Chapter 44

5.1K 122 3
                                    

#44 HALF DEMON
*Vipers*

Luxury's Point of View

Saktong pagbagsak ni Lei Elvise sa lupa ay ang muling pagkakagulo sa paligid. May nakita akong Rising Sun na lumapit sa kanya para ialis siya sa gulo.

D*mn! Bat niya pa kasi 'yon ginawa?

Nakita kong nagulat din ang Mafia Prince sa nangyari kay Lei Elvise. Tumingin muli ako sa Mafia Queen at wala na sa gilid niya si Papa. Saan niya dinala si Papa? Mas lalo kong naramdaman ang galit ko.

F*ck you hard, Mafia Queen!

Bukod sa mga naka-itim na maskarang mga Crusadeous ay sumusugod din sa'kin ang mga naka-blue masks. I don't have any idea who they are. Ngayon ko lang sila nakita. Hindi kaya ay kaalyado sila ng Mafia Queen?

Nang wala nang mga sumusugod sa'kin ay dahan-dahan akong humahakbang papalapit sa Mafia Queen. Kita ko sa mga mata ang takot. I smirked. Who wouldn't scared of me? I am Half Demon and no one can mess up with me.

"S-Stop right there." Dinig kong sabi niya nang medyo malapit na ako sa kanya.

Huminto ako at tumingin sa Mafia Prince. Ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Walang emosyon pero kung tititigan mong mabuti ang mga mata niya ay makikita ang galit sa mga ito. Bakit ayaw mong umalis dyan Mafia Prince? Bakit hindi mo ako labanan? Alam kong gustong-gusto mo na kong patayin.

Nagkatitigan kami. Ang nag-aapoy kong kaliwang mata ay unti-unting nawawala habang nakatingin ako sa mga mata niya. D*mn those black eyes. Hanggang sa mawala ang apoy sa mga mata ko ay nakatitig pa rin ako sa kanya.

Nasa kanya lang ang buong atensyon ko at hindi ko na naramdaman ang pana na papalapit sa'kin dahilan para tamaan ako sa tagiliran. Mabilis ko iyong hinawakan kasabay non ay ang muling pagtama ng pana sa kanang hita ko. Napapikit ako sa sakit. Bago maputol ang titigan namin ng Mafia Prince ay nakita ko siyang ngumisi.

Sh*t!

Naramdaman ko ang biglang pakirot ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagngisi. Ibang Zrach ang nakita ko sa mga sandaling iyon. Natunghayan ko ang sinasabi ni tita na heartless. Hindi ko pa nga talaga siya kilala. Ito ka nga ba talaga, Zrach?

Nanghina ako. Hindi dahil sa dalawang pana na nasa katawan ko kundi dahil sa pinakitang ekspresyon sa'kin ng Mafia Prince. D*mn! What do you I expect? I am Half Demon now! Not Luxury Montague nor Sun Raue Montereal!

Hinawakan ko na ang pana na nasa hita ko. Hindi na ko makatayo ng maayos. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago imulat ang mga mata at naabutan kong nanatili pa rin ang titig niya sa'kin. Ngayon, hindi ko na mabasa kung ano ang kanyang nasa mga mata.

Tumalikod na ang Mafia Prince para umalis. I was about to call him pero huminto siya para lingunin ang Mafia Queen na kasalukuyang lalapit sa'kin.

"Let's go, mom." Tawag niya sa Mafia Queen kaya napahinto ito sa paglalakad palapit.

Natigilan ako. That's the first time I heard him calling the Mafia Queen, 'mom'. Sumulyap muna sa'kin ang nakangising Mafia Queen bago sumunod sa anak.

Wala na silang gagawin? Why don't they kill me already? What's their plan? What's your plan Mafia Prince?

Naramdaman ko na ang kirot dulot pana na nakatusok sa tagiliran at hita ko. Bumagsak ako sa lupa. This isn't just an ordinary arrow. May lason 'to kaya ganitong panghihina na lang ang nararamdaman ko.

Itinukod ko ang maliit kong espada sa lupa. Sinubukan kong tumayo dahil sa mga kalaban na papunta sa'kin pero hindi ako nagtagumpay. Akala ko ay matatamaan na ako ng espada ng Crusadeous pero hindi iyon tumama dahil may sumangga non at nilabanan ang mga sumugod sa'kin.

Half Demon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon