Napalo na niya ang sariling pisngi dahil nakaka ramdam na din siya ng antok.
dalawang oras na siyang nag hihintay sa isang bench malapit sa bahay nila Bianca, harap lang kasi ito ng kalsada, tanging ilaw nalang sa poste na nakatayo sa tabi ng bench niya ang nagsisilbing liwanag niya, Kinapa niya ang cellphone para tignan ang oras.
"Isang oras pa.." huminga siya ng malalim nang makitang ala una na ng umaga, kaya pala konti nalang ang dumaraan, maya-maya pay napipikit na din siya sa antok, pasalamat narin siya dahil masakit ang tiyan niya kaya't di siya ganoon kadaling patumbahin ng antok niyang nararamdaman.
Muli ay kinapa niya para tignan ang cellphone niya, nakakaramdam nadin kasi siya ng takot, at bukod pa roon ay nilalamok na siya.
"Last na..isang oras nalang," bumuga siya ng hangin habang nagkukusot ng mata niya habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang 3am na.
.
.
.
Bigla siyang nagising nang maramdaman niya ang pagtumba niya sa bench na yun.
"uhm.." mabilis siyang bumangon at tumingin sa paligid.
Kinapa niya ang cellphone,
Nanginginig ang kamay niyang tumingin dito, halos mapatalon siya sa lakas ng kidlat na narinig niya,
5am na.
Napangiti siya ng mapakla.
"Ano kaba Kylie, umaga na.. malapit na umaraw.. malamang kanina oa yun lumabas." inayos niya ang sarili at nag check kung may nawala ba sa kaniya,
"are you sure about that? haha!." dinig niyang tawanan, Napahinto siya sa paglakad sabay buhos ng malakas na ulan, Unti unti aiyang lumingon sa harap ng bahay nina Bianca.
"ay! umuulan na.. haha, pano ba yan? haha!."
ngumiti si Benedict sa kaniya saka sumagot.
"No I really have to go." habang naka silong pa siya.
'ang tanga tanga ko, bakit nga ba hindi ko inisip na baka nga talagang hindi dahil sa pangarap niya, baka nga talagang dahil hindi talaga ako ang gusto niya, at malabong balang araw ay mahalin niya.'
Naikuyom niya ang palad, kasabay niyon ang pag alog ng balikat niya,
nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mga luhang hindi niya akalaing ilalabas niya ngayon.'Bakit ba hindi nalang ako? pwede bang ako nalang Benedict? ako nalang pakiusap..'
Napaupo siya sa lapag at yakap dalawang tuhod, iminukmok niya ang mukha niya at doon nagpatuloy siya sa pag-iyak.
"bakit ba kasi hindi nalang ako..."
kasabay ng malakas na hangin at ulan, sumabay ang sakit na nararamdaman niya,
***
"come on, answer my call please!! nag aalala nako." Nagdadabog niyang sabi habang ag totoothbrush, nakatulog na siyat lahat ay hindi pa din dumadating ang kaibigan.
"Kainis, ano bang gagawin ko.. tsk, baka kung ano nang nangyari don."
kinagat niya ang kuko sa daliri habang nag iisip ng paraan.
Nag iisip kung saan hahanapin ang kaibigan.
Hanggang sa makita niya si David na napadaan sa pinto niya, busy din ito sa pag rereview kagabi kaya naman nag kasundo silang dalawa, pero kung paano niya makukuha ang number ng kapatid nito ay hindi niya alam kung magagawa niya ba.
***
BENEDICT POV.
kagabi pako hindi mapakali, pakiramdam ko may mali, ewan..
ni hindi ko nga nagawang makatulog sa bahay nila Bianca, nahiya lang akong tumanggi sa mommy niya.Bianca told me that she has a brother whom she think might be some special case, menopause baby na daw kasi ito, 4 yearsold at hindi pa daw nag sasalita kahit manlang mama or papa, Sa unang tingin ko nga sa batang iyon ay normal naman, i guess mabagal lang ang pag develop ng utak niya, He's not even deaf to become mute.
Hindi naman ako doctor pero i met a lot of kids in the US with differences, since nag start kaming tumulong nila mom sa orphanages at sa mga institute para sa mga special child,ay napapalapit nako sa kanila, i even became their tutor whenever i have free time.
Masyado akong nag enjoy makasama ang kapatid ni Bianca kaya hindi nadin ako nakatanggi ng gustuhin nitong matulog sa tabi ko, inabot tuloy ako ng madaling araw.
Bigla pang umulan ng malakas, naiilang na din ako sa pangungulit sakin ni Bianca kaya hindi na talaga ko nag tagal.
nagtatakbo akong papunta sa sakayan ng bus,nang naka sakay nako at pumikit biglang nag vibrate ang phone ko.
unknown calling...
hindi ko nalang pinansin ang numerong iyon,
nang biglang mag text.
Kitty here!
I think Kylie’s lost help me pls!huminga ako ng malalim saka tinawagan ng kusa ang numering yun para makasigurado.
Hello."
"sinundan ka niya kagabi, I'm so worried di pa siya bumabalik--
Hindi ko na nadinig pa ang sumunod ng mga sinabi ni Kitty, ngayon alam ko na, alam ko na kung bakit ganun ang pakiramdam ko kagabi, nakasunod siya sakin.
"Next bus stop boss, bawal bumaba diyan." sabi sakin ng kundoktor, hindi ako mapakali.
nang makababa ako sa next bus stop ay bumaba ako.
naglakad ako sa underpass para tumawid. at makasakay ng bus pabalik.
Pero nanandya yata ang tadhana,
walang bus na dumaraan, at basa nadin ako ng ulan.
"Youre so unpredictable Kylie. " napailing nalang ako na nagsimulang tumakbo.
Para hanapin siya.
tbc.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romance🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...