Half Demon Chapter 1
Curiosity KillsSun Raue's Point of View
"Hoy, umayos kayo, nandyan na si Miss Sun Raue." Rinig kong sabi ng babaeng kaklase ko nang nasa bukana ako ng classroom.
Mga nag-ayusan naman ang mga estudyante sa loob at mga nagmamadali sa kanilang ginagawa. Tumahimik silang lahat pagpasok ko at nais maupo sa dulong bahagi ng silid.
Good. Wala pa akong ginagawa natatakot na agad sila sa akin. Walang sinuman ang nangangahas na lumapit sa akin dito sa eskwelahan na 'to, hindi ko sila sinasaktan pero natatakot sila.
Maybe because of my black aura.
'Coz I'm Sun Raue Montereal, and no one can mess up with me.
Naglakad ako ng diretso papunta sa pinakalikod na upuan. Nag-alisan ang mga kumpol na kalalakihan doon.
I raised my right eyebrow then I smirked.
Sakto namang pagdating ng first period teacher namin.
"Good morning class." Bati ng professor sa History.
"Good morning, Sir." Bati ng mga kaklase ko.
Hindi na ako nag-abalang tumayo at bumati pa, tinatamad ako.
Nagsimula na siyang mag-discuss nang hindi ko alam kung ano iyon. Well, kailan pa ako nagkaroon ng pakielam?
My God!
Nakakaantok! Boring! Boring teachers, I hate boring teachers!
Ang aga-aga ito bubungad sakin? Talo pa lasing kung magsalita. Tss!Dahil may konting respeto pa naman ako sa mga teachers, dumukdok na lang ako sa desk ko. Saka pumikit.
Much better.
"MISS MONTEREAL!"
Shit! Bakit ba ang ingay? Tumunghay ako para tingnan kung sino yung sumigaw.
Damn! Si Sir nandito na sa harapan ko at namumula na sa galit."Yes Sir?" Kalmadong tanong ko sa kanya. Lalo pa siyang nagalit at halos umusok na ang tenga at ilong niya.
"Ms.Montereal! I'm asking you!"
Naghikab muna ako bago magsalita. "What is it, Sir?"
"Grr... In what year--" Pinutol ko na ang tatanungin niya dahil ayoko nang masayang pa ang kanyang laway para sa walang kwentang tanong.
"I don't know Sir, I'm sorry." Totoo naman eh. Hindi ko alam, history kaya ang itinuturo niya. Ewan ko ba sa kanila bakit pa binabalikan ang nakaraan. Yari na nga eh, past na, babalikan pa. Tss!
"MISS MONTEREAL!!!!!" Sumigaw ulit si Sir. Ang sama ng tingin niya sa akin, parang anytime mangangain siya ng tao. Parang kakainin niya ko.
"Yes, Sir?" Kalmadong sabi ko.
"GET OUT OF MY CLASS! NOW!"
"Okay sir, thank you." Tumayo na ko at sinukbit ang bag ko saka dire-diretsong lumabas. Buong puso kong tinanggap ang utos niya na walang pag aalinlangan.
Salamat at nakaalis din doon. Bawas stress at ingay.
Pupunta akong cafeteria. Tama, 'pag inaantok ako, kumakain na lang ako para mawala ang antok. Maraming estudyante ang palisaw-lisaw sa hallway pero sila mismo ang nagbibigay ng daan sa akin sa gitna. As they should. And as what I've said, walang nangangahas lumapit sa akin dito sa school na ito.
Bumili agad ako ng pagkain pagdating ko sa cafeteria. Hindi ako doon kakain kaya naglakad na ulit ako palabas para makahanap ng tatambayan.
Habang naglalakad, uminom ako ng softdrinks nang may biglang bumunggo sa balikat ko. Dahilan para matapon ang softdrinks sa damit ko.
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...