CMV II #1

4.2K 74 4
                                    


"I can't believe this Kylie? how can you grab someone's hair sa ganoong sitwasyon?."

Paroot parito ang lakad ng mommy niya habang naka luhod siya sa munggo at may librong naka patong sa ulo niya.

She just pouted, hindi siya yung tipong anak na mahilig sumagot sa magulang at mag bunganga ,alam niya kasing hindi naman siya mananalo dahil doon lang din siya nagmana nang ugali, sa mommy niyang pasaway.

*dingdong*

*dingdong*

“Keanne! open the gate!." nalaglag ni Keanne ang binabasa niyang makapal na libro. si Keanne ang sumunod kay Kylie, He's taking up medicine first year college.

Pinulot niya to saka naglakad papunta sa gate at binuksan ito.

"Ate mo?." nakangiti ng malaki si Kitty habang bitbit ang tupperware ng ulam na niluto niya, katabing bahay lang nila nakatira sila Kitty dahil nga magkambal ang daddy niya at mommy ni Kylie.

Bestfriend's slash cousin's sila.

"Nasa loob."inayos ng binata ang salamin niya bago isara ang gate nang magtuloy tuloy si Kitty sa loob ng bahay.

"Tita dyosa!!-  biglang napalitan ang malawak na ngiti niya, nangatngat niya ang kuko sa kamay ng makita si Kylie habang nakaluhod sa munggo.

"Oh, andiyan ka pala Kitty, come in.' ngumiti sa kaniya ang diyosa niyang tiyahin.

"I cooked some foo- .. why is she? kneeling down there po?." nakangiwi niyang tanong, inabot naman nito ang dala niyang tupperware.

"Thank you kitty you're such an angel, ayan pinarurusahan ko dahil sa ginawa niyo doon sa simenteryo." irap nito.

napalunok si Kitty sa sinabi ng tiyahin.

"Ikaw? hindi kaba pinarusahan ng daddy mo?."

napalunok itong muli.

"oh my god!"sigaw ni Megan, bestfriend ng mom niya, na mommy naman ni Kitty.

"Oh my god bestie!." tuloy tuloy itong pumunta sa harapan ni Kylie saka ito inakay patayo.

"aww." kylie pouted.

"What are you doing to your daughter bestie? baliw ka nanaman!." nakapamewang na ito matapos itayo si Kylie.

"Nakita niyo naman ang ginawa niyang magaling na anak ko? sa libing talaga nakipag rambulan? pasalamat kayo talaga at hindi kayo kinasuhan nung pamilya ng babaeng yun." Nilakihan niya ng mata si Kylie.

"Eh mom wala naman silang pera pano naman nila ko kakasuhan! duh?." Nilakihan niya din ng mata ang mommy niya.

"sumasagot ka pa." piningot niya ang tenga nito.

"aww awww aww.." napakamot siya sa tenga niyang namumula.

"Look at her knees bestie, ang ganda ganda ng balat ng anak mo sisirain mo, kung ganyan lang kaputi si kitty naku baka hanggang ngayon naka kulambo pa siya." 

tumango naman si Kylie saka yumakap sa likuran ni Megan. hanggang pisngi niya lang ito sa sobrang tangkad niya.

"Hayyy nako, kaya lalung tumitigas ang ulo kasi kinukunsinti niyo... kayo ni Bryle pati ni Kyle." mahal na mahal din kasi ito ng tito Bryle niya.

"Ngayon atleast alam mo na kung ano ka noon, diba nga ginupitan mo pa yung bangs ng girlfriend nung crush mo?."

napatuptop ng bibig si Kylie sa nalaman.

"Excuse me, ikaw naman ang nagtali sa kaniya sa upuan diba?." sagot ni Shin.

napatingin naman ang dalawa sa gawi ni Megan.

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon