Chapter 8

11.4K 221 10
                                    

#8 HALF DEMON
*To protect*

Sun Raue's Point of View

"I heard na servant ka ng Mafia Prince." Sabi sakin ni Lee. Nandito ako sa Ward Hall, sa kanya pala itong maliit na bahay.

"Sad to say, Oo." Sagot ko sa kanya. Nakahiga ako sa sofa habang siya kumakain.

"Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin na sya ang Mafia Prince?" Tanong ko.

"Ayaw niya pasabi." Maikling sagot niya. Tapos na siyang kumain kaya tumayo na siya at dinala ang pinagkainan niya sa sink.

"Bakit naman?" Tanong ko ulit pero nagkibit balikat lang siya. Papasok na sana siya sa kwarto niya pero huminto siya at humarap sakin.

"Ang swerte mo nga eh dahil sa dami na gustong maging servant niya ikaw ang pinili niya, mapoprotektahan ka niya. Kaya sana protektahan mo din siya dahil marami ding gustong pumatay sa kanya... Sun Raue." Natulala ako sa sinabi niya kaya hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa kwarto. Ano daw?

Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil wala lang trip ko lang. Dito na ako natulog sa sofa sa Ward Hall, nakakatamad kasi maglakad papuntang dorm ko ang layo kaya nun, pinakahuli pa. Tsaka nandito naman yung mga gamit ko eh. Mabuti nga at pumayag si Lee na dito ako tumuloy.

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Lee na kalalabas lang din ng kwarto. Tumingin siya sakin tapos agad ding umiwas.

Sh*t! Nakatapis lang pala ako!

"Sige, pasok na ko." Sabi niya tapos dire-diretsong lumabas ng Ward Hall.

Pumapasok din pala siya, pero hindi ko kasi siya nakikita sa campus. Nagbihis na lang ako tapos lumabas na din ako. Bibili na lang ako ng breakfast ko sa cafeteria. Hindi naman ako marunong magluto.

Malapit na ako sa cafeteria nang lumapit sakin si Mr.Marlowe.

"Ms.Montereal, pupunta ka ng cafeteria diba? Dalhan mo na rin ang Mafia Prince ng breakfast." Sabi niya bago pa ako makapagreklamo na ka alis na siya.

Ano ba yan! Pati ba naman pagkain ng PL na yun sakin pa din?! Tss! Wala pang binigay na pambili!

Nag-order na din ako ng pagkain ni PL kahit labag sa kalooban ko. Inabot ko na yung bayad.

"Miss, wala na pong bayad ang mga pagkain dito." Nagtaka ako sa sinabi ng nasa counter. Ayos ah, ang Mafia Prince na naman ba may pakana nito?

Hindi na ako nagsalita at lumabas na sa cafeteria tsaka pumunta sa MPQ. Pagdating ko dun hindi na ako kumatok katulad ng ginagawa ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si PL na kalalabas lang sa banyo at may tuwalya lang siya sa bewang tapos basang basa pa yung buhok niya. Napatingin ako sa katawan nkya, bakit ang ganda ng katawan niya? Tapos may abs pa siya...

Bigla akong natauhan at mabilis kong sinara ang pintuan. Sh*t! Ano yun?! Nagtinginan sakin yung mga nagdadaang istudyante, sinamaan ko sila ng tingin, mga umiwas naman agad sila.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit bigla akong kinabahan?? Taena naman! Babae lang ako!

D*mn you ten times PL!

Sumandal ako sa pader na tabi ng pinto. Bakit kasi hindi siya nagla-lock ng pinto?

"Pwede ka nang pumasok, nakabihis na ko." Tumingin ako kay PL. At ayun, nakangisi na naman. Inirapan ko siya tapos binunggo ko siya para makapasok.

"Eto na yung breakfast mo!" Padabog kong nilapag yung pagkain sa lamesa. Narinig ko siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko sa kanya. Lumapit siya sakin.

"Namumula ka eh." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo! Namumula ako sa inis!" Inirapan ko ulit siya tapos naglakad na ako papuntang pinto.

"At saan ka pupunta?" Hinawakan niya ako sa wrist. Inalis ko agad yun.

"Aalis na." Maglalakad na ulit sana ako pero nagsalita na naman siya.

"Hindi ka pwedeng lumabas. That's an order, Sun Raue. I'm your Mafia Prince so you must obey my words." Humarap ako sa kanya at seryoso na siya. Ngayon niya lang ako tinawag sa pangalan ko.

"Fine!" Wala na akong nagawa. Umupo ako sa sofa at hindi ko siya tinitingnan, kahit alam kong nakatingin siya sakin.

"Sabayan mo kong magbreakfast." Kahit inis na inis na ako sinunod ko na lang siya at umupo sa tapat niya.

Nagsimula na siyang kumain, ganun na din ako dahil nagugutom na ako.

"Bakit ka nakauniform?" Biglang tanong niya sakin.

"Anong pakielam mo?" Hindi ko mapigilang masagot siya ng pabalang. Naiinis na kasi talaga ako eh.

"Tinatanong kita ng matino." Seryoso na yung boses niya. Tumingin ako sa kanya.

"Papasok ako malamang."

"You are excused." Sabi niya.

"I know. Gusto ko lang pumasok." Anong gusto niya, hindi na ako papasok? Mas gusto ko na lang pumasok noh, kaysa makasama siya buong araw.

"Sige umalis ka na." Tumayo na siya, papasok na sana siya sa kwarto niya pero may naalala akong itanong sa kanya kaya nagsalita ako kaya huminto siya.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Nacucurious ako, bakit ginawa niya akong servant niya? Gusto ko malaman kung anong dahilan niya. He don't even know me.

"Ano ba sa tingin mo?" Sabi nya pero nakatalikod pa rin siya sakin.

"Para maging utusan diba?"

"Yun lang ba ang akala mo? Hindi kita gustong maging utusan, gusto kitang protektahan." Pagkasabi niya nun pumasok na siya ng kwarto.

Seriously Zrach Izra? Gusto mo kong protektahan? Pero paano pag nalaman mong ako ang pumatay ng kakambal mo? Gusto mo pa rin ba akong protektahan?

Itutuloy...

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon