"Sabi ko naman sayo damit nalang ang singahan, aksayado ka naman masyado sa tissue eh!." bulyaw ni kitty habang nag bubukas ng bago nilang stock ng tissue sa bahay."hindi mo kasi naiintindihan.. hindi niya ko pinakinggan bessy.. hindi niya manlang ako binigyan ng chance para mag explain, mas pinaniniwalaan niya pa yung pinag sasabi nung Bianca na yon! waahhh!!. Pssssshhhhh!!"
iyak singa na ginagawa ni Kylie sa oras nang pag rereview ni Kitty, " anong hindi ko naiintindihan bessy? almost 2 hours mo nang iniiyak yan sakin, memorize ko na nga yang linya mo eh," umiiling na sabi niya habang nag lilipat ng page sa binabasang libro, "alam mo ang gawin mo? ganito.. mag review kang maigi, para pag tumalino ka, baka sakaling malamangan mo yung babaeng yun. kailangan mong magkaron ng pangalan sa school natin."
Nakangusong tumingin sa kaniya si Kylie, saka padabog na kinuha yung box ng tissue, "Napaka impossible ng sinasabi mo!."
"Impossible? pano magiging impossible, ikaw lang ang babaeng nakita ko na hindi kinilalang mabuti ang enemy niya, sikat si Bianca sa school di dahil lang sa maganda siya at seksi, pang 32nd siya sa 100th na matatalinong studyante sa university natin last year,"
Nanlaki ang mata niyang tumingin sa
pinsan."She's a beauty with a substance bessy, you better---
"No! bakit nangyaring ganun siya katalino?!."
"Sipag bes, sipag tawag don. matalino ka naman kung tutuusin kaso tamad ka lang malandi at walang direksyon ang utak, alam mo ang problema mo.. puro lalaki, puro kasi lalaki yang nasa utak mo."
bumusangot siya, hindi na siya naiyak pa sa sinabi ng kaibigan,
"Gumawa ka naman ng ingay sa school, di lang sa ganda mo, gawin mo mag aral ka, tapos kahit manlang sa overall exams top 100th mag rank 99 ka manlang malaking achievement na yun."
Sumubsob siya sa mesa.
"Impossible yun, tss.. ayoko na ngang umiyak, baka ika pangit ko pa, tss.. kukulitin ko nalang uli si Benedict bukas!."
"Ewan ko sayo, bilib ako diyan sa kakapalan ng mukha mo."
inayos niya ang reading glasses niyang suot.
***
Nakapikit pa siyang bumangon saka nag diretcho sa cr.
"wa!." gulat na sigaw ni Kiko nang makita ang ate niyang gulo gulo ang buhok, habang naka pajama pa ito.
Madilim pa sa labas nang magising ito, kaya't hindi siya makapaniwalang ganito ito kaagang nagising ngayon.
"ate, aga mo nagising."
"Hindi ako nakatuloooog." humarap ito sa kaniya at kahindik hindik ang eyebags nito.
namamaga dahil sa pag iyak niyang magdamag.
napangiwi si Kiko.
"what happened to you??."
Nilakihan siya ng mata ni Kylie kaya napaatras siya sa pader.
"Wag kang gagaya sakin. kung ayaw mobg magkaganito, pang mga expert lang sa heartache yung may kayang gumawa nito."
Napalunok naman si Kiko sabay sunod sunod ang pagtango.
"uh.. mag t-tooth brush ako te-
"AT Ikaw!!."
Muntik na siyang mapamura sa bulyaw ng ate niya, tinutuk sa kaniyang leeg ang toothbrush.
"Wag na wag kang mag papaiyak ng babaeng maganda! Di porke magaganda kami ay pwede niyo na kami basta basta saktan at paiyakin para lang sa sarili niyong kapakanan! Hindi porke maganda hindi na b broken hearted! kasalanan niyong mga lalaki to! porke gwapo kayo!."
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romansa🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...