CMV II 86

1.5K 30 13
                                    

Halos mahilo na si Kitty sa paroot paritong lakad ni Kylie sa kwarto nila.

"Hoy pwede ba dun mo gawin yan sa inyo? Hindi ako makapag concentrate sa nirereview ko oh." Umirap siya sa pinsan niya. "Excuse me lang kitty ah? Ni rereview mo yang Facebook timeline ni Kai?!."

Napabusangot naman si Kitty, "to naman. Hindi ba pwedeng nag hahanap lang ako ng inspirasyo-

"Che! Inspirasyon! Yang mga lalake! Sakit sa ulo yang mga yan!magagaling lang yan sumuyo kapag pakiramdam nila mawawalan na sila! Parang si Benedict! kung kailan kami na ni Kai biglang nag paramdam sakin! Biglang naging honest! Tap-

"Hoyyoyoy. Alam kong ex mo si Kai, but please don't say it outloud infront of my face? Okayy?." Irap ni Kitty sa pinsan niya, napanganga nalang si Kylie saka nag peace sign. Naupo siya saka humugot ng malalim na hininga.

"Ito naman..  wag ka namang highblood diyan? Lam mo.. hindi ko naman type yang si Kai eh.. di ako tinablan dun kahit konti, saka don't worry di ko naman yun natikma-

"Ituloy mo yan susungalngalin kita ng pentel pen." Pagbabanta nito sa kaniya. Napatakip nalang siya sa bibig niya.

"Alam mo ba kung paano ka hahabul habulin ni Benedict."

"Ha?uh.. alam mo ba? Kung papaano.. eh eversince naman talagang habol yang si kai akala ko nga dati aso-

Nilakihan siya ni Kitty ng mata.
"KYLIE SHINE."

"Hehe ,joke?."

"Okay.. simple lang yan bessy..magpakadalagang pilipina ka nga? magpakipot ka padin ng konti, ikaw na nga ang nanligaw eh ikaw pa kailangang humabol sumuyo.. ano? Hindi kapo Aso.. o Anino? Girlfriend kapo .. "

"Eh anong gagawin ko ngaaa."

"Magpaka busy ka? Kunwari wala kang time sa kaniya? Ano lagi nalang bang ikaw ng ikaw ang magbibigay?..let him be a Boyfriend to you."

****

"Let him be a boyfriend to you."

"Let him be a boyfriend to you."

"Let him be a boyfriend to you."


"Arghh!." Ginulo gulo niya yung buhok niya, sa sobrang inis.. nakailang palo na siya sa kamay niya na wag hawakan ang phone niya, ayaw niyang maunang magtext o tumawag kay Benedict.

Huminga siya ng malalim saka tumayo para magpunta sa studytable niya. Binuksan niya ang laptop para mag search ng mga music videos.
Napangiti siya ng maisip niyang panuorin ang mga music videos ni JB.

"Hayyy nako Justin.. ikaw nalang talaga ang nagpapakilig sakin ng bonggang bonggang bongga.."

pinapanuod niya ang kanta nitong

"That should be me."

"Tama ka.. dapat kasi ikaw nalang, nakooo kaso sabi nila fuccboi kadaw weeh hihi..okay lang atleast diba walang issue issue sayo yung virginity." She laughed.

"dahil ba dun? Kaya parang nandidiri siyang mag suot kami ng mga couple things? Bakit ganun?."

"Jb tell me .. please.. please.." inalog alog niya yung laptop niya nang makarinig ng tunog mula sa pinto niya.

Si kiko nakanganga habang tinitignan siya.

Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Ugh.. napadaan lang." Takot itong agad na umalis dahil sa nagiging wierdo nanaman ang ate niya.

***

"Wow.. so bro, balita ko..kayo na?."
Tanong ng classmate niya habang nakaupo sila sa loob ng room.

Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon