"Sino kayang nag lock?.""Ewan, grabe si coach kanina nakakabanas!." Padabog na sinara ng isang varsity player ang locker niyang binuksan kanina para magpalit ng sapatos.
"Pano na yan, may groupings kami for thesis, argh! Di ko na alam puputok na utak ko.!."
Halos maduling si Kylie sa sobrang lapit ng mukha ni Benedict sa kaniya mula sa loob.
Lubdub
Lubdub
'Grabe naman kayo sakin? Ganito na nga ko kaganda binigyan niyo pako ng ganito ka yummy na boyfriend? Yung crush ko pa? Goodboy pa? Kinikilig ako!!! Sa totoo lang para kong maiihi na hindi ko alam dito sa loob nang masikip na stockroom.'
Nakasilip si Benedict sa butas nang Locker na yun at inaabangan kung paano sila makakalabas.
'Putangina putangina putangina talaga mamamatay ata ko dito sa loob!!!.'
"Nakakabadtrip pare, iinom nalang natin to."
"Mabuti pa nga, nakakinis eh,"
"Mataga-
"shh." Tinakpan niya ang bibig ni Kylie.
"May narinig ba kayo?."
"Huh? Anong sinasabi mo riyan Aaron?."
"Parang may nag salita."
"Tanginang to bakla. Haha, nag hahallucinate kana yata, tara na..gutom lang yan." Narinig nila ang pag sara ng locker ng isa.
"Siguro nga."
*blag*
"Ano?." Bulong niya sa binatang nakasilip padin.
"Huy? Ano na?." Makikisilip din sana siya sa butas nang biglang na out of balance si benedict nang tumingkayad siya at mapasandal dito.
"Woah!."
"Ah!."
Napadilat nalang siya habang nasa ibabaw siya ng binata.
"Aw. Sakit."
"Huh?".
"..."
"Benedict?! Benedict!!! Anong nangyayari?! Gising! Huy! Wag mo naman akong takutin oh!?."
Sinampal sampal niyabng mahina ang binata ngunit hindi padin ito nagising kaya naman nag simula na siyang kabahan, hinubad niya ang fur coat niya at pinaunan doon ang binata saka hinanap ang phone.
"Hello kitty tulungan niyo ko please!."
***
BENEDICTNagising ako sa pamilyar na amoy nang lugar, pag dilat ko ay napakaliwanag.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang pagod na pagod ako, natatandaan kong nagtatago kami ni Kylie kanina sa loob ng masikip na espasyo.
Shit, i forgot that I'm claustrophobic mabilis akong mawalan ng malay kapag nasa isang masikip at limitadong hangin na lugar.
Nakapa ko sa kanang kamay ko ang kamay ng isang dalaga.
Napangiti ako nang makita kung sino yun.
Ang girlfriend ko.
Mahimbing siyang natutulog habang nakapatong ang ulo sa gilid ng higaan ko. Hawak niya din ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romance🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...