Chapter 25

7.1K 152 7
                                    

#HALF DEMON
*Fire*

Sun Raue's Point of View

Napapikit nalang ako sa inis dahil ayaw pa akong ibaba ng f*cking Mafia Prince na 'to. Alam niya naman sigurong pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Argh!

"Isa! Mafia Prince, ibaba mo na ko!" Mahinang sabi ko sa kanya pero nanggigigil na ko. Pero hindi siya sumagot at nakangisi pa siya habang diretso ang tingin sa dinadaanan namin.

Kinurot ko siya sa braso kaya napahinto siya sa paglalakad.

"Aray!" Daing niya at sa wakas ay tiningnan niya na ako. "Bakit ba nangungurot ka?" Inis na sabi niya.

"Hindi mo ba ko ibaba!" Nilakihan ko siya ng mata para naman malaman niya na kanina pa ako naiinis dito.

"Malapit naman na tayo kaya 'wag na." Sagot niya at naglakad na ulit.

Argh!! D*mmit!

Kinurot ko ulit siya sa braso at mas diniin ko na ang kuko ko.

"ARAY!! ARAW ANO BA?!" Napahinto ang mga estudyante dahil sa malakas na sigaw niya at pinagbulungan na kami.

Tiningnan ko siya ng masama at ganun din siya. Parehas kaming ayaw bumitaw at para bang nagpapaligsahan kami sa sama ng titigan. Nakakainis!

Kinurot ko ulit siya at ngayon ay sa tagiliran niya na, kaya ang resulta ay nabitawan niya ko at bumagsak ako sa sahig.

"OUCH!" Napakagat labi ako sa sakit. T*ngina! F*ck you Mafia Prince!

"F*ck! Araw! Are you okay?" Gulat na sabi sa'kin ng bwisit na Mafia Prince na 'to. Nag-squat siya para mapantayan ako.

"D*mn! Mukha ba kong okay?!" Nanginginig sa inis na sigaw ko.

"Kasalanan mo din naman eh! Kung hindi ka nangurot edi sana hindi ka nalaglag!" Sisi niya sa'kin kaya mas lalo akong nabwisit.

"Bakit kasi ayaw mo pa kong ibaba?! Tsaka sino may sabing buhatin mo ko, ha?!" What the hell! Wala na kong pakielam sa mga nakakakita sa sigawan namin dito dahil sobrang naiinis na ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon!

"Masama bang magmalasakit?" Naiinis na din na sagot niya.

Uso ba sa kanya 'yon? Magmalasakit his face! Bwisit!

"E.WAN.KO.SA.YO. ASSHOLE!"

Itinukod ko na ang kanang kamay ko para makatayo. F*ck! Mas lalong sumakit ang katawan ko at masakit pa ang pwet ko. Grrr! D*mn!

Aalalayan na sana ako ni PL pero hinawi ko ang kamay niya at masama ko siyang tiningnan. Sinimangutan niya naman ako. Inirapan ko nalang siya. Bwisit! D*mn you ten times Mafia Prince!

Nang makatayo ako ay napangiwi ako. Ang sakit ah. Paika-ika akong naglakad at hindi na nilingon pa si PL.

Malayo na ako sa kanya nang mas sumakit ang katawan ko kaya huminto muna ako at umupo sa malapit na bench. Mga sampong minuto bago ulit ako maglakad papuntang Ward Hall. Bwisit na PL, talagang hindi ako sinundan!

Bubuksan ko na sana ang pinto ng Ward Hall nang marinig ko ang boses ni PL sa loob. Oh c'mon! Ayaw ko siyang makita dahil baka kung ano pa magawa ko sa Mafia Prince na 'yon!

Saan ako ngayon pupunta? Hindi naman pwedeng sa Black House ko dahil masyadong malayo at hindi ko na kaya pang maglakad!

Binuksan ko na ang pinto ng dorm ko at pumasok. This is my first time na pumunta dito. Maliit lang siya pero maayos naman, may single bed sa gitna, may dresser, may study table sa gilid at CR. Dumiretso ako sa kama para makapagpahinga na.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon