Chapter 49

6.2K 123 16
                                    

#49 HALF DEMON
*Sacrifice*

Lux's Point of View

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang puting kwarto. F*ck. Dito ako dinala ni Mr. Marlowe! Babangon na sana ako nang maramdaman ko na nakatali ang magkabilang palapulsuhan ko sa kama, ganoon din ang mga paa ko.

What the?!

Sinubukan kong magpumiglas upang makawala pero sobrang higpit ng pagkakatali. Namumula na ang balat ko.

"Don't waste your energy, Luxury." Sabi ng lalaking naka face mask at nakasuot ng lab gown.

Tumingin ako sa kanya na nasa gilid ko kanina pa pero ngayon ko lang napansin.

"D*mn! Pakawalan mo ko!" Wala akong tigil sa pagpiglas kahit na alam kong hindi ko magagawang makawala.

Inalis ng lalaki ang face mask niya bago iharap ng buo sa'kin ang mukha niya.

"F*ck you Ryoka!"

Sinasabi ko na nga ba na isa rin siya sa gustong makakuha ng antidote. Kasabwat niya si Mr. Marlowe? Ngumisi siya at matalim akong tiningnan.

"You surprised me. You were Sun Raue Montereal then Half Demon, and now... Luxury Montague?" He said with the full of disgust in his voice.

Matatalim din ang tingin ko habang sinusundan siyang maglakad papunta sa kabilang gilid ko. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko na mabilis kong iniwasan. D*mn!

"Your family killed my sister, did you know that, huh? Wala ka mang kasalanan ay ikaw ang magbabayad. Buhay ang kinuha nila kaya buhay din ang kapalit." Nanggagaliiting sabi niya habang nakangisi.

Kapatid? May kapatid siya na pinatay ng pamilya ko? Wait. Don't tell me...

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakangising Mafia Queen, si Rodge Raleigh na ama ni Ryoka at panghuli si Mr. Marlowe, nakasuot sila ng lab gown. Nagtama ang mata namin ni Mr. Marlowe at binato ko siya ng masasamang tingin pero wala lang siyang reaksyon, umiiwas ng tingin sa'kin.

Mga traydor! F*ck!

"Curse you to death!" Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng kaliwang mata ko. Now, feel the demon inside me. Son of a b*tches! Bago pa ako makapiglas ulit ay nakita kong sinenyasan ng Mafia Queen si Mr. Marlowe kaya lumapit ito sa'kin. Tinurukan niya ako sa braso ng kung anong gamot dahilan ng pamamanhid ng aking buong katawan. Nawala agad ang apoy ko sa kaliwang mata. Nakaramdam din ako ng panghihina at pagbigat ng aking hininga.

"F*ck you..." I said to Mr. Marlowe, almost a whisper because of my lost of energy.

"I'm sorry. I just need to do this." Dinig kong bulong niya na sa tingin ko ay hindi narinig ng tatlo dahil sa sobrang hina nito.

Nagtaka ako. Bago pa man ako makapagsalita ay lumayo na siya sa'kin at may kung anong pinindot sa monitor na katabi ng kama ko. Hindi na ako makagalaw pa. Sh*t!

"Ilang sandali nalang ay mabubuhay na ang anak natin." Dinig kong sabi ni Rodge Raleigh.

D*mn. What?!

Tumawa ang Mafia Queen. Sumang-ayon sa sinabi ni Rodge Raleigh. What the hell? Anak nila ang sinasabi nilang pinatay ng pamilya ko? Si Ryoka, anak din ba siya ng Mafia Queen? Pero paano sina Zrach at Zhieon?

"Umpisahan mo na Raymond." Sabi ng Mafia Queen.

Pumunta si Mr. Marlowe sa ulunan ko at may pinindot. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamang hinihigaan ko. Pilit kong tiningnan kung anong nangyayari. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung saan ako ipapasok. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero isang machine ito kung saan kasya ang isang tao. Anong gagawin nila? F*ck! Pinilit kong gumalaw pero hindi ko magawa.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon