CMV II 69

1.3K 32 7
                                    


"kylie!." Hinabol siya ni Benedict hanggang makarating sila sa gitna ng football field.

"Kylie!."

"Wag kang sumunod!."

"San kaba pupunta!."

"Wala kang pakealam!."


"Oh come on?! Anong drama to?!."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata.

"Bakit hinayaan mo siyang mag salita ng ganun? Totoo ba?!."

"My god kylie? You believe her?!."

"Oo! Hindi naman siguro siya babaeng may saltek para lang magsisigaw don ng gf mo siya kung hindi diba!."

Nagpatuloy siya sa pag lalakad habang habol habol padin siya ni Benedict.

"Hindi nga kasi totoo yon! Ano bang gusto mong gawin ko?!."

"Tell everyone!." Tumigil si Kylie sa paglakad.

"Sabihin mo sa kanilang lahat ng gf mo ko! Na ako talaga! Bakit kailangang maging siya?! Bakit kailangang maging siya pa!."

"Look, Kailangan nating pagplanuhan kung paano to sasabihin sa family natin, ayokong magulat nalang silang tayo na."

Inirapan siya ni Kylie saka nagtuloy tuloy sa paglalakad.

"Kylie!."

"Wag mo nga kasi sabi ko sundan eh!!!." Nagpapapadyak niyang sigaw.

"San kaba kasi pupunta!."

"Gusto ko mapag isa! Inis na inis ako! Alam mo ba yung space ha?!."

Natawa ng mapakla si Benedict.

"Ilang araw palang tayo gusto mo na ng space? Bakit? Bakit ganitonka ka immature? Do you think it's best na bigyan kita ng space? Siguraduhin mong gusto mo yan?."

"Hinahamon mo na ko ha Benedict?!."

"Ang nakakainis lang kasi bakit kailangan mo ng space? Dahil sa walang ka kwenta kwentang bagay? Kylie malaki kana? Uso paba yang pagmamaktol mo na yan sa edad mo?."

"oo! At wala kang choice kundi bigyan ako ng space! Hangga't di mo tinatanggal sa landas natin yung babaeng yun? Hindi tayo magiging okay!."

Irap niyang muli saka naglakad papalayo.

Napabuntong hininga nalang si Benedict.

***

"don't you think it's weird?." Pag tatanong ni Bianca kay kitty habang busy ito sa pag ttype ng kung ano sa laptop niya.

"Weird?." Tanong din ni Kitty.

Tumango nalang si Bianca.

"Kasi.. kanina.. hinabol siya ni benedict? Diba.. he's not the type na hahabulin si Kylie pag nagalit to? Hindi kaya may .. something sila."

Nakapangalumbaba si Kitty sa laptop niya habang sinisave yung file.

" alam mo, may point ka.. why does he even have to run after her? He even shouted at Kaylie kanina sa cafeteria. Galit na galit yung lolo mo."

Napatuptop ng bibig niya si Kitty at Bianca saka sila nag katinginan.

"Hindi kayaa."

"Omg. MU sila!?" Sabay nilang sabi.

***
Kinagabihan, nag tutupi ng mga sinampay niya si Kylie habang nasa kwarto.  Pag uwi niya ay inaksaya niya ang oras niya sa pag aayos ng gamit, pag lilinis ng kwarto niya at pag laba ng ilan sa mga damit niya.

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon