CMV II #15

1.8K 36 3
                                    


"Sigurado ako, patay na patay na kakaisip yun ngayon sakin, hahanap hanapin niya ang pag-aalaga ko. cheers!." tinaas niya ang baso ng orange juice saka nakipag cheers sa bestfriend niyang may hawak namang sandwhich sa kabilang kamay.

"What makes you think?." nagulat silang lumitaw si David sa likod nila.

"Ayan nanaman si Bakla. haha." Pang aasar ni Kylie, saka siya nag flip nang hair na humarap dito.

Dinampot ni David ang baso ng orange juice. "Kung maka pag cheers kayo feeling niyo alak to?." he smirked.

"inalagaan ko lang naman ang kuya mong may six packed abs, alam mo ba yun? magdamag kaming magkasama habang nilalagnat siya, kinabukasan gumaling agad. at take note, two days ko na siyang hindi dinadalaw.. sigurado ko.. one of these days kakatok uli yun kila auntie Megan para magkapit bahay na kami.." irap niya daka dumekwatro ng upo.

"So.. feeling mo naman ngayon close na kayo?." nakangiti ng mapang asar si David.

Nalukot ang kilay ni Kylie sa reaksyon ng kapatid nito.

agad siyang  tumayo sa harap nito. napaatras naman ang lalaki sa pader, nilakihan niya to ng mata.

"Anong alam mo ha?."

"Wh..what are y-

"hoy ikaw, kapag hindi ka nag sabi sakin kung anong alam mo sa kapatid mo tutuliin  kita ng sampung beses ngayong araw!."

napakagat naman ng kuko niya si Kitty,habang nakaupo.

***

"bessy, don't you think this is too much? hindi paman din kayo mag boyfriend ni Benedict sinusundan mo na siya sa trabaho niya? what more pa kapag kayo na.." saway sa kanya ni Kitty habang nag tatago sa kabilang pader kung saan nag ttrabaho si Benedict.

"Shh.. hindi ko pa siya nakikita, gusto ko lang naman malaman kung anong trabaho niya."

"isn't obvious? waiter po siya waaaaaiiter! pumasok kaya tayo sa loob hindi tayo wanted okay!."

nakasuot ito ng malaking shades saka naka flowery dress at hat.

"hindi niya tayo mamumukhaan. sa dami ba naman ng tao dito oh? umayos ka."

hinatak niya si Kylie papasok sa loob, halos magkandarapa ito sa hila ni Kitty sa kaniya, nakasuot lang siya ng pants at v neck t-shirt. Naka shades at cap.

Nang maupos sila ay agad tumawag ng waiter si Kitty.

Nung lumingon ang nakatalikod na waiter ay halos malaglag ang panga niyang makita na si Benedict ito,

"Ah-

Ngumiti si kitty habang pinag papawisan ng malapot.

nagsalita siya ng nakangiwi habang nakatingin sa papalapit na si Benedict.

"bessyy weg keng lilingen.. si benedict ete neteweg kee."

Nag panic na agad si Kylie hindi niya malamman kung bakit niya sinubukang iangat ang kurtina ng mesa.

'putcha hindi ako kakasya sa ilalim!.'

sigaw ng utak niya.

"Yes po." nakangiting sabi ni Benedict na halatang hindi namukhaan si Kitty.

"uh.. menu please.."

nakangiting inabot ni Benedict ang menu kay kitty, nang iaabot niya sana ang menu kay Kylie ay nag headrest ito sa mesa,

*BLAG*

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon