#26 HALF DEMON
*Tattoo*Sun Raue's Point of View
Madaling araw na pero gising na gising pa rin ang mga tao dito sa loob ng LU. Hindi ko na kasama ang Mafia Prince dahil pinatawag siya ng Mafia Queen at iba pang Mafia Officials para pag-usapan ang nangyaring sunog.
Mag-isa lang akong nakatayo dito malayo sa girls dorm at tinatanaw ang mga pulis na nag-iimbestiga habang yung mga estudyante ay nasa labas lang at nagkukumpulan. Ilang oras din ang tinagal ng sunog, mabuti na lang ay may mga bumberong dumating upang patayin ang apoy.
Sumandal ako sa punong nasa likuran ko at napaisip ng mabuti..
May narinig ako na sa mismong dorm ko nagmula ang sunog. Wala naman akong matandaan na pwedeng pagmulan ng apoy doon dahil kadarating ko lang at natulog lang ako.
At si nerd. Anong ginagawa niya sa likuran ng girls dorm? May alam ba siya sa nangyari? Ibang-iba ang itsura niya sa nakita ko kagabi dahil yung mga mata niya parang papatay, malayo sa lampang nerd na nakita ko dati. Posibleng may alam siya. Hindi ko naman masabing siya ang may gawa ng sunog dahil sinabi niya sa'kin na huwag bumaba dahil may kalaban tapos nang makababa ako ay wala na siya doon.
Yung tatlong lalaking nadatnan ko sa ibaba na nanonood lang ng sunog at tinanong ako kung nanggaling ako sa pinagmulan ng sunog. Posibleng sila ang may gawa non. At paano sila nakapasok dito? Mahigpit ang seguridad dito at may makapasok lang na kalaban ay mag-aalarm na at maririnig ng lahat na may nakapasok. Kaya nakakapagtaka na walang ganoon na nangyari. Maaaring may nagpapasok sa kanila rito o di naman kaya ay may gustong pumatay sa'kin dito sa loob ng LU.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga yapak na tumatakbo palayo at sa tingin ko ay papunta sila sa Hell Place.
Hindi na ko nagdalawang isip na sundan sila.
I need to know who are those f*cking people behind this. Dahil sino ba naman kasi ang magtatangkang patayin ang isang ordinaryong Mafia na si Sun Raue Montereal diba? Maliban nalang kung may nakakaalam pang iba na ako si Half Demon.
"Nasaan na ang iba pa nating kasamahan?" Dinig kong tanong ng isang lalaki.
"Nabaril yung tatlo malapit sa dorm ng pain natin." Sagot ng isa.
"Ano?! Hindi 'bat sinabi ko sa inyo na magmanman lamang? Paanong nandoon ang tatlo at nakita sila?"
"Binaril sila ng target."
"At may nangligaw sa kanila kaya sila napadpad doon."
Napakapit ako ng mahigpit sa puno na tinataguan ko. Anong ibig nilang sabihin? Ako ang pain, at ang Mafia Prince ang target? F*ck! Sinong nag-utos sa kanilang gawin 'to?!
"Anong nangyari sa pain?"
"Buhay pa, master.."
"Ang Mafia Prince?"
"Ganun din po.."
Narinig kong nagmura ang tinawag nilang master.
"Tell the head master... Pinoprotektahan nga ng Mafia Prince ang target din nila."
Nagyukuan yung mga kasamahan ng tinawag na master bilang paggalalang.
"Masusunod po, master."
"Wait our head master here, pupunta siya dito pagkatapos ng meeting ng mga Highest of all the Mafias Organization... babalik na ko sa loob."
BINABASA MO ANG
Half Demon (Completed)
Action(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her left eye turns into a fire... Literally fire... When you look at her, you will see a... HALF DEMON. ...