Ilang araw niya ding ginagawa ang pag di disguise para lang mabisita kahit sa trabaho niya si Benedict, nung minsan kasing katukin niya itong muli ay hindi talaga siya pinag bubuksan ng pinto, palaging nag bu busy busyhan.
Pinga pasensyahan niya nalang dahil madalas nga itong mag overtime at baka napapagod lang, tutal ay malapit na ang pasukan maari na silang magkita ng madalas dahil for sure titigilan na din nito ang pag ttrabaho.
"Excited na ko para bukaaas! naka ready naba mga gamit mo? poporma nanaman tayo!." kinikilig na sabi ni kitty sa kaniya, super fashionista kasi ng kaibigan niyang ito na palaging partner ang sapatos sa kulay ng top niya o headband man.
"Oo, ano bang ka excite excite sa pag-aaral? ts.." irap ni Kylie sa pinsan, binatukan naman siya nito.
"alam mo, nakaka excite ang pag-aaral lalu na kapag may utak ka."
"Wala naman kasi nun si Ate." Singit ni Icy nang ibaba nito ang librong binabasa sa mesa.
"Sabi ko kasi sayo, sa kwarto na tayo mag almusal at nanganak ng madaming epal si mommy." Kylie pouted.
Nagulat sila sa Itsura ni Kiko na hihingal hingal papasok nang bahay. napatingin sa relos niya si Kylie, alas-otso ng umaga?
"Anong nangyayari sayo, may gera ba? alas otso ng umaga galing ka sa labas?."
"Ate.. " hinigingal na sabi nito,
kinabahan namang lumapit sa kaniya si Kylie at inalog siya sa magkabilang braso,
"huy, kiko anong ginagawa mo kinakabahan naman ako sayo! sabog kaba?! hinahabol kaba ng pulis!."
"Ako din kinakabahan at bigla kang tinawag na ate."
"Please itago mo ko!."
Nilingon niya si Kitty para sumilip sa labas ng bintana.
"Omg, may gera nga!."
Narinig nila ang tilian ng mga babae sa labas, hindi nila mawari kung bakit napaka raming babae sa labas, may mga banner pa para sa kaniyang kapatid.
"Hoy Kiko! ano bang problema? normal sa lalaki ang magkaron ng admirers?." sabi ni Kylie sa kapatid niyang pawisan, na mukhang na istorbo yata sa pag jojogging.
"I know it's normal, but.. don't you think its exaggerated?." sabi naman ni Kitty, "go upstairs kami ng bahala ng ate mo." utoa ni Kitty rito, lumabad nanaman ang pagiging good ate nito sa mga kapatid ni Kylie, Itinali niya ang buhok niya saka kumagat sa hotdog.
"Tara mag papalayas tayo ng fansclub."
***
Kinaumagahan,
"oh my god oh my god oh my god!." halos magkandarapa si Kylie sa kamamadaling makapasok sa school, mabilisan siyang naligo, nagbihis at saka sumubo ng almusal.
"What's with the rush?." nakasimangot na sabi ni Keanne habang relaxed sa pagkain nito ng almusal.
"Ma le late nako, i need to get there fast kung di hindi ko makoko- teka nga? bakit kalmado ka pa diyan? wala ka pa bang pasok?." nagtataka siyang nagtanong rito habang inuubos ang gatas niya.
"Meron."
"Eh bakit andito kapa!."
"Tss, ang boring naman pag firstday, walang exciting na lectures, kanya kaniya silang pag papasikat bukas na ko papasok pag matino na utak ng mga tao."
"Grabe siya, ikaw na, ikaw na talaga!." nang maubos niya ang gatas ay nag suot na siya ng sapatos.
Pag bukas niya nang pinto ay tumambad sa kaniya si Kitty, kalmado din ito at naka porma na, "Done Bessy." nakangiti ito ng malapad suot ang kaniyang yellow dress, partnered with yellow shoes.
"Ang tingkad, hindi kaya mabulag yung tumingin sayo?."
"Hindi ko pinakealaman yang tshirt mong puti tyaka bra mong pula sa loob kaya wag kang ano sa style ko, ang tawag diyan fashion."
Umasim ang mukha ni Kylie na sumunod sa kotse na sasakyan nila ni Kitty,
"Kung ganyan din lang ang fashion, ayoko na."
"Hoy, hindi ba dapat yata inaalam mo kung paano mo dadaanan yung building ni Benedict? kesa ino okray mo tong outfit ko? mga ilang meters away ba ang building nila sa building natin? Oh my gosh.. sigurado akong madaming magagandang kaklase yun.."
biglang humaba ang nguso ni Kylie sa narinig, kulang nalang ay magkaroon ng background music na kulog at kidlat sa reaksyon nito.
"HINDI PWEDE!."
bulyaw niya habang nanlalaki ang mga mata.
"sandali lang!." halos mapatalon si Kitty sa sigaw nito sa kaniya.
"huy san ka pupunta?." naka handa na kasi siya para paandarin ang kotse.
"Magbibihis lang ako saglit! hindi y
pwedeng ganito lang ako! baka makakita siya dun ng iba!." nagmadali siyang tumakbo."ay palaka, "
nagulat si Icy nang makasalubong ang ate niyang nagmamadali sa hagdan.
"Kuya? what's with her?." Keanne shrugged.
"tabi." matipid na sabi namna ni Kiko habang pababa ng hagdan naka cap ito at naka mask. naka jacket.
"My god? papasok kang ganyan?." hindi makapaniwalang balot na balot ang kuya niyang papasok sa school.
bumagsak ang balikat niyang tumingin sa kuya keanne niya.
"Parehas silang weird." sabi ni Icy.
matapos ang ilang minuto ay maingat na bumaba ng hagdan si Kylie, habang naka posing.
kung naiimaginr niyo, kumakaway kaway ka siya na tila naiiyak.
"Pfft!." naibuga ni Keanne ang kape niya.
"San ang libing ate?." tanong nang kapatid niyang si Icy, habang nag susuklay ng buhok.
Naka black skirt si Kylie na sakto lang ang pag ka ikli, naka off shoulder naman itong pang taas na kulay itim din, naka pony ang buhok niya saka may shades na malaking itim at pula ang lipstick nito.
"Ayos ba." nag posing pa siya na tila masakit ang puson.
Inubo naman si Keanne saka umiling at nag thumbs down.
"tse! walang pakealamanan ng suot!."
dabog niyang alis ng bahay, saka muli ay bumalik sa labas para sumakay ng kotse ni Kitty pero laking gulat niyang wala na ito.
she dialed her number.
"hello bessy! nasan ka! iniwan moko!."
"ha? ayokong ma late bessy, ako nang bahala nag excuse sayo pag dating don."
Nagpapadyak siyang hinubad ang salamin sa mata.
"nakakainis ka naman eh! oh siya mag c commute nalang ako! ayusin mo excuse mo ah!."
"oo.. ano bang gusto mong excuse?."
Tiktak tiktak
wala siyang maisip, tumingin siya sa suot niyang damit.
"libing?."
****
AN: bitin! sorry bawi ako sa next chappy, kakagising ko lang eh. 😌😌
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romansa🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...