"Galit kaba sakin?." Tanong nito sa kaniya habang naglalakad silang dalawa sa tabi ng kalsada.Nakapamulsa lang si benedict habang nakatingin sa kaniya, seryoso ang mukha ni Kylie habang nakatingin sa malayo at nag-iisip ng sasabihin.
"..."
"Kylie? Answer me."
Bini bwisit talaga ko nito, Kylie lang tawag mo sakin?seryoso kanaba diyan benedict? Psh.
"Ang tahimik mo, hindi ako sanay."
"Wala naman akong kailangang sabihin sayo eh." Irap niya, sinubukang hawakan ni Benedict ang kamay niya, pero inilayo niya ito,
"Uh."
Pwersahang kinuha ni Benedict ang kamay niya, "ano ba.?"
"Hindi ikaw ang masusunod ngayon. Pinagod mo ko kakasunod sayo buong araw, tapos ngayon balak mo pa kong sungitan pag tapos mong palakihin yung bill natin sa restaurant kanina?."
"Ah- anong-." Hindi siya makaisip ng isasagot dito, dahil totoo namang umorder siya ng kung anu-ano, ibinuntong nya sa pagkain ng marami ang inis niya sa nobyo.
"Bit-
Hinila siya ni Benedict papunta sa bus station na nasa harapan nila.
"San tayo pupu-
Hindi na siya nakapag salita ng paupuin siya nito sa may bintana.
At bumili ng dalawang ticket si Benedict,
"San ba tayo pupunta ha?? Tyaka provincial bus to, san ba tayo pupunta."
"Shh.."
Pinamulahan siya ng mukha nang patahimikin siya ni Benedict, para siyang nanunuod ng commercial sa tuwing gagawa ng facial expression ang boyfriend niya.
Lumingon nalang siya sa bintana, para hindi nito makita ang pamumula niya, kinuha nitong muli ang kamay niya at hinalikan.
"Mahal kita.."
Narinig niya yun, pero hindi niya sinagot.
Ngumiti na lamang siya habang nakasilip sa bintana, matapos ang ilang minutong pag ipon sa mga pasahero ay umalis na ang bus.
Nakatulog si Kylie sa pagod nung araw na yun sa balikat ni Benedict,
At sa malalim na gabing iyon, at hindi niya binitawan nag kamay ng nobyang mahimbing sa kaniyang tabi.Nagising sila ng madinig ang pag sigaw ng driver, nakahinto sila sa isang kainan, "huminto."
Nagkusot ng mata si Kylie ba sumilip sa bintana.
"Woooahh."
Namangha siya.
Natawa si Benedict dahil para siyang isang batang nanlalaki ang mata nang makakita ng magandang tanawin.
Naaaninag na kasi nito ang mga puno.
Napatuptop pa ng bibig niya si Kylie na hinihila ang damit ni Benedict.
"Bili mo ko!!!." Agad na nakunot ang noo ni Benedict,
"Ha?? Hindi mo ba itatanong kung nasan tayo?."tanong niya sa dalaga.
Tumayo si Kylie na nagtali ng buhok.
"Ibili mo ko ng bulalo! Andun oh bulaluhan! Huhu.. bili mo ko..." *Pout*
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romance🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...