"M-mahal ka diyan?! Ganiyan rin iyung sinabi mo sa huling boypren mo!"

Hinarap ako nito. "Iba siya! Mahal na mahal ko na siya. Kung iyung iba kong naging boypren e hinayaan ko lang na hiwalayan ako, hindi siya! Paano kung hiwalayan rin ako non?! Nakakainis ka! Hindi ko kakayanin, Tony. Mahal na mahal ko na siya!"

Bumagsak ang balikat ko sa aking narinig. Hindi niya kakayanin kung maghihiwalay sila. Ang nakakairitang pag ibig!

"Seventeen ka palang, Devine! Paano mo masasabing kayo na hanggang huli!? Sikat na gago iyon! Playboy! Sigurado ka bang seseryosohin ka non?! Once a playboy-always a playboy!"

"A-ah basta! Hindi ko susundin iyang sinasabi mo. Wala kaming ginagawang masama. At kung meron man, hindi ko 'yon hahayang mangyare! Hindi naman ako bobo, Tony! Alam kong babaero 'yang boyfriend ko. Pero mahal ko e! 'Di ko na kayang pigilan!" Taas baba ang kaniyang balikat, nanahimik lang ako. Tila naubusan na ng lakas para sermonan siya. Paulit-ulit na lang!

"Hindi mo alam kung ilang lalake na ang binoypren ko para lang makalimutan iyang ultimate crush ko dahil alam kong hinding hindi niya 'ko mapapansin! Pero ito na 'yon, Tony! Napansin na niya 'ko! Kami na! Nahahawakan at nakakasama ko na ang dating pinapangarap ko lang! Pinigilan ko naman iyung nararamdaman ko pero lalong lumala!" Nagulantang ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Naiinis ako sa pag amin niya.

Bukod sa ang drama, medyo nadadala ako! Ayokong umiyak! Ngayon lang kami nag dramahan ng ganito! At ito ang pinakamalalang sigawan namin.

Pinalis niya ang luhang patuloy na umaagos sa kaniyang pisngi.

"'Wag kang mag alala, kilala ko na ang mga lalake, hinding hindi ko ibibigay, Tony. Kung hindi mo maalala, single mother si Mama at alam ko ang mga pinagdaan niya. Hindi ako tanga. Kung hindi man siya seryoso sa 'kin, sisiguraduhin kong pag dumating iyung araw na iiwan na niya 'ko...wala siyang nakuha." Humihinahanong aniya.

May napagtanto ako...hindi ko dapat minaliit ang kakayahan niyang umintindi sa makamundong buhay pagibig. Sa aming dalawa, siya ang mas may experience sa pagmamahal. Gayon pa man, hindi ko siya pwedeng hayaan na lang basta-basta.

"Papayag lang ako kung magagawa mo 'yang sabihin kina Tita." Mahinahon ko ring sambit at saka ko siya tinalikuran at iniwan don.

Late na 'ko. Wala na. Ididitch ko na 'tong oras ng klase. Psh.

Bahala na. Ayan na tayo e. Pero hindi porque sinabi kong hahayaan ko na siyang magpatuloy sa pakikipag relasyon don sa boypren niyang mukhang model ng brief! E hindi ko na babantayan ang mga kilos niya. Hahayaan ko siya dahil magtitiwala ako sa kaniya at susuportahan ko ang kasiyahan niya.

I sighed deeply. Pumamulsa ako sa aking palda at saka wala sa sariling naghanap ng matatambayan. 'Di ako grade conscious! Iyung makapasa lang, sapat na.

Nagpunta ako sa mga benches at naghanap ng lugar na walang estudyante at malayo sa mga tambay na istupidyante. Sa silong ng malaking mahogani, don ako lumapit.

Sumalampak ako sa bench at saka dumukdok. Matutulog ako! Ang pa-panget ng mga nakita at natuklasan ko ngayong araw.

"Asan ka na?" Tanong ni Airra sa kabilang linya. Nagising ako sa pagba-vibrate ng aking cellphone.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon