Chapter 10

9.7K 203 4
                                    

#10 HALF DEMON
*Blood*

Sun Raue's Point of View

Maaga akong gumising para pumunta agad sa Ward Hall. Sana hindi pa gising si Lee...

Nasa harapan na ako ng pintuan, akmang bubuksan ko na yung pinto bigla iyong bumukas at nakita ko si Lee.

"Ahm.. Doon ako natulog sa dorm ko." Bungad ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako.

"Hindi ko naman tinatanong."

Shoot! Oo nga naman! Nagmumukha tuloy akong defensive.

"Oo nga noh. Hehe, sige gagayak na ko." Pumasok na ako sa loob at nilagpasan siya. Lumabas na din siya.

Nakahinga ako nang maluwag. Pero bakit ba kasi ako kinakabahan? Ano namang pakielam ko kung malaman niyang hindi ako dito natulog. Aish!

Pumasok na ako sa banyo. Naghubad na ako ng damit ko, nakita ko naman yung sugat ko sa salamin. Siguradong makikita 'to mamaya pagnaka uniform na ko. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ko at nagsuot ako ng jacket. Tinakpan ko muna ng puting tela yung sugat ko. Dumudugo pa kasi hanggang ngayon.

Sh*t naman! Bakit ko ba kasi sinundan si PL kagabi tapos niligtas ko pa siya?! What's wrong with me?!

Lumabas na ako ng Ward Hall. Kumuha muna ako ng Breakfast namin ni PL sa cafeteria bago pumunta ng MPQ. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob, baka mamaya maabutan ko naman yung PL na yun na nakatuwalya lang.

Pumasok na ko at nakita ko si Mr.Marlowe na nakaupo sa sofa. Hinanap ko si PL pero wala siya.

"Nasa kwarto pa siya." Sabi sakin ni Mr.Marlowe.

"Ibibigay ko lang yung breakfast niya." Sagot ko naman. Inilapag ko na yun sa lamesa, aalis na sana ako pero nagsalita pa siya.

"Samahan mo muna siya dito, masama daw ang pakiramdam niya." Umalis na siya pagkasabi nun.

Ano?! Eh papasok ako eh!

Masama daw ang pakiramdam, nasugatan ba siya kagabi? Hindi naman eh. Tss..

Pumunta ako sa harapan ng kwarto niya tsaka yon kinatok.

"Hoy PL! Bumangon ka na dyan, nandito na yung breakfast mo!" Naghihintay ako ng sagot pero wala. Kinatok ko siya nang kinatok.

"PL!!! Bumangon ka na dyan!! Papasok pa ko!!!" Sumigaw na ko pero wala pa ding sumasagot. Aish!

Nakadikit na yung tenga ko sa pintuan, pinapakinggan ko kung tulog pa talaga siya. Pero muntik na akong masubsob nang biglang bumukas yung pinto. Hindi pala ako muntik masubsob, nasubsob nga ako... sa dibdib ni PL.

Aray ha! F*ck!

Mabilis akong tumayo ng maayos at tiningnan siya nang masama. Pero napatitig ako sa mukha niya. Kagigising niya lang dahil sa messy hair niya. Bakit ang hot niya tingnan pag ganun ang itsura niya? Bigla kong naalala nung hinalikan niya ako kagabi. Umiwas agad ako ng tingin. Ano ba yung iniisip ko??!

"Ang ingay mo." Blangko lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sakin.

"Kanina pa kaya kita ginigising! Tsk! Papasok pa ko!" Hindi nya ako pinansin, nilagpasan niya lang ako at binunggo pa yung balikat ko. Napahawak ako sa sugat ko. Sh*t! Ang hapdi.

Napatayo ako bigla ng maayos nang tiningnan niya ulit ako. D*mn you ten times PL! Hi-ned to toe niya ko na para bang nagtataka sa suot ko.

"Bakit ka naka jacket?" Tanong niya. Kaya naman pala.. Pero anong isasagot ko?

Nilalamig ako? Trip ko lang? Gusto ko eh, paki mo ba? Aish!!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit inggit ka?" Nginisihan ko siya. Mukha naman siyang nainis sa sagot ko, nagroll eyes pa nga siya. Tss! Pikon.

Naglakad na ako papuntang lamesa at inayos yung pagkain namin.

"Oh, kumain ka na." Sumunod naman siya at umupo sa tapat ko. Nagsimula na kaming kumain... walang ni isang nagsasalita samin pero minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa kanang braso ko. Nagtataka na kaya siya?

Tumikhim siya. "Left handed ka pala?" Tumingin ako sa kanya. Nasa kaliwang kamay ko kasi yung kutsara at kanan naman yung tinidor.

"Oo, bakit may problema?"

"Wala naman." Sagot niya tapos kumain na ulit.

Nakita niya kaya kagabi na ginamit ko yung maliit kong espada sa kaliwa ko?

"Sabi nga pala ni Lee, hindi ka daw sa Ward Hall natulog kagabi."

"Sa dorm ko ako natulog." Sa tingin ko nagsususpetsa na talaga siya.

Hindi na siya nagsalita pa. Tumayo na siya pagkatapos niyang kumain, pumunta siya sa sink at nilagay doon ang pinagkainan niya.

Bago siya pumasok sa kwarto nya nagsalita pa siya.

"Wag kang aalis, maglinis ka dito." Sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ano?!" Hindi na siya sumagot at dire-diretsong pumasok sa kwarto niya.

Ako?! Paglilinisin niya?! What the hell! Never kong inimagine na maglilinis ako. D*mn you talaga Zrach Izra!

Pagkatapos kong kumain, hindi ko alam kung bakit ko 'to gagawin pero naghugas ako ng pinagkainan namin, kahit hindi ako marunong! Bwisit ka PL!!

Pumunta na ako sa sala pagkayari, paano ako maglilinis nito?! Saan ako magsisimula?? May nakita akong feather dust sa sulok, kinuha ko iyon at ginamit sa lamesa pati sa mga book shelves. Shete! Ang tataas nito kaya kailangan ko pang gumamit ng hagdan, mabuti na lang at meron dito.

Alam niyo yun, inis na inis ako habang ginagawa ko 'to! Padabog kong pinapagpag yung feather dust pero napahinto ako nang biglang gumalaw yung hagdan dahil sa pagdadabog ko. Dahil doon na out balance ako at bumagsak ako sa sahig. Ouch!

F*cksh*t!

Nakita kong babagsak na sakin yung hagdan, aalis na sana ako pero may biglang humarang sa hagdan.

Sh*t si PL!

Dahil sa ginawa niya, siya ang bumagsak sakin at sa likuran niya bumagsak ang hagdan.

"F*ck." Malutong na mura niya.

Inalis niya yung hagdan na natumba sa likod niya tsaka siya umupo. Napapamura pa siya sa sakit. Dahan-dahan din akong umupo, ang sakit kaya ng pagkabagsak ko.

"Okay ka lang?" Tumingin ako kay PL. Totoo ba 'to? Nag-aalala siya sakin?

Tumango ako. "Eh ikaw?" Tanong ko naman sa kanya.

"Mukha ba kong okay?" Sarkastikong sabi niya.

"Ikaw din naman may kasalanan! Sino ba kasing may sabing ikaw ang humarang sa hagdan?" Sisi ko sa kanya.

"Kung hindi ko ginawa yun, eh di ikaw ang nabagsakan."

"Ano namang pakielam mo kung ako ang nabagsakan?" Tiningnan ko siya pero mabilis siyang umiwas.

"Sabi ko nga sayo, gusto kitang protektahan." Tumayo na siya tapos pumuntang kusina para uminom ng tubig.

"Kung ako sayo wag nalang.... kaya ko ang sarili ko." Sabi ko sa kanya. Naramdaman kong humapdi yung sugat ko sa braso. Tiningnan ko iyon,

Sh*t! Dumudugo! At halata na sa jacket ko.

Tumingin ako kay PL. Nakatalikod siya sakin. Tumayo na ko at ikinubli ang sugat ko. Humarap na siya sakin.

"K-kailangan ko nang umalis." Hindi pa siya nakakapagsalita nang tumakbo na ko palabas ng MPQ.

Zrach's Point of View

Nagtaka ako nang biglang tumakbo palabas si Araw. Lumapit ako sa pinanggalingan niya nang may nakita akong kulay pula sa sahig.

"Dugo?"

Bakit may dugo dito? Imposible. Baka nasugatan lang siya nang bumagsak siya sa sahig. Sana nga nasugatan lang sya dahil dito.


Itutuloy...

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon