CHAPTER 18

374 6 0
                                    

"And who's that neighbor of yours? The little boy earlier?" Napalingon ako sa kaniya. Seryoso na siya ngayon. Akala ko'y hindi na siya magsasalita kanina.

"Sino? Walang batang lalaki ron." Pagsasabi ko ng totoo. Narinig ko ang malulutong niyang mura kaya nangunot ang noo ko.

"T-the boy you talked earlier, the one with piercing-"

"Ah, si Gian. Boy ka diyan. Matanda pa sa'kin 'yon,"

"Tss," biglang singhal niya.

"Wala silang kotse. Puro track at sasakyang pang bukid lang ang meron sila." Paglilinaw ko.

Hindi na siya nagsalita kaya tumahimik na lang din ako. Hindi ko na rin naman inaasahan na magkakaroon ako ng maayos at mahabang pag-uusap kasama ang tulad niya. Yak!

Pero nang magtanong siya ay sinagot ko naman. Tss. Traydor ka, Tony!

"You look piss everytime you see me. Feels like you hate the idea of being here, with me."

Bumuntong hininga ako. As if, big deal 'yon?

"Hindi lang ako pala-close sa mga lalake," I murmured.

"It's not that I want it too. Boring lang talaga bumyahe mag-isa."

"Para namang hindi ka mabo-bored kung nandito ako. Paano kung tulugan kita?" Tanga rin e. Mabuti na lang at hindi ako natutulog sa byahe. Pasalamat siya!

"I know you can't. I don't see us having a deep conversation but seeing you annoys me," bulalas niya. Napataas ang kilay ko.

"The feeling is mutual," balik ko.

Ang kapal! Hindi lang naman pala ako ang nakakaramdam non. Pero mas doble ang kulo ng dugo ko pag bini bwiset niya ako.

"Yeah, that's the reason. I hate you, you hate me. This ride is too long, you can't sleep because everytime I'll talk, you wouldn't be able to sleep. My voice is annoying because you hate me, well my voice is good. Its just you."

"Whatever," sagot ko na lang.

Ano naman kung ayaw niya sa'kin? As if may pake ako! Tss

Dahil nabuburyo ako ay naglabas ako ng ilang makakain. Biscuit at isang chips, ngayon ko lang naalala na wala pa akong kinakain mula kanina. Nakakapanibago 'yung tiyan ko. Hindi man lang mag reklamo.

Ngumunguya na ako nang maalalang may kasama pala ako. Naiilang akong nag abot sa kaniya.

"Oh," iniabot ko ang bukas na chips sa gilid niya. Nasa labas ang tingin ko.

"Labag ba sa kalooban mo 'yan?" Natatawang tanong niya. Umirap ako at tumingin sa kaniya.

May mood swing ata ang lalaking ito. Parang kanina lang ay sinusungitan niya ako!

"Kumuha ka na hangga't mabait pa ako," sagot ko. Narinig ko ang pag ungot niya.

"Aarte pa?" Bulalas ko.

"Can't you see? I'm driving, how can I eat?" Ngumunguso na siya.

"Edi huwag." Binawi ko ang chips at saka sinarili 'yon.

"N-na, I mean, s-subuan mo ako."

Para akong nabilaukan nang madinig 'yon. Mabilis kong inilabas ang dalang tumbler at uminom don.

"Ginagago ma ba 'ko?!" Sigaw ko. Nailing-iling naman siya pero natatawa na.

"What's wrong with that? Nakikisakay ka na lang kaya bilang panuyo ay pag silbihan mo naman ako," bumalatay ang ngisi sa kaniyang mukha. Kinagat pa niya ang kaniyang lower lip. Nag pipigil ng tawa.

I'M HIS KARMA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon