Epilogue

9.7K 194 27
                                    


HALF DEMON
*Epilogue*

8 years later...

Matirik na sikat ng araw. Iyon agad ang bumungad sa'kin pagbaba ko ng eroplano. Napapikit ako dahil sa naramdaman kong sakit sa mata kaya sinuot ko ang aviators na nakasabit sa aking leeg bago magpatuloy sa paglalakad, hila-hila ang mga bagahe.

Sinalubong ako ng dalawang bodyguards na pinadala ni Tita para sunduin ako.

Tss...

Hindi ko nga alam kung bakit hindi nalang sila ang manundo sa'kin dito sa airport. Nakakapagtampo lang. Don't they missed me? Halos walong taon kaming hindi nagkikita tapos ipapasundo lang ako sa mga bodyguards? Tapos si Papa, talagang nauna pa siya sa'kin umuwi! Paanong hinintay nalang na matapos ang kontrata ko sa kompanya ng pinagtatrabahuhan ko doon sa States.

Magdadalawang buwan na kasi siya dito sa Pilipinas. Madaling-madali sa pag-uwi dahil kailangan daw siya ni Tita sa naluluging kompanya. As if! Hindi naman papabayaan ni Tita iyon.

"Ma'am, diretso na po ba tayo sa bahay niyo?" Tanong sa'kin ng driver nang makapasok ako sa sasakyan.

Umiling ako. "No. We'll go to the cemmetery first." Sagot ko.

Tumango naman ang driver at pinaandar na ang sasakyan. Huminga ako ng malalim. Sumandal sa upuan saka pumikit. I'm tired and sleepy. Hindi kasi ako halos nakatulog sa byahe. Kahit idlip ay hindi ko nagawa. Nakapikit ako pero hindi tulog. Am I that excited to be back here in the Philippines?

Kaya ko gustong dumaan muna sa sementeryo dahil gusto kong siya muna ang una kong makita bago dumiretso pauwi. Namimiss ko na siya, sobra. Walong taon simula nang huli ko siyang makita at madalaw. Nagtatampo na siguro siya sa'kin dahil hindi ko siya magawang mapuntahan. Kailangan ko lang kasi munang lumayo eh, iyon ang sabi nina Papa.

Hindi ko alam, ang naaalala ko noon bago ako umalis sa bansa na 'to ay hinang-hina ako. Iyak ako nang iyak. Naisip ko pa noon magpakamatay pero hindi ko alam kung bakit. Dahil doon ay idinala ako ni Papa sa States. Ilang taon din bago ako naka-recover sa kung ano man ang nararamdaman ko. Ang weird. Sobrang nawiwirdohan na ako sa sarili ko noon dahil sa biglaan ko nalang na pag-iyak habang natutulog. Sabi ni Papa ay nananaginip lang ako pero hindi ako naniwala. Nagkaroon ako ng kutob na may tinatago siya sa'kin kaya pinilit ko siya at sinabi niya sa'kin na nagka-amnesia daw ako. Tinanong ko kung anong nangyari pero wala siyang sinabi, pinakilala niya lang sa'kin ang mga taong nakalimutan ko daw. Hindi na ako nangulit pa at gusto kong ako nalang mismo ang makaalala sa nakaraan ko. At eto nga, pupuntahan ko ang napakaimportanteng tao sa buhay ko. Hindi siya kinalimutan ikwento sa'kin ni Papa dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang taong pupuntahan ko ngayon.

"Ma'am, nandito na po ta'yo sa sementeryo."

Iminulat ko ang aking mata nang huminto ang sasakyan. Bumaba  agad ako. Hindi na nag-aksaya pa ng oras. Nakasunod sa'kin ang isang bodyguard papunta sa loob. Ngunit pansin kong pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko at bumababa ang tingin sa katawan ko. Dahil sa suot kong pink off shoulder na crop top at white high waisted na short shorts, medyo kita ang tiyan ko dagdagan pa ng killer heels kaya talagang agaw pansin. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napangiti naman ako nang matanawan ko ang puntod na matagal ko nang hindi napupuntahan. Feeling ko nga mula dito ay kumakaway siya sa'kin at winewelcome ako. Bago ako tuluyang makalapit sa puntod niya ay sinabihan ko muna ang bodyguard na umaligid nalang sa'kin habang nandon ako kaya mag-isa akong nagpatuloy sa paglakad.

Nakaramdam agad ako ng kirot sa puso nang makalapit ako. Dahan-dahan akong napaupo sa panghihina ng tuhod. Ba't ganon? Kahit matagal ko nang hindi siya nakakasama ay ang sakit-sakit pa'rin. Parang yung nangyaring pagkawala niya ay parang kahapon lang. Sinakripisyo niya ang sarili niyang buhay para maprotektahan ako. Sinubukan ko siyang iligtas at ipaghiganti pero wala namang nangyari. Hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya kasi, agad niya akong iniwan, kami. Kaming mga nagmamahal sa kanya.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon