Chapter 28

6.6K 165 5
                                    

This chapter is dedicated to PaRkHaN2027

#28 HALF DEMON
*Message*

Sun Raue's Point of View

Magkasalubong na kilay ng Mafia Prince ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa MPQ. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa itsura niya na 'yon.

Ano na namang problema nito? Tss!

"Bakit ngayon ka lang?" Iritadong tanong niya at humalukipkip sa harapan ko.

Umirap ako at nilagpasan siya.

Tanghali na kasi ako nagising dahil sa kakaisip kagabi ng plano para maitakas si Dawn Lewis sa Mafia Palace at iyon ang sasabihin ko mamayang hapon sa WMG at FDG.

"Tinanghali akong gumising." Sagot ko. Inilapag ko na sa lamesa ang kinuha kong pagkain sa cafeteria.

"At bakit ka naman tinanghali? Anong iniisip mo?" Naglakad siya papunta sa lamesa kung nasaan ako at umupo.

Pati ba naman 'yon papakielaman niya pa? Ugh!

"Tss.. Pakielamero ka talaga e, 'no?" Inirapan ko ulit siya bago umupo sa tapat niya.

"Oh, that's why you keep on calling me 'PL', right?" He smirked.

"Kumain ka na nga lang! Ang dami pang satsat!" Inis na sabi ko sa kanya. Mahuhulog na yata ang eye balls ko kakaikot non. Tss..

Nagsimula na kaming kumain. Nasanay na din akong lagi kaming magkasabay dahil halos araw-araw ay kami ang magkasama. I'm comfortable with him knowing that he's my old bestfriend Aizer. Kahit na malaki ang pinagbago niya at ng samahan naming dalawa ay hindi pa rin talaga mawala ang pakiramdam ko noon tuwing magkasama kami.

Matagal nang bumabagabag sa isip ko. 'Pag nalaman niyang si Luxury at si Half Demon ay iisa, ano kayang gagawin niya? Papatayin niya pa rin ba ko? He wants to protect Luxury but he wants to kill Half Demon. And me as a Sun Raue, his servant.

Tanging ang tunog lang ng kubyertos ang namayani sa loob ng kwarto dahil sa sobrang katahimikan. Hanggang sa tumikhim si PL at tumingin na ulit sa'kin.

"Bakit mo nga pala sinabi 'yon?" Tanong niya.

Bumaling ako sa kanya. "Ang ano?"

"Why you didn't tell them that I'm the one who killed those f*cking b*stards?" May halong iritasyon sa boses niya.

I smirked.

"Aren't you thankful? I saved you from the punishment." Iritadong sagot ko rin.

Umangat ang gilid ng labi niya at tinitigan ako sa mata.

Oh god! Those black pair of eyes. It's hypnotizing me. D*mn!

Umiwas ako sa titig niya at tinuon nalang ang pansin sa pagkain ko.

"You're concerned about me." Hindi 'yon tanong. Sinabi niya iyon na parang siguradong-sigurado siya.

Umangat muli ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang ngiti sa labi niya. Humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor ko. His lips... Reminds me something. Biglang nanghina ang tuhod ko. Siguro kung hindi ako nakaupo ay bumagsak na ko.

F*ck! What the hell is happening to me?!

Pumikit ako at huminga nang malalim.

"Hell no!" Sabi ko nang mapakalma ang kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Tumawa siya. Goodness! How sexy he is--- oh d*mmit! Stop Sun Raue! Argh!

"After five years Lux! I saw you blushed again!" Tuwang-tuwang sabi niya.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon