CMV II #23

1.5K 31 4
                                    

Nakailang ikot na ko sa kama hindi padin ako makatulog, para kasi akonv na recharge kanina, Medyo may sinat nako pero positive ako g labnat ang tawag dito, kashi naman eh.

Tumingin ako sa wallclock ni kitty na hello kitty, taray..

"Ilang oras nalang lunch break na.. baka kasabay nanaman niya yung haliparot na yun." Hindi ko maiwasang mainis kung bakit ba hindi nalang ako nag business management, mag palit kaya ako ng kurso?

pssh, impossible pading maging classmate ko siya, alam ko na!!

Oo nga pala, ngayon na mag iipon ng mga member sa kaniya kaniyang club org, what if pumasok ako sa org na sasalihan niya?ibig sabihin.. pwede ko siyang ligawan dun?

"hmm. hindi ako pwede pumunta ng bahay para magbihis siguradong babatukan ako ni mommy pag nalaman niyang ngayon palang ako papasok."

Ano kayang pwede kong gawin? ah.. lumakad ako papunta sa magandang walk in closet ni bessy, napangiwi ako sa madugong colorful niyang nga dress, Hindi ko talaga kinakaya kung paano g nahilig siya sa mga ganitong kulay, alam niyo yung kulay ng malalaking payong sa palengke? grabe, ganun, dilaw may pula na may blue, konti nalang mapapa lagay nako ng kamay sa dibdib!

"sa school kasi namin walang uniform wear what you want, talagang ubusan ng damit, ubusan ng style."

May nakita kong damit don na hanging blouse, medyo mataas ito sakin bahala nang kabagin, ayoko talagang mag dress. Humugot ako ng puting pants.

Parang bata tuloy ako, may malaking mukha pa ni Doraemon sa gitna, psh.

itinali ko ang buhok ko pataas saka naglagay ng konting lipgloss pwede na to, brrr..! nilalamig talaga ko, mamaya nako bibili ng gamot pag labas.

dahan-dahan akong lumabas ng kwarto niya ng walang nakakaalam, at dahil wala siyang mababang shoes, naka 2inches heels ako dito, yun na ang pinaka mababa. wala na! tss wag sana akong mauntog sa taxi.

chineck ko muna ang bag ko bago sumakay ng taxi para tignan kung kumpleto ba lahat ng gamit ko, mukhang okay naman, hay..

Pag pasok ko ng university ay nagmamadali akong naglakad,
sana hindi pa siya umaalis ng cafeteria, kainis naman tong heels ko, hindi ko talaga keri.

di bali magandang magandang maganda naman ako nga--

"ah!!!!." sigaw ko ng tumalsik sakin ang football.

"sorry miss!."



Napapikit ako ng mariin, okay lang sana ako kaso nanlaki ang mata ko ng makitang nadumihan ang white pants ko.

"HA!."

Nanlaki ang mata kong pinagpag yun at lalung kumalat.

"HAAA!!."

Napasigaw nalang ako ng malakas sa inis ng lumapit sakin yung lalaking naka tama sakin ng bola.

“I'm so sorry-

“anak ka naman talaga ng nanay mo oh!." bulyaw ko sa kaniyang halos mapaatras sa sigaw ko.

“uh, H-hindi ko naman sinasadya.”

tinitigan ko siya nang masama.

abat gwapo pala ang isang to?

pero wala akong pake, kahit cute siya.

galit dapat ako.

"Pano na yan!."

"i'll just pay for it ok-

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon