Natawa nalang akong bumangon mula sa kama ko, sabi ko na nga ba at papayag siyang makipag kita sakin, nagsalamin muna ko kung ayos lang ba ang suot ko, i was planning to eat with her outside.Binalikan ko nag huling chat ko sa kaniya.
Benedict: change your clothes.
Hindi na siya nag reply. Di bali.. kakatukin ko nalang siya, pinihit ko yung doorknob para lumabas ng kwarto ko, nang bigla ko siyang maaninag.
Kinusot ko pa ang nga mata ko kung namamalikmata lang bako o dahan dahan talaga siyang maglakad.
"Ugh!."
Bigla nalang akong tumalsik papasok sa kwarto ko.
*click*
Nakapa kung yung kama, shit? Anong problema niya?
Nilock niya pa yung pinto.
"Mahal ko.." she was smiling at me. Nakakatakot yung mga ngiti niya, ano nanaman bang binabalak niya? At bakit?
Bakit ganyan ang suot niya?!
***
(KYLIE)
Matapos ko siyang ichat ay agad na kong tumayo para sana buksan ang pinto nang marinig kong mag pop out uli ang isang chat na nagpayanig sakin.
Benedict: change your clothes.
"What?."
Oh my gosh! Is this really it?! Omg omg omg! Pinag uusapan palang namin kanina! Tapos! Ito naaa? Anong gagawin ko?! Ihhh!!! Makikita ko nanaman yung .. yung abs niya? Kyaaahh!!! Anong gagawin ko? Anong isusuot ko? Gusto nya kaya ng sexy? wag nalang kaya ko mag damit? Hihi! Enebe!!!!
Agad akong tahimik na kumakal sa damitan ni kitty, wala akong makita. Puro colorful naman na dress to, tapos parang mga pambata.
Hanggang sa may makita akong kakaiba at bukod tangi sa lahat.
May note pa , advance happy birthday tita diyosa. Huh? Para kay mommy? Nakabili na siya ng gift eh nextweek pa bday nun?"Hehehheee." Alam na alam ni Kitty ang mga style ng mommy ko ah.. leopard printed na night dress. Partnered with super duper maikling shorts na pantulog din! Pwede na to!
Nag mamadali akong nagbihis saka nag lakad papunta sa kwarto ni Benedict. Nang marinig kong magbukas ang pinto at makita ko siya, agad na kong tumakbo para itulak siya papasok nang walang makakita saming dalawa!
"Ugh!."
"Mahal ko..." i smiled sexily.. paano ba yun? Yung tipong napa pa pout pa ng konting konti, ganiteyy..
Napansin ko ang pag atras niya sa kama.
"Bakit ganyan ang suot mo?."
Salubong ang kilay niyang sabi sakin.
"Mukha kang .. "
"Mukhang ano?." Nakakapanic naman, hindi niya ba nagustuhan? Sabi na nga ba dapat di nalang ako nag damit eh!
"Tss." Bumangon siya saka kumuha ng tshirt niyang kulay puti at ibinato sakin.
"Ipatong mo yan sa suot mo. "
"Ha??." Napakurap kurap nalang ako kasi.. wala akong magets sa mga ikinikilos niya? Ayaw niya nito? Gusto niya kong nag tshirt.?
"Don't tell me na kapag nag ssleep over ka ganyan ang suot mo."
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Virgin II (COMPLETED)
Romance🔥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit na galawan Mas Matinik Mas TANGA! Mas Mahirap pa sa Mahirap na ligawan Mas matitinding pamamaraan M...