Chapter 6

14.3K 271 67
                                    

#6 HALF DEMON
*Servant*

Sun Raue's Point of View

Naglalakad na ko dito sa hallway ng school. Masakit pa rin 'yung ulo ko hanggang ngayon, nagising nga pala ako kaninang umaga nandoon pa rin ako sa Ward Hall, pero nakahiga na ako sa malambot na kama. Ang naalala ko lang kasi, uminom ako kasama si PL at si Lee tapos nasuntok ko si PL dahil ayaw niya ibigay sa'kin yung alak at nakatulog na ko.

"Excuse me?" May biglang humarang sa dinadaanan ko. Matanda na siya pero mahahalata pa rin na malakas pa siya. Tumingin ako sa kanya.

"Are you Sun Raue Montereal?" Tanong niya sakin.

"Yes. Why?"

"Pinapatawag ka ng Mafia Prince. Pumunta ka sa Quarter nya." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit naman ako ipapatawag ng Mafia Prince?" Nagkibit balikat lang siya.

"Follow me." Sabi niya tapos nag-umpisa na siyang maglakad. Kahit hindi ko alam sumunod na lang ako.

Pagdating namin doon, kumatok muna siya.

"She's here, Mafia Prince."

Tumingin siya sa'kin at sinabi niyang pumasok na ko. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Pagpasok ko, sobrang tahimik. Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin ang laki pala nito. May sala tapos sa dulo may matataas na book shelves tapos punong puno pa ng libro.

Naglakad ako papunta sa mga book shelves tapos nagulat ako nang makita ko si PL na nakasandal doon at may hawak na libro.

Don't tell me siya ang Mafia Prince? Pero hindi eh, nakita ko na ang Mafia Prince.

"Hoy PL!" Tawag ko sa kanya. Napatingin bigla siya sa'kin tapos parang nagulat pa siya sa tawag ko.

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang Mafia Prince?" Tanong ko pero hindi pa rin mawala ang pagkagulat sa mukha niya. Masyadong malakas ba ang pagkakatawag ko sa kanya?

"Oy! Sumagot ka nga! Bakit ka nandito? Diba dapat ang Mafia Prince yung nandito? Aish! Tara na nga!" Sabi ko, tumalikod na ko at maglalakad na sana pero hindi pa rin siya sumunod.

"Psst! PL tara na!" Narinig ko na 'yung mga yabag ng paa niya kaya naglakad na ulit ako.

"Wait." Rinig kong sabi ni PL kaya humarap ako sa kanya. Napansin ko agad yung suot niyang kwintas na ulo ng dragon.

Kwintas ng Mafia Prince...

"You're asking me who am I right?" Tiningnan ko siya sa mukha, seryoso lang siya. Hindi ako nakasagot, dahil naguguluhan ako. Bakit siya may kwintas ng Mafia Prince?

Naglakad siya palapit sakin.

"I'm Zrach Izra, the Mafia Prince." Napatitig ako sa kanya.

Pagkatapos...

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Sh*t! Hindi ko mapigilang mapahagalpak ng tawa! Wag nga siyang magbiro! Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kwintas niya tapos tiningnan 'yon.

"Where did you get this? Is this fake?" Hindi talaga ako makapaniwala na nagbibiro siya ngayon.

Tatawa pa sana ako pero hindi natuloy dahil hindi pa rin nagbabago ang pagiging blanko ng ekspresyon niya.

Teka, seryoso ba siya sa sinabi niyang siya ang Mafia Prince?

"Mafia Prince." Sabay kaming tumingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yung Mafia Prince na nakausap ko dati dito. Pero tinawag niya si PL na Mafia Prince?!

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon