Chapter 38

5.6K 137 8
                                    

#38 HALF DEMON
*Poisoned*

Lux's Point of View

Nagpumiglas ako sa hawak ng lalaki nang pigilan niya ko sa paglabas.

"I don't care who you are! Let me go!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Kailangan kong iligtas ang pamilya ko!

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse at tumakbo na ko paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo nang higitin na naman ako ng lalaking nagpakilalang Zrach.

"D*mn, hard headed Montague! Please, listen.. I'm an Izra. Magkaaway ang pamilya natin at gusto ko nang patigilin 'yon. Siguro 'pag nakita nila tayong magkasama ay matitigil na ang away sa pagitan natin--"

Pinutol ko na ang sasabihin niya. Wala akong pakielam 'don! Ang mahalaga ang pamilya ko. Si Melody, si Aizer.

"Shut up! Ang magkaaway ay magkaaway. Kaya hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo, Zrach f*cking Izra!" Natigilan siya sa sinabi ko kaya nagkaroon ang ng pagkakataong maka-alis.

"Zrach.."

Umikot ang paningin ko nang imulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang isang pares ng mata na nasa tabi ko.

"You're awake."

Umupo ako mula sa pagkakahiga kaya't agad akong inalalayan ni Dawn Lewis na nasa gilid ko.

"You okay, Montereal?" Kunot-noong tanong niya kaya bumaling ako sa kanya.

"I'm--I'm okay.." Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. "Anong nangyari? At nasaan ako?"

Sasagot na sana si Lewis nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Mr.Marlowe, Lei Elvise at Melody. Nagulat sila nang makitang gising na ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Bungad ni Melody at lumapit sa'kin saka ako mahigpit na niyakap.

Nang kumalas siya sa yakap ay sumagot ako na okay lang ko kahit na medyo hilo pa rin ako. D*mn! My head really hurts! Ano ba kasing nangyari?!

"My god! Isang linggo kang tulog! Akala ko may masama nang nangyari sayo!" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Melody.

Nagsalubong ang kilay ko. What?! Anong isang linggo? Bakit? Anong nangyari?

"Huh? What happened? Bakit isang linggo?" Nagtatakang tanong ko.

"Don't you remember? Lumabas ang demon--" Pinutol ni Tita ang sasabihin ni Lewis.

"'Wag mo nang isipin pa ang nangyari, baka mas lalong sumakit ang ulo mo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna, Lux." Si tita.

Hindi matanggal ang pagsasalubong ng kilay ko.

"Naging ako na naman ba si... Half Demon?" Mahinang sambit ko.

Pumatay na naman ako? Ilan? Sino?

Bakit hindi ko na naman maalala kung anong mga nangyari pag nagiging ako si Half Demon? F*ck. Hindi ko alam! Bakit pili lang ang naaalala ko?

"Ako si Zrach, okay? Poprotektahan kita.."

Bigla akong napahawak sa sintido ko kasabay ng pagpikit ko. Ang sakit ng ulo ko.

"Luxury? Luxury? Are you okay?"

Parang nag e-echo nalang ang mga boses sa paligid ko. Napasigaw na ko sa sakit at ilang minuto pa bago nagdilim ang paligid ko.

"Kailangan ko munang bumalik sa Mafia Palace. Isasama ko si Lee."

"Bakit? May problema ba?"

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon