Chapter 35

6.2K 150 7
                                    

#35 HALF DEMON
*Addicted*

Sun Raue's/ Lux's Point of View

"Lux! Lux! Gising!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Melody. Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa'kin kaya napilitan akong dumilat.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Madaling-madali ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bumangon ka na d'yan! Sinugod tayo ng Crusadeous!"

Biglang nawala ang antok ko at nanlaki ang mga mata saka ako dali-daling tumayo. Pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng kalabog sa baba.

"D*mn it!"

Dinampot ko ang baril na nasa ilalim ng unan ko at lumabas ng kwarto. Wala nang ayos-ayos!

"Lux! Mag-ingat ka!" Nag-aalalang sabi ni Melody.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa ibaba kaya sa hagdanan na ako dumiretso. Hindi pa man ako nakakatapak sa hagdan nang may lalaking nakasuot ng puting maskara ang sumalubong sa akin.

Pinaputukan niya ako pero mabilis akong naka-ilag. Itinutok ko na ang baril sa kanya pero hindi ko pa man nakakalabit ang gatilyo ay natumba na siya.

Tumingin ako sa likuran at nakita ko doon si Melody na nakangisi habang may hawak na baril. Hinipan niya pa ang dulo non bago bumaling sa'kin. Nginitian ko naman siya bago tumuloy sa pagbaba.

Naabutan ko doon ang ilang members ng Wolf Monster Gang at Fire Danger Gang kasama si Lei Elvise na nakakubli sa tabi ng pinto.

"Nasaan sila Tita?" Tanong ko habang pinapaulanan ng bala ang mga kalaban na tumatakbo papunta sa'kin.

"Nasa labas sila." Si Lei Elvise ang sumagot.

Sabay-sabay kaming napadapa nang may biglang pagsabog ang yumanig sa buong bahay. Umusok ang paligid kaya napaubo ako. Tinakpan ko ang ilong ko at unti-unting tumayo para bumalik sa taas at kuhanin ang itim kong bag pack kung nasaan ang pula kong maskara at maliit na espada.

Wala nang mga kalaban sa paligid kaya mabilis akong nakarating sa kwarto. Dinampot ko ang bag pack sa ilalim ng kama, palabas na sana ako nang may biglang humarang sa'kin at tinutukan ako ng baril.

"Finally, Luxury Montague."

Natatakpan ang buong mukha niya ng puting maskara katulad ng ibang kalaban.

"Who are you?"

Hindi sila Crusadeous. I'm sure of that. Puting maskara, sino sila?

"Don't you remember me?" Baritonong sambit niya sa matigas na ingles.

Nangunot ang noo ko kaya ngumisi siya at dahan-dahang ibinaba ang baril sa pagkakatutok sa'kin. Humakbang siya palapit pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"It's been a while..."

Hindi ako nakapalag nang haplusin niya ang kaliwang pisngi ko. D*mn! What the hell is he doing?!

"Hands off."

Natigilan siya nang may narinig kaming kasa ng baril sa likuran niya. Nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ang sobrang pamilyar na boses ng lalaki.

Ngumising muli ang lalaking nasa harapan ko habang nakatitig sa mga mata ko.

"By the way, I'm Geize. My Queen."

Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa pisngi ko bago siya mawala sa paningin ko at lumabas ng kwarto na dumaan sa bintana.

Natulala ako at hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo. Who's that guy? F*ck!

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon