This is the last chapter. You've come so far! Thanks for reading and giving me an opportunity to share my story. Enjoy reading!
#50 HALF DEMON
*Life*Lux's Point of View
It's been one week since the battle between Mafia Queen happened. Ngayon, nandito kami sa mansyon ng Vipers na pagmamay-ari ni Zhieon. Dito namin napagdesisyonang manatili at gamutin ang mga sugatan imbis na sa ospital dahil sa tingin namin ay dito mas ligtas, ayaw na naming madamay ang ibang tao na hindi Mafia kahit na nahuli naman na ang Mafia Queen.
Nang gabi na 'yon, noong dumating ang mga pulis ay hinuli nila ang Mafia Queen kasama sina Ryoka at Rodge Raleigh. Buhay pa ang dalawa at ilang araw na nagpagaling sa ospital bago sila ideretso sa kulungan. Ang Mafia Queen naman nasa kulungan na pero ililipat siya sa isang Mental Hospital dahil wala na siya sa tamang pag-iisip.
"Tita, kayo na munang bahala dito. Tumawag kayo agad 'pag may nangyari." Sabi ko habang hinahaplos ang ulo ni Zrach.
Hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya habang ginagawa 'yon. I miss him already. Simula non ay hindi pa rin siya nagigising but good thing, he's still alive. He's fighting for his life. Akala ko noong gabi na 'yon ay iiwan niya na ko dahil halos hindi na siya humihinga pero mabuti nalang at naagapan ni Mr. Marlowe.
"Anak, tara na?"
Bumaling ako kay Papa saka siya nginitian. Tumango ako at hinalikan si Zrach sa noo.
"I love you sweetie. I miss you." Muli kong hinaplos ang buhok niya bago tumalikod at lumapit kay Papa.
"Mag-iingat kayo." Sabi ni Mr. Marlowe.
Tumango naman si Papa bago ko itulak ang wheel chair niya palabas ng kwarto. Nakasalubong namin sina Zhieon at Melody na papunta sa kwarto ni Zrach. Nagpaalam din kami sa kanila bago magpatuloy. Tinulungan naman ako ng ibang tauhan na ipasok si Papa sa loob ng van bago ako sumunod.
Sinabi sa'kin ni Tita na bago ako idala ni Mr. Marlowe sa lugar na kung saan sana kukuhanin ang antidote ay nailigtas na nila si Papa. Pumayag ang Mafia Queen na si Mr. Marlowe muna ang bahala kay Papa nang sa ganoon ay maidala ako sa lugar na 'yon. Pinlano ni Mr. Marlowe na idala ako don nang sa ganoon ay mawala ang atensyon ng Mafia Queen kay Papa at nakuha naman nila Tita si Papa bago ako puntahan sa pinagdalhan sa'kin ni Mr. Marlowe, na alam pala nila.
Huminto ang sasakyan sa presinto kung saan nakakulong ang Mafia Queen. Ang alam ko ay sa ibang lugar ikinulong sina Ryoka at Rodge Raleigh pero hindi ko alam kung bakit pa sila inilipat. But anyway, pumunta kami dito ni Papa para tingnan ang kalagayan ng Mafia Queen o ni Cheanne Vedajes-Izra. Kami pa lang ang dadalaw dahil si Zhieon ay ayaw pumunta dito, ayaw niya pang makita ang ina niya dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang ginawa sa kanila nito at lalo na dahil pa sa kondisyon nito.
"Nandito pa ba si Cheanne Izra?" Tanong ko sa pulis na nasa tanggapan.
"Yes ma'am."
Tumango ito at sinabihan ang dalawang pulis na igaya kami kung nasaan si Cheanne Izra. Nakasunod sa amin ang tatlong bodyguards na isinama namin dito.
Kilala nila si Papa dahil sa pagiging sikat niya bilang scientist at bilyonaryo kaya yumuyuko ng bahagya ang mga pulis bilang pagrespeto kaya mabilis na rin kaming nakapasok dito.
Binuksan ng isang pulis ang rehas ng pinakadulong selda at nakita ko sa loob si Cheanne Izra. Nakagapos ng posas ang kanyang magkabilang palapulsuhan at nakatugon ang saktong haba ng bakal sa pader para makakilos siya ng maayos pero hindi siya makakalapit hanggang sa rehas. Nakasiksik siya sa isang gilid habang nakaupo sa maliit na higaan na sakto lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...