CMV II #27

1.5K 29 9
                                    


"Anak nang bakit naman ang lamig dito!?."

dito

dito

dito

halos mag echo yung boses niya at magtinginan lahat ng tao sa kanila ni Kai.

"Oh. shhh." saway sa kaniya ng binata na halos maghanap na ng pwedeng pagtaguan sa hiya.

"sorry.." nag peace sign nalang si Kylie.

"here." inalalayan niya ang dalaga para sa pag upo nito sa pwesto nila.

"Nasaan ba sila Benedict? sabi mo nandito."

bumuntong hininga muna si Kai,

"Ano kaba, we're too early.. mamaya dadating din yun.. diyan sa harap mo uupo si Bianca."

"wushhuu ang lalaking patay na patay kay Bianca, so ganito nalang.. since dito siya sa harap ko paano ko ba guguluhin ang date nila ha?."

"basta, mamaya nalang okay? manahimik ka muna.. mag practice ka munang tumahimik okay?."

"Im so excited haha."

dinig na dinig ni Kylie ang mahinang pagtawa na may kasamang panlalandi sa tono ng boses nang isang babae,
at sigurado na siya sila Benedict na iyon.

"shh."

Halos mapabuga siya ng tawa habang tinitignan kung gaano ka daring ang suot ng dalaga sa harap niya, pinatay na ang ilaw kaya naman alam niyang hindi siya pag aaksayahang titigan ng dalawang kararating lang.

"Oy kai," bulong niya sa lalaking katabi.

" Don't call my name, they might hear us." matigas na bulong naman nito sa kaniya.

"Okay kalma? honey nalang."

"good, oh? yes honeyy?." he answered sweetly, binatukan naman siya ng dalagang katabi sa pag papa cute niya.

"Ano nang plano? pa cute pa eh."

"mamaya na kapag nag kaka lapit na sila, kapag gumapang na yung kamay ng lalaking yan sa balikat ni Bianca."

awtomatikong binatukan siya uli ni Kylie.

"FYI honey hindi siya manyakis, baka yang babae mo honey ang manyakis, kitang kita mo naman siguro kung paano siyang lumingkis sa isang lalaki para siyang ahas. bagay na bagay sa suot niya ngayon."

Mula sa unahan ay napatingin si Benedict sa suot ni Bianca,

Bigla siyang natawa ng mahina dahil dinig na dinig niya ang boses ni Kylie sa likuran nila.

"Shh, quiet? okay." sita ni Kai sa dalaga.

Nagsimula nang tumugtog at ganoon din ang mata ni Kylie, kasabay ng pagtaas baba ng tono ng musikang naririnig nila ang pag bukas sara ng talukap ng kaniyang mata.

"ibang klase.." Napapiling nalang si Kai habang bumabagsak ang ulo ni Kylie.

"uy.. honey umayos ka nga diyan." bulong ni Kai.

"uhmm.." napa kamot nalang sa ulo niya ang dalaga, napansin niya ang ulo ni Bianca na tila umuunti unti na ng pag sandal sa balikat ni Benedict.

Bigla siyang naging alerto.

agad niyang sinipa ang upuan ni Bianca mula si likod.

"Oh my god! ano yun!?."

napalingon sa kaniya si Benedict.

"Miss ano ba yun!?". inis na sabi ni Bianca, bigla namang umarteng naghahalikan yung dalawa para hindi sila mamukhaan.

"Kainis!." umirap nalang si Bianca, "why don't you just get a room, dito pa talaga!." highblood na sigaw pa niya, pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"hindi nako nag eenjoy,na wala na yung focus ko, let's go." tumayo si Benedict dahil na din sa pag sigaw ni Bianca na parang akala mo sila lang ang tao."

"uh. Benedict..." malungkot na tumayo nalang si Bianca at sumunod kay Benedict.

"Maaga pa naman , kain muna tayo? nagugutom nako ."

sa di kalayuan ay sumusunod padin sila sa dalawa.

"bakit mo naman sinipa yung upuan ni Bianca,"

"ayan.. ikaw kasi masiyado kang kampante sa Bianca nayun, kitang kita ng dalawang malalaki kong mga mata kung paano na siya dumadamoves! malapit na siyang humiga sa balikat ng Benedict ko!."

"Ganun ba?".

"Oo! kaya ikaw kung ako sayo kakalimutan ko na yang babaeng. hindi ka niya deserve! you're too good to be true! swerte na siya sayo kaso sinayang kalang niya."

Palihim na napangiti si Kai sa narinig mula kay Kylie.

"Oy, kinikilig ka noh, mamaya na yan.. kailangan natin silang sundan."

Napakamot nalang si Kylie nang mawala ang dalawa sa paningin niya.

"Asan na sila?."

"here." hinila siya sa kamay ni Kai papasok sa chinese restaurant.

sa isang mesa ay mayroong maliit na  divider, iyon ang design nang naturang resto para may privacy yung mga kumakain,

"Nakakaaliw naman dito. parang nasa bahay lang tayo, pwede pa tayong mag paa oh?." sa lapag lang kasi sila nakaupo. kaya tuwang tuwa si Kylie, katabi nila ang upuan nila Benedict.

"honey, order kana.." turo niya sa kabilang pader.

Napangisi naman si Kylie nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Kai.

"Honey, napaka ganda mo naman ngayong gabi."

"talaga ba honey? hehe, pasensya kana hindi ako masiyadong nakapag ayos oh.. unlike kanina sa loob may babaeng ahas ay este..ahas yung style ng damit.. ang bongga."

napangiti si bianca ng mapait mula sa kabilang mesa, si Benedict naman ay busy sa pag babasa ng menu.

"Gusto mo bang kumain sa iba?." bulong ni Benedict kay Bianca, tumango naman ito at tila nabuhayan ng loob dahil sa tanong ni Benedict.

pakiramdam niya ay nasisira ang date night nila.

"mamay punta tayo sa park, gusto kong manuod ng fireworks display." ngumiti sa kaniya si Bianca habang naglalakad na sila sa labas.

*burp*

"ah.. grabe salamat sa pagkain honey!."

"you're welcome.. uh. cr lang ako ah." tumayo siya mula sa kinauupuan habang busy sa pag papak ng ice cream si Kylie.

napalingon siya ng simple sa katabi nilang mesa, at dahil matangkad siya kitang kita niyang wala nang tao sa kabila.

Napanganga nalang siya si Kylie naman ay nabitawan ang kutsara.

"what?!."

"wala sila?." sagot ni Kai.

napanganga naman si Kylie na sumadal sa upuan niya.

"pano na to....!"

" teka cr muna ko, ihing ihi nako eh, babayaran ko nadin yung bill hahanapin natin sila relax kalang diyan."

nagmamadaling tumakbo papunta ng cr ang binata.

"pano na to.. baka tsansingan niya si Benedict koo huhu.. my so innocent benedict.."




tbc

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon