CMV II #8

2K 33 2
                                    

A/N: Last update for tonight, actually umaga na nga eh, bukas nalang pag gising ko yung iba, ano bang meron sa araw ngayon at ang comments niyo iisa, Bybthe way gusto ko yan yung mga ganyang comments 😂😂 Just want to say hi sa mga gising kong readers! matulog na kayo, lab yu!

*******************************************

"Ni hindi ko alam kung saang lupalop hahanapin yang si Benedict, paano na? ha! paano naaa." namomoblemang sabi ni Auntie Megan habang paroot parito naman siya ng lakad, mom shrugged while eating bananas, yes with an S dahil madami yun literal lahat kaniya.

"kasalanan yan ng bunganga mo, kung bakit ba naman kasi makikipag usap ka ng ganung bagay sa balkunahe pa? sana nag mega phone kana din ano?." Mom added, i can sense na super worried si Auntie sa kaniya, but.. just by looking at Benedict,hindi siya yung tipo nang lalaking basta basta lang maloloko sa daan, matalinong tao yun, hindi naman yun mapapano.

"aw!." piningot nanaman ako ni mommy sa tenga kaasar.

"saan ka ba kasi nanggaling, kung sana binantayan mo si Benedict edi sana hindi niya narinig yung bunganga ng tita mo."

"mom! masakit... edi sana sinabi niyo nalang sakin na kailangan pala ni Benedict ng yaya? tss." irap ko sa kanila.

"Saka bakit ba kasi pinipigilan niyo yung dreams nung tao, pangarap niya yun.. hayaan niyo na lang siya, anu't ano pa matatanggap din yan ng magulang niya, o tignan mo si David bakla anu't ano pa matatang-

“excuse me?."

Oh diba nag react? bakla talaga.

"so paano na to?, what's the plan? we have to bring him back here diyos ko baka kung anong mangyari sa batang yun."

"mom... auntie.. dont worry, malaki na siya mas malaki pa nga sa inyo, at isa pa? hindi yun mapapahamak, ililigtas yun ng pananampalataya niya."

"You b-

"sige David.. call me bitch baka kiligin lang ako, haha! whatta day! i have to take a rest, beauty rest.." dinilaan ko siya, kitang kita ko ang pag ka pikon niya sakin, akala mo ah? kung akala niyang nalimutan ko ang madalas niyang pag tawatawa tuwing napapahiya ako pwes.. it's my time to shine, bwahaha!


***

kinabukasan, napagpasiyahan naming bumili nang mga school supplies sa pag pasok naming muli sa school. gaya nang madalas kong gawin?palagi akong tumitingin ng mha romance novels, gustong gusto ko yung mga storyang sobrang wagas nang pagmamahalan?

yung mga tipong langit at lupa. buwan at araw, dagat at langis.

tubig at langis pala. basta.

"Oh, ano nanaman yan?."

"isa lang bessy.." yakap ko na yung libro ng isa sa dalawa kong favorite writers.

si 'Luna King' at 'JamilleFumah'

Tapos yung isa sa kanilang dalawa ka pangalan pa ni Author, o diba?😂


"Eh i didisplay mo lang naman yan di mo naman binabasa!." inagawa sakin ni Kitty yung yakap kong libro.

"no!." napanganga siya dahil kumuha ako ng bago.

"pero nabasa mo na sa wattpad yan..." Saway padin ni Kitty sakin,ginagawa ko kasing bisyo ang pag bili ng mga romance sa bahay, hindi ko pa nga nababasa yubg ibang binili ko bumibili ako agad nang bago. I guess ito nga ang sakit ko, lulong na ako sa pag ka adik sa libro.

habang yakap yakap ko yun ay napasulyap ako sa harapan ko.

mula sa di kalayuan, gamit ang malinaw kong mga matang lawin.

"Kitty!." mahinang tawag ko sa kaniya, hindi siya lumalapit kaya hinila ko siya sa buhok.

"kitty! halika sabi!."

"Miss ano ba!." sigaw nang babae sakin, nagkamali ako ng hinatak na buhok.

"Sorry, akala ko si Kitty ka--

"kainis!." inirapan ako nung babae, wala kong time mapikon dahil kailangan kong sundan si BENEDICTO JUNIOR.

tama kayo! siya nga ang nakita nang malinaw kong matang lawin, na kahit si Kuya kim magtataka kung paano kong nalamang siya yun, sa ganda ba naman bg hubog ng katawan niya sa suot niyang white shirt, at pants.. ang simple pero my gulay namumutok sa kaniya, nag gygym ba siya?

dahan-dahan akong lumakad habang naka takip ng libro sa mukha ko,halos manigas ako nang lumingon siya sa gawing kanan, napakapit tuloy ako sa mga grupo ng kadalagahang naka uniform.

at nakitawa.

"ahahah, ahahaha."

natawa nalang din sila, muli ay nilingon ko kung asan na siya.

nawala!

agad akong bumitaw sa mga dalaga.

lumakad ako kung saan ko siya nakita kanina. hala! nag babayad na siya? nasa cashier na siya! wait wait! teka asan kanaba kittyyy!?

lingon lingon, malapit na ibinabalot na yung binili niya!


bahala na nga, agad akong nagpunta da kabilang counter at doon ay nagbayad, hindi ako mapakali nang mauna siyang lumabas.

hindi niya ko pwedeng mamukhaan, ah!

hinubad ako ang tali ko sa buhok saka inilugay ito, tama.. madalas niya kong makita nang nakatali hindi niya ko mamumukhaan kung nakalugay ako, pwera nalang kung lagi niya kong tinitignan.

"ah miss how much is this?."

“free po yan kapag nakabili kayo ng worth 599."



.

.


.

gotcha! inayos ko ang bookstore cap sa ulo ko, hindi niya ko makikita, hindi niya ko mapapansin. galing mo talaga umarte! haha.

Nakita ko siyang sumakay ng bus, hinabol ko yun kaya nakasakay ako, nasa likod niya lang ako habang naglalakad papasok, nang makahanap ng bakanteng upuan ay naupo siyang agad, ako naman sa likuran niya.

grabe, wala pang isang buwan na nandito siya pero sanay na sanay siya.


Napaangat ako ng tingin sa tv screen na nakikita sa harapan.

"Nagbabadya ng ilang pag babaha sa parte ng metro manila, asahan ang malakasa na pag buhos nang ulan mamayang gabi."

grabe may bagyo pala? hay , babaha sa ilang parte ng metro manila.

matapos ang isat kalahating oras nang pagbabyahe ay bumaba na din siya, medyo may katagalaj dahil alam niyo naman sa Pilipinas uso ang slow traffic, Halos maalarma ako ng makita ko kung gaano kalakas ang buhos ng ulan. wala na kong magagawa kung di ang sumunod sa kaniya, patuloy siyang nag lalakad habang hawak ang payong na sinisilungan niya. bigla tuloy akong nainggit, masakit na din ang paa ko dahil nadin sa paglalakad namin, unti unti ay hindi ko na alam kung saan kami papunta, nag sisimula na akong kabahan.

nilalamig ako ng sobra, dahil dun ay nanginginig ako.

Nanlalabo ang mga mata ko habang panay pdin ang lakad niya. nagulat nalang ako nang hindi ko na siya makita, nasaan na kaya siya?

tbv.

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon