"Kylie?." Kinuha niya ang remote na nakapatong lang sa mesang nasa gilid ng kama nila.
"Kylie? Tagal mo namang maligo? Gabi na." Natawa siya ng bahagya ng maalalang minsan na nga pala niyang nakitang walang suot si Kylie noon sa apartment niya. Napailing nalang siya,
"Mainit kasi eh." Lumabas na si Kylie mula sa banyo at habang nakangiti siya ay napalingon siya rito.
Bigla siyang napaiwas nang tingin dahil wala itong suot na shorts.
"Kylie naman!."
"Ahahahahah!!!." Napahagalpak ng tawa si Kylie dahil kitang kita niya ang pamumula nang mukha ni Benedict.
"Ahahahahaha!! Grabe hahahahah!!."
"Kylie mag suot ka nga ng shorts!." Naiinis na nagtaklob ng kumot si Benedict,
"Grabe naiiyak ako. Hahaha!."
"Pssh".
"Oo na oo na! Takot na takot? Virgin? Hahaha." Nakagat niya ang ibabang labi niya dahil totoo namang virgin talaga ito, kaya kinuha niya na ang shorts niya saka sinuot ito, halos maiyak siya katatawa na bumalik sa nakatalukbong na si Benedict.
"Labas na diyan love."
"Psh."
"Nakabihis na ko.. hahah."
"Pssh"
"Hahahha!."
*tingting*
Bumangon agad si Benedict at nakipag unahan pa kay Kylie sa pinto.
"Anong problema mo?." Tanong ni kylie sa kaniya, na tila nagdududa sa kinikilos ni Benedict, "ah, ako kasi mag babayad."
Napakamot nalang si Kylie sa ulo niya kaya bumalik nalang siya sa loob nang asikasuhin ni benedict ang inorder nila, medyo natagalan ito sa pakikipag usap sa may pinto pero naisip nalang niya na baka nag bibigay lang ito ng tip sa nagdala ng pagkain sa kanila.
"Salamat sir." "Salamat din." Nakangiti siyang itinulak papasok ang mesa.
"Kain na tayo."
Nakataas ang isang kilay ni Kylie habang nakatingin sa kaniya.
"Why?."
"Tropa mo ba yung bellboy?."
"Hah? What makes you think?."
"Akala ko kasi nag bonding pa kayo, ang tagal niyo kayang nag usap. Uh? Teka ano ba yang.. woah, wow!!! May wine.." dinampot niya agad ang wine na naka lagay sa loob ng bucket of ice saka niyakap ito.
"I can't believe this.. iinom tayo? As in.. tayong dalawa? kakain?Like we're having a candle lit dinner?."
Natawa si Benedict, "oo na.. ibalik mo nanyan dito, wag mong unahin yan."
"Ay, sige." She happily put it back inside the bucket.
Ipinag hiwa siya ni Benedict ng manok.
"Love, maganda kung may sounds.. teka kunin ko lang yung phone mo." Tumayo si Kylie saka kinuha ang phone ni Benedict at naghanap dun nang papatugtugin.
She clicked someday we'll know.
"Yan, ganda.. tara attack na, Haha!." Natawa si Benedict nang mag matakaw na ng kain si Kylie, "hey.. dahan dahan.." pinunasan niya ang sauce sa gilid ng labi ni Kylie. "uhm."
"Benedict."
"Huh?."
"w..wala." she smiled and eat again. Napapaisip kasibsiyang itanong kung anu yung nililihim nito sa kaniya na nabasa niya sa text ni David kanina. Batid niyang hindi tamang maging mapag hinala lalung lalo na kay Benedict.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romance🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...